1Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.
1تسبيحة مزمور. لبني قورح. عظيم هو الرب وحميد جدا في مدينة الهنا جبل قدسه.
2Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.
2جميل الارتفاع فرح كل الارض جبل صهيون. فرح اقاصي الشمال مدينة الملك العظيم.
3Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
3الله في قصورها يعرف ملجأ
4Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
4لانه هوذا الملوك اجتمعوا. مضوا جميعا.
5Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
5لما رأوا بهتوا ارتاعوا فرّوا.
6Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
6اخذتهم الرعدة هناك. والمخاض كوالدة.
7Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
7بريح شرقية تكسر سفن ترشيش.
8Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
8كما سمعنا هكذا رأينا في مدينة رب الجنود في مدينة الهنا. الله يثبّتها الى الابد. سلاه
9Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.
9ذكرنا يا الله رحمتك في وسط هيكلك.
10Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
10نظير اسمك يا الله تسبيحك الى اقاصي الارض. يمينك ملآنة برا.
11Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.
11يفرح جبل صهيون تبتهج بنات يهوذا من اجل احكامك
12Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.
12طوفوا بصهيون ودوروا حولها. عدوّا ابراجها.
13Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.
13ضعوا قلوبكم على متارسها. تأملوا قصورها لكي تحدثوا بها جيلا آخر.
14Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.
14لان الله هذا هو الهنا الى الدهر والابد. هو يهدينا حتى الى الموت