1Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas;
1Wherefore when we could no longer forbear, we thought it good to be left behind at Athens alone;
2At aming sinugo si Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya;
2and sent Timothy, our brother and God's minister in the gospel of Christ, to establish you, and to comfort [you] concerning your faith;
3Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito.
3that no man be moved by these afflictions; for yourselves know that hereunto we are appointed.
4Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na nangyari, at nalalaman ninyo.
4For verily, when we were with you, we told you beforehand that we are to suffer affliction; even as it came to pass, and ye know.
5Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.
5For this cause I also, when I could no longer forbear, sent that I might know your faith, lest by any means the tempter had tempted you, and our labor should be in vain.
6Datapuwa't nang si Timoteo ay dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo;
6But when Timothy came even now unto us from you, and brought us glad tidings of your faith and love, and that ye have good remembrance of us always, longing to see us, even as we also [to see] you;
7Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian:
7for this cause, brethren, we were comforted over you in all our distress and affliction through your faith:
8Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y nangamamalaging matibay sa Panginoon.
8for now we live, if ye stand fast in the Lord.
9Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios;
9For what thanksgiving can we render again unto God for you, for all the joy wherewith we joy for your sakes before our God;
10Gabi't araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming malubos ang inyong pananampalataya.
10night and day praying exceedingly that we may see your face, and may perfect that which is lacking in your faith?
11Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo:
11Now may our God and Father himself, and our Lord Jesus, direct our way unto you:
12At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;
12and the Lord make you to increase and abound in love one toward another, and toward all men, even as we also [do] toward you;
13Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
13to the end he may establish your hearts unblameable in holiness before our God and Father, at the coming of our Lord Jesus with all his saints.