1Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
1اذ كان كثيرون قد اخذوا بتاليف قصة في الامور المتيقنة عندنا
2Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita,
2كما سلمها الينا الذين كانوا منذ البدء معاينين وخداما للكلمة
3Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
3رأيت انا ايضا اذ قد تتبعت كل شيء من الاول بتدقيق ان اكتب على التوالي اليك ايها العزيز ثاوفيلس
4Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
4لتعرف صحة الكلام الذي علّمت به
5Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet.
5كان في ايام هيرودس ملك اليهودية كاهن اسمه زكريا من فرقة ابيا وامرأته من بنات هرون واسمها اليصابات.
6At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon.
6وكانا كلاهما بارين امام الله سالكين في جميع وصايا الرب واحكامه بلا لوم.
7At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon.
7ولم يكن لهما ولد اذ كانت اليصابات عاقرا وكانا كلاهما متقدمين في أيامهما
8Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,
8فبينما هو يكهن في نوبة فرقته امام الله
9Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan.
9حسب عادة الكهنوت اصابته القرعة ان يدخل الى هيكل الرب ويبخر.
10At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan.
10وكان كل جمهور الشعب يصلّون خارجا وقت البخور.
11At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.
11فظهر له ملاك الرب واقفا عن يمين مذبح البخور.
12At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot.
12فلما رآه زكريا اضطرب ووقع عليه خوف.
13Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
13فقال له الملاك لا تخف يا زكريا لان طلبتك قد سمعت وامرأتك اليصابات ستلد لك ابنا وتسميه يوحنا.
14At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.
14ويكون لك فرح وابتهاج وكثيرون سيفرحون بولادته.
15Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
15لانه يكون عظيما امام الرب وخمرا ومسكرا لا يشرب. ومن بطن امه يمتلئ من الروح القدس.
16At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios.
16ويرد كثيرين من بني اسرائيل الى الرب الههم.
17At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.
17ويتقدم امامه بروح ايليا وقوته ليرد قلوب الآباء الى الابناء والعصاة الى فكر الابرار لكي يهيئ للرب شعبا مستعدا.
18At sinabi ni Zacarias sa anghel, Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon.
18فقال زكريا للملاك كيف اعلم هذا لاني انا شيخ وامرأتي متقدمة في ايامها.
19At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.
19فاجاب الملاك وقال له انا جبرائيل الواقف قدام الله وأرسلت لاكلمك وابشرك بهذا.
20At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan.
20وها انت تكون صامتا ولا تقدر ان تتكلم الى اليوم الذي يكون فيه هذا لانك لم تصدق كلامي الذي سيتم في وقته.
21At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo.
21وكان الشعب منتظرين زكريا ومتعجبين من ابطائه في الهيكل.
22At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya'y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi.
22فلما خرج لم يستطع ان يكلمهم ففهموا انه قد رأى رؤيا في الهيكل. فكان يومئ اليهم وبقي صامتا
23At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya'y umuwi sa kaniyang bahay.
23ولما كملت ايام خدمته مضى الى بيته.
24At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya'y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi,
24وبعد تلك الايام حبلت اليصابات امرأته واخفت نفسها خمسة اشهر قائلة
25Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako'y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao.
25هكذا قد فعل بي الرب في الايام التي فيها نظر اليّ لينزع عاري بين الناس
26Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,
26وفي الشهر السادس أرسل جبرائيل الملاك من الله الى مدينة من الجليل اسمها ناصرة
27Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
27الى عذراء مخطوبة لرجل من بيت داود اسمه يوسف. واسم العذراء مريم.
28At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo.
28فدخل اليها الملاك وقال سلام لك ايتها المنعم عليها. الرب معك مباركة انت في النساء.
29Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
29فلما رأته اضطربت من كلامه وفكرت ما عسى ان تكون هذه التحية.
30At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
30فقال لها الملاك لا تخافي يا مريم لانك قد وجدت نعمة عند الله.
31At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
31وها انت ستحبلين وتلدين ابنا وتسمينه يسوع.
32Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
32هذا يكون عظيما وابن العلي يدعى ويعطيه الرب الاله كرسي داود ابيه.
33At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
33ويملك على بيت يعقوب الى الابد ولا يكون لملكه نهاية
34At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
34فقالت مريم للملاك كيف يكون هذا وانا لست اعرف رجلا.
35At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
35فاجاب الملاك وقال لها. الروح القدس يحل عليك وقوة العلي تظللك فلذلك ايضا القدوس المولود منك يدعى ابن الله.
36At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog.
