1Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
1لامام المغنين. لعبد الرب داود. نأمة معصية الشرير في داخل قلبي ان ليس خوف الله امام عينيه.
2Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
2لانه ملّق نفسه لنفسه من جهة وجدان اثمه وبغضه.
3Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
3كلام فمه اثم وغش. كف عن التعقل عن عمل الخير.
4Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
4يتفكر بالاثم على مضجعه. يقف في طريق غير صالح. لا يرفض الشر
5Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
5يا رب في السموات رحمتك. امانتك الى الغمام.
6Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop.
6عدلك مثل جبال الله واحكامك لجة عظيمة. الناس والبهائم تخلّص يا رب.
7Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
7ما اكرم رحمتك يا الله. فبنو البشر في ظل جناحيك يحتمون.
8Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran.
8يروون من دسم بيتك ومن نهر نعمك تسقيهم.
9Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
9لان عندك ينبوع الحياة. بنورك نرى نورا.
10Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso.
10أدم رحمتك للذين يعرفونك وعدلك للمستقيمي القلب.
11Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama.
11لا تأتني رجل الكبرياء ويد الاشرار لا تزحزحني.
12Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.
12هناك سقط فاعلو الاثم. دحروا فلم يستطيعوا القيام