Tagalog 1905

American Standard Version

2 Chronicles

30

1At si Ezechias ay nagsugo sa buong Israel at Juda, at sumulat ng mga liham naman sa Ephraim at Manases, na sila'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
1And Hezekiah sent to all Israel and Judah, and wrote letters also to Ephraim and Manasseh, that they should come to the house of Jehovah at Jerusalem, to keep the passover unto Jehovah, the God of Israel.
2Sapagka't ang hari ay nakipagsanggunian, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong kapisanan sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa ikalawang buwan.
2For the king had taken counsel, and his princes, and all the assembly in Jerusalem, to keep the passover in the second month.
3Sapagka't hindi nila maipangilin sa panahong yaon, sapagka't ang mga saserdote ay hindi nangagpakabanal sa sukat na bilang, ni nagsipisan man ang bayan sa Jerusalem.
3For they could not keep it at that time, because the priests had not sanctified themselves in sufficient number, neither had the people gathered themselves together to Jerusalem.
4At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan.
4And the thing was right in the eyes of the king and of all the assembly.
5Sa gayo'y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila'y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagka't hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat.
5So they established a decree to make proclamation throughout all Israel, from Beer-sheba even to Dan, that they should come to keep the passover unto Jehovah, the God of Israel, at Jerusalem: for they had not kept it in great numbers in such sort as it is written.
6Sa gayo'y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria.
6So the posts went with the letters from the king and his princes throughout all Israel and Judah, and according to the commandment of the king, saying, Ye children of Israel, turn again unto Jehovah, the God of Abraham, Isaac, and Israel, that he may return to the remnant that are escaped of you out of the hand of the kings of Assyria.
7At kayo'y huwag maging gaya ng inyong mga magulang, at gaya ng inyong mga kapatid, na nagsisalangsang laban sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, na anopa't ibinigay niya sila sa pagkapahamak, gaya ng inyong nakikita.
7And be not ye like your fathers, and like your brethren, who trespassed against Jehovah, the God of their fathers, so that he gave them up to desolation, as ye see.
8Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.
8Now be ye not stiffnecked, as your fathers were; but yield yourselves unto Jehovah, and enter into his sanctuary, which he hath sanctified for ever, and serve Jehovah your God, that his fierce anger may turn away from you.
9Sapagka't kung kayo'y manumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag, at magsisibalik sa lupaing ito: sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y manumbalik sa kaniya.
9For if ye turn again unto Jehovah, your brethren and your children shall find compassion before them that led them captive, and shall come again into this land: for Jehovah your God is gracious and merciful, and will not turn away his face from you, if ye return unto him.
10Sa gayo'y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon: nguni't sila'y tinatawanang mainam, at tinutuya sila.
10So the posts passed from city to city through the country of Ephraim and Manasseh, even unto Zebulun: but they laughed them to scorn, and mocked them.
11Gayon ma'y ang iba sa Aser, at sa Manases, at sa Zabulon ay nangagpakumbaba, at nagsiparoon sa Jerusalem.
11Nevertheless certain men of Asher and Manasseh and of Zebulun humbled themselves, and came to Jerusalem.
12Suma Juda naman ang kamay ng Dios upang papagisahing puso sila upang gawin ang utos ng hari at ng mga prinsipe sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.
12Also upon Judah came the hand of God to give them one heart, to do the commandment of the king and of the princes by the word of Jehovah.
13At nagpupulong sa Jerusalem ang maraming tao upang ipagdiwang ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa ikalawang buwan, na isang totoong malaking kapisanan.
13And there assembled at Jerusalem much people to keep the feast of unleavened bread in the second month, a very great assembly.
14At sila'y nagsitindig at inalis ang mga dambana na nangasa Jerusalem, at ang lahat na dambana na ukol sa kamangyan ay inalis nila, at kanilang inihagis sa batis ng Cedron.
14And they arose and took away the altars that were in Jerusalem, and all the altars for incense took they away, and cast them into the brook Kidron.
15Nang magkagayo'y kanilang pinatay ang kordero ng paskua nang ikalabing apat ng ikalawang buwan: at ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangapahiya, at nangagpakabanal, at nangagdala ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon.