36وهوذا اليصابات نسيبتك هي ايضا حبلى بابن في شيخوختها وهذا هو الشهر السادس لتلك المدعوة عاقرا.
37Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.
37لانه ليس شيء غير ممكن لدى الله.
38At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.
38فقالت مريم هوذا انا أمة الرب. ليكن لي كقولك. فمضى من عندها الملاك
39At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;
39فقامت مريم في تلك الايام وذهبت بسرعة الى الجبال الى مدينة يهوذا.
40At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.
40ودخلت بيت زكريا وسلمت على اليصابات.
41At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;
41فلما سمعت اليصابات سلام مريم ارتكض الجنين في بطنها. وامتلأت اليصابات من الروح القدس.
42At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.
42وصرخت بصوت عظيم وقالت مباركة انت في النساء ومباركة هي ثمرة بطنك.
43At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin?
43فمن اين لي هذا ان تأتي ام ربي اليّ.
44Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
44فهوذا حين صار صوت سلامك في اذنيّ ارتكض الجنين بابتهاج في بطني.
45At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.
45فطوبى للتي آمنت ان يتم ما قيل لها من قبل الرب
46At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,
46فقالت مريم تعظم نفسي الرب
47At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.
47وتبتهج روحي بالله مخلّصي.
48Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
48لانه نظر الى اتضاع امته. فهوذا منذ الآن جميع الاجيال تطوبني.
49Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan.
49لان القدير صنع بي عظائم واسمه قدوس.
50At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya.
50ورحمته الى جيل الاجيال للذين يتقونه.
51Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
51صنع قوة بذراعه. شتّت المستكبرين بفكر قلوبهم.
52Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
52أنزل الاعزاء عن الكراسي ورفع المتضعين.
53Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
53اشبع الجياع خيرات وصرف الاغنياء فارغين.
54Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa
54عضد اسرائيل فتاه ليذكر رحمة.
55(Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
55كما كلم آباءنا. لابراهيم ونسله الى الابد.
56At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
56فمكثت مريم عندها نحو ثلاثة اشهر ثم رجعت الى بيتها
57Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.
57واما اليصابات فتم زمانها لتلد فولدت ابنا.
58At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kaniya.
58وسمع جيرانها واقرباؤها ان الرب عظّم رحمته لها ففرحوا معها.
59At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
59وفي اليوم الثامن جاءوا ليختنوا الصبي وسموه باسم ابيه زكريا.
60At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.
60فاجابت امه وقالت لا بل يسمى يوحنا.
61At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.
61فقالوا لها ليس احد في عشيرتك تسمى بهذا الاسم.
62At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.
62ثم اومأوا الى ابيه ماذا يريد ان يسمى.
63At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.
63فطلب لوحا وكتب قائلا اسمه يوحنا. فتعجب الجميع.
64At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.
64وفي الحال انفتح فمه ولسانه وتكلم وبارك الله.
65At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea.
65فوقع خوف على كل جيرانهم. وتحدّث بهذه الأمور جميعها في كل جبال اليهودية.
66At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
66فاودعها جميع السامعين في قلوبهم قائلين اترى ماذا يكون هذا الصبي. وكانت يد الرب معه
67At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
67وامتلأ زكريا ابوه من الروح القدس وتنبأ قائلا
68Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
68مبارك الرب اله اسرائيل لانه افتقد وصنع فداء لشعبه.
69At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin
69واقام لنا قرن خلاص في بيت داود فتاه.
70(Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon),
70كما تكلم بفم انبيائه القديسين الذين هم منذ الدهر.
71Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
71خلاص من اعدائنا ومن ايدي جميع مبغضينا.
72Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
72ليصنع رحمة مع آبائنا ويذكر عهده المقدس.
73Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
73القسم الذي حلف لابراهيم ابينا
74Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
74ان يعطينا اننا بلا خوف منقذين من ايدي اعدائنا نعبده
75Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
75بقداسة وبر قدامه جميع ايام حياتنا.
76Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
76وانت ايها الصبي نبي العلي تدعى لانك تتقدم امام وجه الرب لتعدّ طرقه.
77Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
77لتعطي شعبه معرفة الخلاص بمغفرة خطاياهم
78Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
78باحشاء رحمة الهنا التي بها افتقدنا المشرق من العلاء.
79Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.
79ليضيء على الجالسين في الظلمة وظلال الموت لكي يهدي اقدامنا في طريق السلام.
80At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.
80اما الصبي فكان ينمو ويتقوى بالروح وكان في البراري الى يوم ظهوره لاسرائيل