Tagalog 1905

American Standard Version

Exodus

30

1At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.
1And thou shalt make an altar to burn incense upon: of acacia wood shalt thou make it.
2Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
2A cubit shall be the length thereof, and a cubit the breadth thereof; foursquare shall it be; and two cubits shall be the height thereof: the horns thereof shall be of one piece with it.
3At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.
3And thou shalt overlay it with pure gold, the top thereof, and the sides thereof round about, and the horns thereof; and thou shalt make unto it a crown of gold round about.
4At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat.
4And two golden rings shalt thou make for it under the crown thereof; upon the two ribs thereof, upon the two sides of it shalt thou make them; and they shall be for places for staves wherewith to bear it.
5At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.
5And thou shalt make the staves of acacia wood, and overlay them with gold.
6At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
6And thou shalt put it before the veil that is by the ark of the testimony, before the mercy-seat that is over the testimony, where I will meet with thee.
7At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.
7And Aaron shall burn thereon incense of sweet spices: every morning, when he dresseth the lamps, he shall burn it.
8At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.
8And when Aaron lighteth the lamps at even, he shall burn it, a perpetual incense before Jehovah throughout your generations.
9Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.
9Ye shall offer no strange incense thereon, nor burnt-offering, nor meal-offering; and ye shall pour no drink-offering thereon.
10At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.
10And Aaron shall make atonement upon the horns of it once in the year; with the blood of the sin-offering of atonement once in the year shall he make atonement for it throughout your generations: it is most holy unto Jehovah.
11At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
11And Jehovah spake unto Moses, saying,
12Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.
12When thou takest the sum of the children of Israel, according to those that are numbered of them, then shall they give every man a ransom for his soul unto Jehovah, when thou numberest them; that there be no plague among them, when thou numberest them.
13Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon.
13This they shall give, every one that passeth over unto them that are numbered, half a shekel after the shekel of the sanctuary; (the shekel is twenty gerahs;) half a shekel for an offering to Jehovah.
14Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.
14Every one that passeth over unto them that are numbered, from twenty years old and upward, shall give the offering of Jehovah.
15Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
15The rich shall not give more, and the poor shall not give less, than the half shekel, when they give the offering of Jehovah, to make atonement for your souls.
16At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
16And thou shalt take the atonement money from the children of Israel, and shalt appoint it for the service of the tent of meeting; that it may be a memorial for the children of Israel before Jehovah, to make atonement for your souls.
17At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
17And Jehovah spake unto Moses, saying,
18Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.
18Thou shalt also make a laver of brass, and the base thereof of brass, whereat to wash. And thou shalt put it between the tent of meeting and the altar, and thou shalt put water therein.
19At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa:
19And Aaron and his sons shall wash their hands and their feet thereat:
20Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.
20when they go into the tent of meeting, they shall wash with water, that they die not; or when they come near to the altar to minister, to burn an offering made by fire unto Jehovah.
21Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.
21So they shall wash their hands and their feet, that they die not: and it shall be a statute for ever to them, even to him and to his seed throughout their generations.
22Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
22Moreover Jehovah spake unto Moses, saying,
23Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,
23Take thou also unto thee the chief spices: of flowing myrrh five hundred [shekels], and of sweet cinnamon half so much, even two hundred and fifty, and of sweet calamus two hundred and fifty,
24At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang hin:
24and of cassia five hundred, after the shekel of the sanctuary, and of olive oil a hin.
25At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.
25And thou shalt make it a holy anointing oil, a perfume compounded after the art of the perfumer: it shall be a holy anointing oil.
26At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,
26And thou shalt anoint therewith the tent of meeting, and the ark of the testimony,
27At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.
27and the table and all the vessels thereof, and the candlestick and the vessels thereof, and the altar of incense,
28At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.
28and the altar of burnt-offering with all the vessels thereof, and the laver and the base thereof.
29At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.
29And thou shalt sanctify them, that they may be most holy: whatsoever toucheth them shall be holy.
30At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
30And thou shalt anoint Aaron and his sons, and sanctify them, that they may minister unto me in the priest's office.
31At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.
31And thou shalt speak unto the children of Israel, saying, This shall be a holy anointing oil unto me throughout your generations.
32Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.
32Upon the flesh of man shall it not be poured, neither shall ye make any like it, according to the composition thereof: it is holy, [and] it shall be holy unto you.
33Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
33Whosoever compoundeth any like it, or whosoever putteth any of it upon a stranger, he shall be cut off from his people.
34At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;
34And Jehovah said unto Moses, Take unto thee sweet spices, stacte, and onycha, and galbanum; sweet spices with pure frankincense: of each shall there be a like weight;
35At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;
35and thou shalt make of it incense, a perfume after the art of the perfumer, seasoned with salt, pure [and] holy:
36At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan na aking pakikipagtagpuan sa iyo: aariin ninyong kabanalbanalan.
36and thou shalt beat some of it very small, and put of it before the testimony in the tent of meeting, where I will meet with thee: it shall be unto you most holy.
37At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.
37And the incense which thou shalt make, according to the composition thereof ye shall not make for yourselves: it shall be unto thee holy for Jehovah.
38Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
38Whosoever shall make like unto that, to smell thereof, he shall be cut off from his people.