1Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
1يا رب لماذا تقف بعيدا. لماذا تختفي في ازمنة الضيق.
2Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
2في كبرياء الشرير يحترق المسكين. يؤخذون بالمؤامرة التي فكروا بها.
3Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
3لان الشرير يفتخر بشهوات نفسه. والخاطف يجدف يهين الرب.
4Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios.
4الشرير حسب تشامخ انفه يقول لا يطالب. كل افكاره انه لا اله.
5Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
5تثبت سبله في كل حين. عالية احكامك فوقه. كل اعدائه ينفث فيهم.
6Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
6قال في قلبه لا اتزعزع. من دور الى دور بلا سوء.
7Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
7فمه مملوء لعنة وغشا وظلما. تحت لسانه مشقة واثم.
8Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
8يجلس في مكمن الديار في المختفيات يقتل البري. عيناه تراقبان المسكين.
9Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
9يكمن في المختفى كاسد في عرّيسه. يكمن ليخطف المسكين. يخطف المسكين بجذبه في شبكته.
10Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
10فتنسحق وتنحني وتسقط المساكين ببراثنه.
11Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
11قال في قلبه ان الله قد نسي. حجب وجهه. لا يرى الى الابد
12Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: huwag mong kalimutan ang dukha.
12قم يا رب. يا الله ارفع يدك. لا تنس المساكين.
13Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, at nagsasabi sa kaniyang puso: hindi mo sisiyasatin?
13لماذا اهان الشرير الله. لماذا قال في قلبه لا تطالب.
14Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
14قد رأيت لانك تبصر المشقة والغم لتجازي بيدك. اليك يسلم المسكين امره. انت صرت معين اليتيم
15Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
15احطم ذراع الفاجر. والشرير تطلب شرّه ولا تجده.
16Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
16الرب ملك الى الدهر والابد بادت الامم من ارضه.
17Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
17تأوه الودعاء قد سمعت يا رب. تثبت قلوبهم. تميل اذنك
18Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
18لحق اليتيم والمنسحق لكي لا يعود ايضا يرعبهم انسان من الارض