Tagalog 1905

American Standard Version

1 Kings

18

1At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias, sa ikatlong taon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, pakita ka kay Achab; at ako'y magpapaulan sa lupa.
1And it came to pass after many days, that the word of Jehovah came to Elijah, in the third year, saying, Go, show thyself unto Ahab; and I will send rain upon the earth.
2At si Elias ay yumaon napakita kay Achab. At ang kagutom ay malala sa Samaria.
2And Elijah went to show himself unto Ahab. And the famine was sore in Samaria.
3At tinawag ni Achab si Abdias na siyang katiwala sa bahay. (Si Abdias nga ay natatakot na mainam sa Panginoon:
3And Ahab called Obadiah, who was over the household. (Now Obadiah feared Jehovah greatly:
4Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig,)
4for it was so, when Jezebel cut off the prophets of Jehovah, that Obadiah took a hundred prophets, and hid them by fifty in a cave, and fed them with bread and water.)
5At sinabi ni Achab kay Abdias, Lakarin mo ang lupain, hanggang sa lahat ng mga bukal ng tubig, at hanggang sa lahat ng mga batis: marahil tayo'y makakasumpong ng damo, at maililigtas nating buhay ang mga kabayo at mga mula upang huwag tayong mawalan ng lahat na hayop.
5And Ahab said unto Obadiah, Go through the land, unto all the fountains of water, and unto all the brooks: peradventure we may find grass and save the horses and mules alive, that we lose not all the beasts.
6Sa gayo'y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin: si Achab ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan, at si Abdias ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan.
6So they divided the land between them to pass throughout it: Ahab went one way by himself, and Obadiah went another way by himself.
7At samantalang si Abdias ay nasa daan, narito, nasalubong siya ni Elias: at nakilala niya siya, at nagpatirapa, at nagsabi, Di ba ikaw, ang panginoon kong si Elias?
7And as Obadiah was in the way, behold, Elijah met him: and he knew him, and fell on his face, and said, Is it thou, my lord Elijah?
8At siya'y sumagot sa kaniya, Ako nga: ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.
8And he answered him, It is I: go, tell thy lord, Behold, Elijah [is here].
9At kaniyang sinabi, Sa ano ako nagkasala na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Achab, upang patayin ako?
9And he said, Wherein have I sinned, that thou wouldest deliver thy servant into the hand of Ahab, to slay me?
10Buhay ang Panginoon mong Dios, walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya'y wala rito, kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo.
10As Jehovah thy God liveth, there is no nation or kingdom, whither my lord hath not sent to seek thee: and when they said, He is not here, he took an oath of the kingdom and nation, that they found thee not.
11At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.
11And now thou sayest, Go, tell thy lord, Behold, Elijah [is here].
12At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata.
12And it will come to pass, as soon as I am gone from thee, that the Spirit of Jehovah will carry thee whither I know not; and so when I come and tell Ahab, and he cannot find thee, he will slay me: but I thy servant fear Jehovah from my youth.
13Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon, na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
13Was it not told my lord what I did when Jezebel slew the prophets of Jehovah, how I hid a hundred men of Jehovah's prophets by fifty in a cave, and fed them with bread and water?
14At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon. Narito, si Elias ay nandito; at papatayin niya ako.
14And now thou sayest, Go, tell thy lord, Behold, Elijah [is here]; and he will slay me.
15At sinabi ni Elias, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na sa harap niya'y nakatayo ako, ako'y walang salang pakikita sa kaniya ngayon.
15And Elijah said, As Jehovah of hosts liveth, before whom I stand, I will surely show myself unto him to-day.
16Sa gayo'y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab, at sinaysay sa kaniya: at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias.
16So Obadiah went to meet Ahab, and told him; and Ahab went to meet Elijah.
17At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, Di ba ikaw, ang mangbabagabag sa Israel?
17And it came to pass, when Ahab saw Elijah, that Ahab said unto him, Is it thou, thou troubler of Israel?
18At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal.
18And he answered, I have not troubled Israel; but thou, and thy father's house, in that ye have forsaken the commandments of Jehovah, and thou hast followed the Baalim.
19Ngayon nga'y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng Carmelo, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni Jezabel.
19Now therefore send, and gather to me all Israel unto mount Carmel, and the prophets of Baal four hundred and fifty, and the prophets of the Asherah four hundred, that eat at Jezebel's table.
20Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo.
20So Ahab sent unto all the children of Israel, and gathered the prophets together unto mount Carmel.
21At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
21And Elijah came near unto all the people, and said, How long go ye limping between the two sides? if Jehovah be God, follow him; but if Baal, then follow him. And the people answered him not a word.
22Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake.
22Then said Elijah unto the people, I, even I only, am left a prophet of Jehovah; but Baal's prophets are four hundred and fifty men.
23Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim.
23Let them therefore give us two bullocks; and let them choose one bullock for themselves, and cut it in pieces, and lay it on the wood, and put no fire under; and I will dress the other bullock, and lay it on the wood, and put no fire under.