15Then they killed the passover on the fourteenth [day] of the second month: and the priests and the Levites were ashamed, and sanctified themselves, and brought burnt-offerings into the house of Jehovah.
16At sila'y nagsitayo sa kanilang dako ayon sa kanilang ayos, ayon sa kautusan ni Moises na lalake ng Dios: iniwisik ng mga saserdote ang dugo, na kanilang tinanggap sa kamay ng mga Levita.
16And they stood in their place after their order, according to the law of Moses the man of God: the priests sprinkled the blood [which they received] of the hand of the Levites.
17Sapagka't marami sa kapisanan na hindi nangagpakabanal; kaya't ang mga Levita ang may katungkulan ng pagpatay sa kordero ng paskua na ukol sa bawa't isa na hindi malinis, upang mga italaga sa Panginoon.
17For there were many in the assembly that had not sanctified themselves: therefore the Levites had the charge of killing the passovers for every one that was not clean, to sanctify them unto Jehovah.
18Sapagka't isang karamihan sa bayan, sa makatuwid baga'y marami sa Ephraim at sa Manases, sa Issachar, at sa Zabulon, ay hindi nangagpakalinis, gayon ma'y nagsikain sila ng kordero ng paskua na hindi gaya ng nasusulat. Sapagka't idinalangin sila ni Ezechias, na sinasabi, Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawa't isa.
18For a multitude of the people, even many of Ephraim and Manasseh, Issachar and Zebulun, had not cleansed themselves, yet did they eat the passover otherwise than it is written. For Hezekiah had prayed for them, saying, The good Jehovah pardon every one
19Na naglalagak ng kaniyang puso upang hanapin ang Dios, ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang, bagaman hindi siya nalinis ng ayon sa paglilinis sa santuario.
19that setteth his heart to seek God, Jehovah, the God of his fathers, though [he be] not [cleansed] according to the purification of the sanctuary.
20At dininig ng Panginoon si Ezechias, at pinagaling ang bayan.
20And Jehovah hearkened to Hezekiah, and healed the people.
21At ang mga anak ni Israel na nakaharap sa Jerusalem ay nagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw, na may malaking kasayahan: at ang mga Levita at ang mga saserdote ay nagsipuri araw-araw sa Panginoon na nagsisiawit na may matunog na panugtog sa Panginoon.
21And the children of Israel that were present at Jerusalem kept the feast of unleavened bread seven days with great gladness; and the Levites and the priests praised Jehovah day by day, [singing] with loud instruments unto Jehovah.
22At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon. Sa gayo'y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw, na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
22And Hezekiah spake comfortably unto all the Levites that had good understanding [in the service] of Jehovah. So they did eat throughout the feast for the seven days, offering sacrifices of peace-offerings, and making confession to Jehovah, the God of their fathers.
23At ang buong kapisanan ay nagsanggunian upang magdiwang ng ibang pitong araw: at sila'y nangagdiwang ng ibang pitong araw na may kasayahan.
23And the whole assembly took counsel to keep other seven days; and they kept [other] seven days with gladness.
24Sapagka't si Ezechias na hari sa Juda ay nagbigay sa kapisanan ng pinakahandog na isang libong baka at pitong libong tupa; at ang mga prinsipe ay nangagbigay sa kapisanan ng isang libong baka at sangpung libong tupa; at lubhang maraming bilang ng mga saserdote ay nangagpakabanal.
24For Hezekiah king of Judah did give to the assembly for offerings a thousand bullocks and seven thousand sheep; and the princes gave to the assembly a thousand bullocks and ten thousand sheep: and a great number of priests sanctified themselves.
25At ang buong kapisanan ng Juda, pati ng mga saserdote at mga Levita, at ang buong kapisanan na lumabas sa Israel, at ang mga taga ibang lupa na nagsilabas sa lupain ng Israel, at nagsitahan sa Juda, ay nangagalak.
25And all the assembly of Judah, with the priests and the Levites, and all the assembly that came out of Israel, and the sojourners that came out of the land of Israel, and that dwelt in Judah, rejoiced.
26Sa gayo'y nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem: sapagka't mula sa panahon ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel, ay hindi nagkaroon ng gayon sa Jerusalem.
26So there was great joy in Jerusalem; for since the time of Solomon the son of David king of Israel there was not the like in Jerusalem.
27Nang magkagayo'y ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at binasbasan ang bayan: at ang kanilang tinig ay narinig, at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na tahanan, hanggang sa langit.
27Then the priests the Levites arose and blessed the people: and their voice was heard, and their prayer came up to his holy habitation, even unto heaven.