1Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa.
1لامام المغنين. تسبيحة مزمور. اهتفي لله يا كل الارض.
2Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
2رنموا بمجد اسمه. اجعلوا تسبيحه ممجدا.
3Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
3قولوا لله ما اهيب اعمالك. من عظم قوتك تتملق لك اعداؤك.
4Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
4كل الارض تسجد لك وترنم لك. ترنم لاسمك. سلاه
5Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
5هلم انظروا اعمال الله. فعله المرهب نحو بني آدم.
6Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya.
6حول البحر الى يبس وفي النهر عبروا بالرجل. هناك فرحنا به.
7Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah)
7متسلط بقوته الى الدهر. عيناه تراقبان الامم. المتمردون لا يرفعنّ انفسهم. سلاه
8Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
8باركوا الهنا يا ايها الشعوب وسمّعوا صوت تسبيحه.
9Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
9الجاعل انفسنا في الحياة ولم يسلّم ارجلنا الى الزلل.
10Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
10لانك جربتنا يا الله. محصتنا كمحص الفضة.
11Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
11ادخلتنا الى الشبكة. جعلت ضغطا على متوننا.
12Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
12ركبت اناسا على رؤوسنا. دخلنا في النار والماء ثم اخرجتنا الى الخصب
13Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
13ادخل الى بيتك بمحرقات اوفيك نذوري
14Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian.
14التي نطقت بها شفتاي وتكلم بها فمي في ضيقي
15Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
15اصعد لك محرقات سمينة مع بخور كباش اقدم بقرا مع تيوس. سلاه
16Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
16هلم اسمعوا فاخبركم يا كل الخائفين الله بما صنع لنفسي.
17Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila.
17صرخت اليه بفمي وتبجيل على لساني.
18Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon:
18ان راعيت اثما في قلبي لا يستمع لي الرب.
19Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
19لكن قد سمع الله. اصغى الى صوت صلاتي.
20Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
20مبارك الله الذي لم يبعد صلاتي ولا رحمته عني