Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Psalms

19

1Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
1لامام المغنين. مزمور لداود‎. ‎السموات تحدث بمجد الله. والفلك يخبر بعمل يديه‎.
2Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
2‎يوم الى يوم يذيع كلاما وليل الى ليل يبدي علما‎.
3Walang pananalita o wika man; ang kanilang tinig ay hindi marinig.
3‎لا قول ولا كلام. لا يسمع صوتهم‎.
4Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
4‎في كل الارض خرج منطقهم والى اقصى المسكونة كلماتهم. جعل للشمس مسكنا فيها
5Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
5وهي مثل العروس الخارج من حجلته. يبتهج مثل الجبار للسباق في الطريق‎.
6Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
6‎من اقصى السموات خروجها ومدارها الى اقاصيها ولا شيء يختفي من حرّها
7Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.
7ناموس الرب كامل يرد النفس. شهادات الرب صادقة تصيّر الجاهل حكيما‎.
8Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.
8‎وصايا الرب مستقيمة تفرّح القلب. امر الرب طاهر ينير العينين‎.
9Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
9‎خوف الرب نقي ثابت الى الابد. احكام الرب حق عادلة كلها‎.
10Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
10‎اشهى من الذهب والابريز الكثير واحلى من العسل وقطر الشهاد‎.
11Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
11‎ايضا عبدك يحذّر بها وفي حفظها ثواب عظيم‎.
12Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian.
12‎السهوات من يشعر بها. من الخطايا المستترة ابرئني
13Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala: huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako, at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
13ايضا من المتكبرين احفظ عبدك فلا يتسلطوا عليّ. حينئذ اكون كاملا واتبرأ من ذنب عظيم‎.
14Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.
14‎لتكن اقوال فمي وفكر قلبي مرضية امامك يا رب صخرتي ووليي