1Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
1هذه رحلات بني اسرائيل الذين خرجوا من ارض مصر بجنودهم عن يد موسى وهرون.
2At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
2وكتب موسى مخارجهم برحلاتهم حسب قول الرب. وهذه رحلاتهم بمخارجهم.
3At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
3ارتحلوا من رعمسيس في الشهر الاول في اليوم الخامس عشر من الشهر الاول في غد الفصح خرج بنو اسرائيل بيد رفيعة امام اعين جميع المصريين
4Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.
4اذ كان المصريون يدفنون الذين ضرب منهم الرب من كل بكر. والرب قد صنع بآلهتهم احكاما
5At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth.
5فارتحل بنو اسرائيل من رعمسيس ونزلوا في سكّوت.
6At sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang.
6ثم ارتحلوا من سكّوت ونزلوا في ايثام التي في طرف البرية.
7At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.
7ثم ارتحلوا من ايثام ورجعوا على فم الحيروث التي قبالة بعل صفون ونزلوا امام مجدل.
8At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.
8ثم ارتحلوا من امام الحيروث وعبروا في وسط البحر الى البرية وساروا مسيرة ثلاثة ايام في برية ايثام ونزلوا في مارّة.
9At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.
9ثم ارتحلوا من مارّة واتوا الى إيليم. وكان في ايليم اثنتا عشرة عين ماء وسبعون نخلة. فنزلوا هناك.
10At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.
10ثم ارتحلوا من ايليم ونزلوا على بحر سوف.
11At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin.
11ثم ارتحلوا من بحر سوف ونزلوا في برية سين.
12At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.
12ثم ارتحلوا من برية سين ونزلوا في دفقة.
13At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus.
13ثم ارتحلوا من دفقة ونزلوا في الوش.
14At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan.
14ثم ارتحلوا من ألوش ونزلوا في رفيديم. ولم يكن هناك ماء للشعب ليشرب.
15At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa ilang ng Sinai.
15ثم ارتحلوا من رفيديم ونزلوا في برية سيناء.
16At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa Kibroth-hataava.
16ثم ارتحلوا من برية سيناء ونزلوا في قبروت هتّأوة.
17At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa Haseroth.
17ثم ارتحلوا من قبروت هتّأوة ونزلوا في حضيروت.
18At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa Ritma.
18ثم ارتحلوا من حضيروت ونزلوا في رثمة.
19At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmon-peres.
19ثم ارتحلوا من رثمة ونزلوا في رمّون فارص.
20At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna.
20ثم ارتحلوا من رمّون فارص ونزلوا في لبنة.
21At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa.
21ثم ارتحلوا من لبنة ونزلوا في رسّة.
22At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha.
22ثم ارتحلوا من رسّة ونزلوا في قهيلاتة.
23At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher.
23ثم ارتحلوا من قهيلاتة ونزلوا في جبل شافر.
24At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada.
24ثم ارتحلوا من جبل شافر ونزلوا في حرادة.
25At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth.
25ثم ارتحلوا من حرادة ونزلوا في مقهيلوت.
26At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath.
26ثم ارتحلوا من مقهيلوت ونزلوا في تاحت.
27At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara.
27ثم ارتحلوا من تاحت ونزلوا في تارح.
28At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca.
28ثم ارتحلوا من تارح ونزلوا في مثقة.
29At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona.
29ثم ارتحلوا من مثقة ونزلوا في حشمونة.
30At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa Moseroth.
30ثم ارتحلوا من حشمونة ونزلوا في مسيروت.
31At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Bene-jaacan.
31ثم ارتحلوا من مسيروت ونزلوا في بني يعقان.
32At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong sa Horhagidgad.
32ثم ارتحلوا من بني يعقان ونزلوا في حور الجدجاد.
33At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha.
33ثم ارتحلوا من حور الجدجاد ونزلوا في يطبات.
34At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona.
34ثم ارتحلوا من يطبات ونزلوا في عبرونة.
35At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa Esion-geber.
35ثم ارتحلوا من عبرونة ونزلوا في عصيون جابر.
36At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa ilang ng Zin (na siya ring Cades).
36ثم ارتحلوا من عصيون جابر ونزلوا في برية صين وهي قادش.
37At sila'y naglakbay mula sa Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
37ثم ارتحلوا من قادش ونزلوا في جبل هور في طرف ارض ادوم
38At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
38فصعد هرون الكاهن الى جبل هور حسب قول الرب ومات هناك في السنة الاربعين لخروج بني اسرائيل من ارض مصر في الشهر الخامس في الاول من الشهر.
39At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
39وكان هرون ابن مئة وثلاث وعشرين سنة حين مات في جبل هور.
40At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.
40وسمع الكنعاني ملك عراد وهو ساكن في الجنوب في ارض كنعان بمجيء بني اسرائيل
41At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona.
41ثم ارتحلوا من جبل هور ونزلوا في صلمونة.
42At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
42ثم ارتحلوا من صلمونة ونزلوا في فونون.
43At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth.
43ثم ارتحلوا من فونون ونزلوا في اوبوت.
44At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
44ثم ارتحلوا من اوبوت ونزلوا في عيّي عباريم في تخم موآب.
45At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad.
45ثم ارتحلوا من عيّيم ونزلوا في ديبون جاد.
46At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim.
46ثم ارتحلوا من ديبون جاد ونزلوا في علمون دبلاتايم.
47At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
47ثم ارتحلوا من علمون دبلاتايم ونزلوا في جبال عباريم اما نبو.
48At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
48ثم ارتحلوا من جبال عباريم ونزلوا في عربات موآب على اردن اريحا.
49At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.
49نزلوا على الاردن من بيت يشيموت الى آبل شطّيم في عربات موآب
50At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
50وكلم الرب موسى في عربات موآب على اردن اريحا قائلا
51Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
51كلم بني اسرائيل وقل لهم انكم عابرون الاردن الى ارض كنعان
52Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
52فتطردون كل سكان الارض من امامكم وتمحون جميع تصاويرهم وتبيدون كل اصنامهم المسبوكة وتخربون جميع مرتفعاتهم.
53At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
53تملكون الارض وتسكنون فيها لاني قد اعطيتكم الارض لكي تملكوها
54At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
54وتقتسمون الارض بالقرعة حسب عشائركم. الكثير تكثرون له نصيبه والقليل تقلّلون له نصيبه. حيث خرجت له القرعة فهناك يكون له. حسب اسباط آبائكم تقتسمون.
55Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
55وان لم تطردوا سكان الارض من امامكم يكون الذين تستبقون منهم اشواكا في اعينكم ومناخس في جوانبكم ويضايقونكم على الارض التي انتم ساكنون فيها.
56At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
56فيكون اني افعل بكم كما هممت ان افعل بهم