1Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang;
1This is the book of the generations of Adam. In the day that God created man, in the likeness of God made he him;
2Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.
2male and female created he them, and blessed them, and called their name Adam, in the day when they were created.
3At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set:
3And Adam lived a hundred and thirty years, and begat [a son] in his own likeness, after his image; and called his name Seth:
4At ang mga naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
4and the days of Adam after he begat Seth were eight hundred years: and he begat sons and daughters.
5At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay.
5And all the days that Adam lived were nine hundred and thirty years: and he died.
6At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos.
6And Seth lived a hundred and five years, and begat Enosh:
7At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
7and Seth lived after he begat Enosh eight hundred and seven years, and begat sons and daughters:
8At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.
8and all the days of Seth were nine hundred and twelve years: and he died.
9At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan:
9And Enosh lived ninety years, and begat Kenan.
10At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
10and Enosh lived after he begat Kenan eight hundred and fifteen years, and begat sons and daughters:
11At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay.
11and all the days of Enosh were nine hundred and five years: and he died.
12At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel:
12And Kenan lived seventy years, and begat Mahalalel:
13At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
13and Kenan lived after he begat Mahalalel eight hundred and forty years, and begat sons and daughters:
14At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.
14and all the days of Kenan were nine hundred and ten years: and he died.
15At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared:
15And Mahalalel lived sixty and five years, and begat Jared:
16At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
16And Mahalalel lived after he begat Jared eight hundred and thirty years, and begat sons and daughters:
17At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.
17and all the days of Mahalalel were eight hundred ninety and five years: and he died.
18At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si Enoc:
18And Jared lived a hundred sixty and two years, and begat Enoch:
19At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
19and Jared lived after he begat Enoch eight hundred years, and begat sons and daughters:
20At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay.
20And all the days of Jared were nine hundred sixty and two years: and he died.
21At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:
21And Enoch lived sixty and five years, and begat Methuselah:
22At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
22and Enoch walked with God after he begat Methuselah three hundred years, and begat sons and daughters:
23At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:
23and all the days of Enoch were three hundred sixty and five years:
24At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.
24and Enoch walked with God: and he was not; for God took him.
25At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:
25And Methuselah lived a hundred eighty and seven years, and begat Lamech:
26At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae;
26and Methuselah lived after he begat Lamech seven hundred eighty and two years, and begat sons and daughters.
27At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.
27And all the days of Methuselah were nine hundred sixty and nine years: and he died.
28At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake:
28And Lamech lived a hundred eighty and two years, and begat a son:
29At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe, na sinabi, Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon.
29and he called his name Noah, saying, This same shall comfort us in our work and in the toil of our hands, [which cometh] because of the ground which Jehovah hath cursed.
30At nabuhay si Lamec, pagkatapos na maipanganak si Noe, ng limang daan at siyam na pu't limang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
30And Lamech lived after he begat Noah five hundred ninety and five years, and begat sons and daughters:
31At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon: at namatay.
31And all the days of Lamech were seven hundred seventy and seven years: and he died.
32At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.
32And Noah was five hundred years old: And Noah begat Shem, Ham, and Japheth.