1Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal?
1Dare any of you, having a matter against his neighbor, go to law before the unrighteous, and not before the saints?
2O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
2Or know ye not that the saints shall judge the world? and if the world is judged by you, are ye unworthy to judge the smallest matters?
3Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito?
3Know ye not that we shall judge angels? how much more, things that pertain to this life?
4Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?
4If then ye have to judge things pertaining to this life, do ye set them to judge who are of no account in the church?
5Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,
5I say [this] to move you to shame. What, cannot there be [found] among you one wise man who shall be able to decide between his brethren,
6Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?
6but brother goeth to law with brother, and that before unbelievers?
7Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? bakit hindi bagkus kayo'y padaya?
7Nay, already it is altogether a defect in you, that ye have lawsuits one with another. Why not rather take wrong? why not rather be defrauded?
8Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo.
8Nay, but ye yourselves do wrong, and defraud, and that [your] brethren.
9O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.
9Or know ye not that the unrighteous shall not inherit the kingdom of God? Be not deceived: neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor abusers of themselves with men,
10Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.
10nor thieves, nor covetous, nor drunkards, nor revilers, nor extortioners, shall inherit the kingdom of God.
11At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.
11And such were some of you: but ye were washed, but ye were sanctified, but ye were justified in the name of the Lord Jesus Christ, and in the Spirit of our God.
12Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.
12All things are lawful for me; but not all things are expedient. All things are lawful for me; but I will not be brought under the power of any.
13Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan:
13Meats for the belly, and the belly for meats: but God shall bring to nought both it and them. But the body is not for fornication, but for the Lord; and the Lord for the body:
14At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
14and God both raised the Lord, and will raise up as through his power.
15Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo, at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot? Huwag nawang mangyari.
15Know ye not that your bodies are members of Christ? shall I then take away the members of Christ, and make them members of a harlot? God forbid.
16O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, Ang dalawa ay magiging isang laman.
16Or know ye not that he that is joined to a harlot is one body? for, The twain, saith he, shall become one flesh.
17Nguni't ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya.
17But he that is joined unto the Lord is one spirit.
18Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.
18Flee fornication. Every sin that a man doeth is without the body; but he that committeth fornication sinneth against his own body.
19O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;
19Or know ye not that your body is a temple of the Holy Spirit which is in you, which ye have from God? and ye are not your own;
20Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.
20for ye were bought with a price: glorify God therefore in your body.