1Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
1A prayer of Habakkuk the prophet, set to Shigionoth.
2Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
2O Jehovah, I have heard the report of thee, and am afraid: O Jehovah, revive thy work in the midst of the years; In the midst of the years make it known; In wrath remember mercy.
3Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
3God came from Teman, And the Holy One from mount Paran. Selah. His glory covered the heavens, And the earth was full of his praise.
4At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
4And [his] brightness was as the light; He had rays [coming forth] from his hand; And there was the hiding of his power.
5Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot, At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
5Before him went the pestilence, And fiery bolts went forth at his feet.
6Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa; Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
6He stood, and measured the earth; He beheld, and drove asunder the nations; And the eternal mountains were scattered; The everlasting hills did bow; His goings were [as] of old.
7Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
7I saw the tents of Cushan in affliction; The curtains of the land of Midian did tremble.
8Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog, O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat, Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo, Sa iyong mga karo ng kaligasan?
8Was Jehovah displeased with the rivers? Was thine anger against the rivers, Or thy wrath against the sea, That thou didst ride upon thy horses, Upon thy chariots of salvation?
9Ang iyong busog ay nahubarang lubos; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
9Thy bow was made quite bare; The oaths to the tribes were a [sure] word. Selah. Thou didst cleave the earth with rivers.
10Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at nangatakot; Ang unos ng tubig ay dumaan: Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig, At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
10The mountains saw thee, and were afraid; The tempest of waters passed by; The deep uttered its voice, And lifted up its hands on high.
11Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
11The sun and moon stood still in their habitation, At the light of thine arrows as they went, At the shining of thy glittering spear.
12Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit; Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
12Thou didst march though the land in indignation; Thou didst thresh the nations in anger.
13Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
13Thou wentest forth for the salvation of thy people, For the salvation of thine anointed; Thou woundest the head out of the house of the wicked man, Laying bare the foundation even unto the neck. Selah.
14Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma: Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
14Thou didst pierce with his own staves the head of his warriors: They came as a whirlwind to scatter me; Their rejoicing was as to devour the poor secretly.
15Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig.
15Thou didst tread the sea with thy horses, The heap of mighty waters.
16Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako; Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan, Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
16I heard, and my body trembled, My lips quivered at the voice; Rottenness entereth into my bones, and I tremble in my place; Because I must wait quietly for the day of trouble, For the coming up of the people that invadeth us.
17Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; Ang bunga ng olibo ay maglilikat. At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan, At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
17For though the fig-tree shall not flourish, Neither shall fruit be in the vines; The labor of the olive shall fail, And the fields shall yield no food; The flock shall be cut off from the fold, And there shall be no herd in the stalls:
18Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
18Yet I will rejoice in Jehovah, I will joy in the God of my salvation.
19Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako. Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.
19Jehovah, the Lord, is my strength; And he maketh my feet like hinds' [feet], And will make me to walk upon my high places.