Tagalog 1905

American Standard Version

Exodus

37

1At kahoy na akasia ang ginawang kaban ni Bezaleel: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon:
1And Bezalel made the ark of acacia wood: two cubits and a half was the length of it, and a cubit and a half the breadth of it, and a cubit and a half the height of it:
2At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas, at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
2and he overlaid it with pure gold within and without, and made a crown of gold to it round about.
3At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto, sa apat na sulok niyaon; sa makatuwid baga'y dalawang argolya sa isang tagiliran.
3And he cast for it four rings of gold, in the four feet thereof; even two rings on the one side of it, and two rings on the other side of it.
4At siya'y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto.
4And he made staves of acacia wood, and overlaid them with gold.
5At isinuot ang mga pingga sa mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
5And he put the staves into the rings on the sides of the ark, to bear the ark.
6At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto: na may dalawang siko at kalahati ang haba, at may isang siko't kalahati ang luwang.
6And he made a mercy-seat of pure gold: two cubits and a half [was] the length thereof, and a cubit and a half the breadth thereof.
7At siya'y gumawa ng dalawang querubing ginto; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa;
7And he made two cherubim of gold; of beaten work made he them, at the two ends of the mercy-seat;
8Isang querubin sa isang dulo, at isang querubin sa kabilang dulo: na kaputol ng luklukan ng awa, ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo.
8one cherub at the one end, and one cherub at the other end: of one piece with the mercy-seat made he the cherubim at the two ends thereof.
9At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas, na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, na nagkakaharap ang kanilang mga mukha; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin.
9And the cherubim spread out their wings on high, covering the mercy-seat with their wings, with their faces one to another; toward the mercy-seat were the faces of the cherubim.
10At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia; na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon:
10And he made the table of acacia wood: two cubits [was] the length thereof, and a cubit the breadth thereof, and a cubit and a half the height thereof:
11At binalot niya ng taganas na ginto, at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot.
11and he overlaid it with pure gold, and made thereto a crown of gold round about.
12At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot, at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot.
12And he made unto it a border of a handbreadth round about, and made a golden crown to the border thereof round about.
13At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto, at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
13And he cast for it four rings of gold, and put the rings in the four corners that were on the four feet thereof.
14Malapit sa gilid ang mga argolya, na daraanan ng mga pingga, upang mabuhat ang dulang.
14Close by the border were the rings, the places for the staves to bear the table.
15At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto, upang mabuhat ang dulang.
15And he made the staves of acacia wood, and overlaid them with gold, to bear the table.
16At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon, at ang mga tasa niyaon, at ang mga kopa niyaon, na pagbubuhusan.
16And he made the vessels which were upon the table, the dishes thereof, and the spoons thereof, and the bowls thereof, and the flagons thereof, wherewith to pour out, of pure gold.
17At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto: niyari niya sa pamukpuk ang kandelero, ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon, at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon:
17And he made the candlestick of pure gold: of beaten work made he the candlestick, even its base, and its shaft; its cups, it knops, and its flowers, were of one piece with it:
18At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran, at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran:
18and there were six branches going out of the sides thereof; three branches of the candlestick out of the one side thereof, and three branches of the candlestick out of the other side thereof:
19Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
19three cups made like almond-blossoms in one branch, a knop and a flower, and three cups made like almond-blossoms in the other branch, a knop and a flower: so for the six branches going out of the candlestick.
20At sa kandelero'y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
20And in the candlestick were four cups made like almond-blossoms, the knops thereof, and the flowers thereof;
21At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon, sapagka't ang anim na sanga ay lumalabas doon.
21and a knop under two branches of one piece with it, and a knop under two branches of one piece with it, and a knop under two branches of one piece with it, for the six branches going out of it.
22Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero: ang kabuoa'y isa lamang putol na yari sa pamukpok, taganas na ginto.
22Their knops and their branches were of one piece with it: the whole of it was one beaten work of pure gold.
23At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto.
23And he made the lamps thereof, seven, and the snuffers thereof, and the snuffdishes thereof, of pure gold.
24Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon.
24Of a talent of pure gold made he it, and all the vessels thereof.
25At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia: isang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, parisukat at dalawang siko ang taas niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
25And he made the altar of incense of acacia wood: a cubit was the length thereof, and a cubit the breadth thereof, foursquare; and two cubits was the height thereof; the horns thereof were of one piece with it.
26At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga anyong sungay niyaon: at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
26And he overlaid it with pure gold, the top thereof, and the sides thereof round about, and the horns of it: and he made unto it a crown of gold round about.
27At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang panig, sa ibabaw ng dalawang panig, na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat.
27And he made for it two golden rings under the crown thereof, upon the two ribs thereof, upon the two sides of it, for places for staves wherewith to bear it.
28At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia, at mga binalot na ginto.
28And he made the staves of acacia wood, and overlaid them with gold.
29At kaniyang ginawa ang banal na langis na pangpahid, at ang taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango.
29And he made the holy anointing oil, and the pure incense of sweet spices, after the art of the perfumer.