1Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
1لامام المغنين. على لا تهلك. مذهبة لداود عندما هرب من قدام شاول في المغارة. ارحمني يا الله ارحمني لانه بك احتمت نفسي وبظل جناحيك احتمي الى ان تعبر المصائب.
2Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
2اصرخ الى الله العلي الى الله المحامي عني.
3Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
3يرسل من السماء ويخلصني. عيّر الذي يتهممني. سلاه. يرسل الله رحمته وحقه.
4Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak.
4نفسي بين الاشبال. اضطجع بين المتقدين بني آدم اسنانهم أسنّة وسهام ولسانهم سيف ماض.
5Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
5ارتفع اللهم على السموات. ليرتفع على كل الارض مجدك.
6Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang. Ang aking kaluluwa ay nakayuko: sila'y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko. Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
6هيأوا شبكة لخطواتي. انحنت نفسي. حفروا قدامي حفرة. سقطوا في وسطها. سلاه
7Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag: ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
7ثابت قلبي يا الله ثابت قلبي. اغني وارنم.
8Gumising ka, kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa: ako'y gigising na maaga.
8استيقظ يا مجدي. استيقظي يا رباب ويا عود انا استيقظ سحرا.
9Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
9احمدك بين الشعوب يا رب. ارنم لك بين الامم.
10Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit, at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
10لان رحمتك قد عظمت الى السموات والى الغمام حقك.
11Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
11ارتفع اللهم على السموات ليرتفع على كل الارض مجدك