24At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios. At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi.
24And call ye on the name of your god, and I will call on the name of Jehovah; and the God that answereth by fire, let him be God. And all the people answered and said, It is well spoken.
25At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim.
25And Elijah said unto the prophets of Baal, Choose you one bullock for yourselves, and dress it first; for ye are many; and call on the name of your god, but put no fire under.
26At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.
26And they took the bullock which was given them, and they dressed it, and called on the name of Baal from morning even until noon, saying, O Baal, hear us. But there was no voice, nor any that answered. And they leaped about the altar which was made.
27At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.
27And it came to pass at noon, that Elijah mocked them, and said, Cry aloud; for he is a god: either he is musing, or he is gone aside, or he is on a journey, or peradventure he sleepeth and must be awaked.
28At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.
28And they cried aloud, and cut themselves after their manner with knives and lances, till the blood gushed out upon them.
29At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig.
29And it was so, when midday was past, that they prophesied until the time of the offering of the [evening] oblation; but there was neither voice, nor any to answer, nor any that regarded.
30At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.
30And Elijah said unto all the people, Come near unto me; and all the people came near unto him. And he repaired the altar of Jehovah that was thrown down.
31At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.
31And Elijah took twelve stones, according to the number of the tribes of the sons of Jacob, unto whom the word of Jehovah came, saying, Israel shall be thy name.
32At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi.
32And with the stones he built an altar in the name of Jehovah; and he made a trench about the altar, as great as would contain two measures of seed.
33At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy.
33And he put the wood in order, and cut the bullock in pieces, and laid it on the wood. And he said, Fill four jars with water, and pour it on the burnt-offering, and on the wood.
34At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo.
34And he said, Do it the second time; and they did it the second time. And he said, Do it the third time; and they did it the third time.
35At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay.
35And the water ran round about the altar; and he filled the trench also with water.
36At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.
36And it came to pass at the time of the offering of the [evening] oblation, that Elijah the prophet came near, and said, O Jehovah, the God of Abraham, of Isaac, and of Israel, let it be known this day that thou art God in Israel, and that I am thy servant, and that I have done all these things at thy word.
37Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso.
37Hear me, O Jehovah, hear me, that this people may know that thou, Jehovah, art God, and [that] thou hast turned their heart back again.
38Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.
38Then the fire of Jehovah fell, and consumed the burnt-offering, and the wood, and the stones, and the dust, and licked up the water that was in the trench.
39At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios.
39And when all the people saw it, they fell on their faces: and they said, Jehovah, he is God; Jehovah, he is God.
40At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon.
40and Elijah said unto them, Take the prophets of Baal; let not one of them escape. And they took them; and Elijah brought them down to the brook Kishon, and slew them there.
41At sinabi ni Elias kay Achab, Ikaw ay umahon, kumain ka at uminom ka; sapagka't may hugong ng kasaganaan ng ulan.
41And Elijah said unto Ahab, Get thee up, eat and drink; for there is the sound of abundance of rain.
42Sa gayo'y umahon si Achab upang kumain at uminom. At si Elias ay umahon sa taluktok ng Carmelo; at siya'y yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod.
42So Ahab went up to eat and to drink. And Elijah went up to the top of Carmel; and he bowed himself down upon the earth, and put his face between his knees.
43At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Umahon ka ngayon, tumingin ka sa dakong dagat. At siya'y umahon at tumingin, at nagsabi, Walang anomang bagay. At kaniyang sinabi, Yumaon ka uling makapito.
43And he said to his servant, Go up now, look toward the sea. And he went up, and looked, and said, There is nothing. And he said, Go again seven times.
44At nangyari, sa ikapito, na kaniyang sinabi, Narito, may bumangong isang ulap sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang lalake. At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, sabihin mo kay Achab, Ihanda mo ang iyong karo, at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan.
44And it came to pass at the seventh time, that he said, Behold, there ariseth a cloud out of the sea, as small as a man's hand. And he said, Go up, say unto Ahab, Make ready [thy chariot], and get thee down, that the rain stop thee not.
45At nangyari, pagkaraan ng sangdali, na ang langit ay nagdilim sa alapaap at hangin, at nagkaroon ng malakas na ulan. At si Achab ay sumakay, at naparoon sa Jezreel.
45And it came to pass in a little while, that the heavens grew black with clouds and wind, and there was a great rain. And Ahab rode, and went to Jezreel:
46At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang, at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel.
46and the hand of Jehovah was on Elijah; and he girded up his loins, and ran before Ahab to the entrance of Jezreel.