Tagalog 1905

American Standard Version

2 Chronicles

11

1At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam.
1And when Rehoboam was come to Jerusalem, he assembled the house of Judah and Benjamin, a hundred and fourscore thousand chosen men, that were warriors, to fight against Israel, to bring the kingdom again to Rehoboam.
2Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi,
2But the word of Jehovah came to Shemaiah the man of God, saying,
3Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin,
3Speak unto Rehoboam the son of Solomon, king of Judah, and to all Israel in Judah and Benjamin, saying,
4Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam.
4Thus saith Jehovah, Ye shall not go up, nor fight against your brethren: return every man to his house; for this thing is of me. So they hearkened unto the words of Jehovah, and returned from going against Jeroboam.
5At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.
5And Rehoboam dwelt in Jerusalem, and built cities for defence in Judah.
6Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa,
6He built Beth-lehem, and Etam, and Tekoa,
7At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam,
7And Beth-zur, and Soco, and Adullam,
8At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph,
8and Gath, and Mareshah, and Ziph,
9At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha,
9and Adoraim, and Lachish, and Azekah,
10At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan.
10and Zorah, and Aijalon, and Hebron, which are in Judah and in Benjamin, fortified cities.
11At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak.
11And he fortified the strongholds, and put captains in them, and stores of victuals, and oil and wine.
12At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.
12And in every city [he put] shields and spears, and made them exceeding strong. And Judah and Benjamin belonged to him.
13At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan.
13And the priests and the Levites that were in all Israel resorted to him out of all their border.
14Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;
14For the Levites left their suburbs and their possession, and came to Judah and Jerusalem: for Jeroboam and his sons cast them off, that they should not execute the priest's office unto Jehovah;
15At siya'y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako, at sa mga kambing na lalake, at sa mga guya na kaniyang ginawa.
15and he appointed him priests for the high places, and for the he-goats, and for the calves which he had made.
16At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
16And after them, out of all the tribes of Israel, such as set their hearts to seek Jehovah, the God of Israel, came to Jerusalem to sacrifice unto Jehovah, the God of their fathers.
17Sa gayo'y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda, at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon: sapagka't sila'y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon.
17So they strengthened the kingdom of Judah, and made Rehoboam the son of Solomon strong, three years; for they walked three years in the way of David and Solomon.
18At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni Eliab, na anak ni Isai;
18And Rehoboam took him a wife, Mahalath the daughter of Jerimoth the son of David, [and of] Abihail the daughter of Eliab the son of Jesse;
19At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham.
19and she bare him sons: Jeush, and Shemariah, and Zaham.
20At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.
20And after her he took Maacah the daughter of Absalom; and she bare him Abijah, and Attai, and Ziza, and Shelomith.
21At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.)
21And Rehoboam loved Maacah the daughter of Absalom above all his wives and his concubines: (for he took eighteen wives, and threescore concubines, and begat twenty and eight sons and threescore daughters.)
22At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.
22And Rehoboam appointed Abijah the son of Maacah to be chief, [even] the prince among his brethren; for [he was minded] to make him king.
23At siya'y kumilos na may katalinuhan, at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi, sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin, hanggang sa bawa't bayang nakukutaan: at binigyan niya sila ng pagkaing sagana. At inihanap niya sila ng maraming asawa.
23And he dealt wisely, and dispersed of all his sons throughout all the lands of Judah and Benjamin, unto every fortified city: and he gave them victuals in abundance. And he sought [for them] many wives.