Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Philippians

4

1Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko.
1اذا يا اخوتي الاحباء والمشتاق اليهم يا سروري واكليلي اثبتوا هكذا في الرب ايها الاحباء
2Ipinamamanhik ko kay Euodias, at ipinamamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon.
2اطلب الى افودية واطلب الى سنتيخي ان تفتكرا فكرا واحدا في الرب.
3Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay.
3نعم اسألك انت ايضا يا شريكي المخلص ساعد هاتين اللتين جاهدتا معي في الانجيل مع اكليمندس ايضا وباقي العاملين معي الذين اسماؤهم في سفر الحياة
4Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
4افرحوا في الرب كل حين واقول ايضا افرحوا.
5Makilala nawa ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. Ang Panginoon ay malapit na.
5ليكن حلمكم معروفا عند جميع الناس. الرب قريب.
6Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
6لا تهتموا بشيء بل في كل شيء بالصلاة والدعاء مع الشكر لتعلم طلباتكم لدى الله.
7At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
7وسلام الله الذي يفوق كل عقل يحفظ قلوبكم وافكاركم في المسيح يسوع
8Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
8اخيرا ايها الاخوة كل ما هو حق كل ما هو جليل كل ما هو عادل كل ما هو طاهر كل ما هو مسرّ كل ما صيته حسن ان كانت فضيلة وان كان مدح ففي هذه افتكروا.
9Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
9وما تعلمتموه وتسلمتموه وسمعتموه ورأيتموه فيّ فهذا افعلوا واله السلام يكون معكم
10Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.
10ثم اني فرحت بالرب جدا لانكم الآن قد ازهر ايضا مرة اعتناؤكم بي الذي كنتم تعتنونه ولكن لم تكن لكم فرصة.
11Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.
11ليس اني اقول من جهة احتياج فاني قد تعلمت ان اكون مكتفيا بما انا فيه.
12Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.
12اعرف ان اتضع واعرف ايضا ان استفضل. في كل شيء وفي جميع الاشياء قد تدربت ان اشبع وان اجوع وان استفضل وان انقص.
13Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
13استطيع كل شيء في المسيح الذي يقويني.
14Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.
14غير انكم فعلتم حسنا اذ اشتركتم في ضيقتي.
15At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa Macedonia, alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;
15وانتم ايضا تعلمون ايها الفيلبيون انه في بداءة الانجيل لما خرجت من مكدونية لم تشاركني كنيسة واحدة في حساب العطاء والاخذ الا انتم وحدكم.
16Sapagka't sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.
16فانكم في تسالونيكي ايضا ارسلتم اليّ مرة ومرتين لحاجتي.
17Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.
17ليس اني اطلب العطية بل اطلب الثمر المتكاثر لحسابكم.
18Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.
18ولكني قد استوفيت كل شيء واستفضلت. قد امتلأت اذ قبلت من ابفرودتس الاشياء التي من عندكم نسيم رائحة طيبة ذبيحة مقبولة مرضية عند الله.
19At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.
19فيملأ الهي كل احتياجكم بحسب غناه في المجد في المسيح يسوع.
20Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
20وللّه وابينا المجد الى دهر الداهرين. آمين
21Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko.
21سلموا على كل قديس في المسيح يسوع. يسلم عليكم الاخوة الذين معي.
22Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.
22يسلم عليكم جميع القديسين ولا سيما الذين من بيت قيصر.
23Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.
23نعمة ربنا يسوع المسيح مع جميعكم آمين. كتبت الى اهل فيلبي من رومية على يد ابفرودتس