Tagalog 1905

American Standard Version

John

5

1Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem.
1After these things there was a feast of the Jews; and Jesus went up to Jerusalem.
2Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.
2Now there is in Jerusalem by the sheep [gate] a pool, which is called in Hebrew Bethesda, having five porches.
3Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga natutuyo.
3In these lay a multitude of them that were sick, blind, halt, withered, [waiting for the moving of the water.]
4Sapagka't lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig: at ang unang manaog sa tangke, pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam.
4[for an angel of the Lord went down at certain seasons into the pool, and troubled the water: whosoever then first after the troubling of the waters stepped in was made whole, with whatsoever disease he was holden.]
5At naroon ang isang lalake, na may tatlongpu't walong taon nang maysakit.
5And a certain man was there, who had been thirty and eight years in his infirmity.
6Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling?
6When Jesus saw him lying, and knew that he had been now a long time [in that case], he saith unto him, Wouldest thou be made whole?
7Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.
7The sick man answered him, Sir, I have no man, when the water is troubled, to put me into the pool: but while I am coming, another steppeth down before me.
8Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.
8Jesus saith unto him, Arise, take up thy bed, and walk.
9At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Noon nga'y araw ng sabbath.
9And straightway the man was made whole, and took up his bed and walked. Now it was the sabbath on that day.
10Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.
10So the Jews said unto him that was cured, It is the sabbath, and it is not lawful for thee to take up thy bed.
11Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.
11But he answered them, He that made me whole, the same said unto me, Take up thy bed, and walk.
12Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?
12They asked him, Who is the man that said unto thee, Take up [thy bed], and walk?
13Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon.
13But he that was healed knew not who it was; for Jesus had conveyed himself away, a multitude being in the place.
14Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.
14Afterward Jesus findeth him in the temple, and said unto him, Behold, thou art made whole: sin no more, lest a worse thing befall thee.
15Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling.
15The man went away, and told the Jews that it was Jesus who had made him whole.
16At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.
16And for this cause the Jews persecuted Jesus, because he did these things on the sabbath.
17Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa.
17But Jesus answered them, My Father worketh even until now, and I work.
18Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.
18For this cause therefore the Jews sought the more to kill him, because he not only brake the sabbath, but also called God his own Father, making himself equal with God.
19Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.
19Jesus therefore answered and said unto them, Verily, verily, I say unto you, The Son can do nothing of himself, but what he seeth the Father doing: for what things soever he doeth, these the Son also doeth in like manner.
20Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.
20For the Father loveth the Son, and showeth him all things that himself doeth: and greater works than these will he show him, that ye may marvel.
21Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.
21For as the Father raiseth the dead and giveth them life, even so the Son also giveth life to whom he will.
22Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol;
22For neither doth the Father judge any man, but he hath given all judgment unto the Son;
23Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.
23that all may honor the Son, even as they honor the Father. He that honoreth not the Son honoreth not the Father that sent him.
24Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
24Verily, verily, I say unto you, He that heareth my word, and believeth him that sent me, hath eternal life, and cometh not into judgment, but hath passed out of death into life.
25Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.
25Verily, verily, I say unto you, The hour cometh, and now is, when the dead shall hear the voice of the Son of God; and they that hear shall live.
26Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:
26For as the Father hath life in himself, even so gave he to the Son also to have life in himself:
27At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.
27and he gave him authority to execute judgment, because he is a son of man.
28Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
28Marvel not at this: for the hour cometh, in which all that are in the tombs shall hear his voice,
29At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.
29and shall come forth; they that have done good, unto the resurrection of life; and they that have done evil, unto the resurrection of judgment.
30Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
30I can of myself do nothing: as I hear, I judge: and my judgment is righteous; because I seek not mine own will, but the will of him that sent me.
31Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.
31If I bear witness of myself, my witness is not true.
32Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo.
32It is another that beareth witness of me; and I know that the witness which he witnesseth of me is true.
33Kayo'y nangagsugo kay Juan, at siya'y nagpatotoo sa katotohanan.
33Ye have sent unto John, and he hath borne witness unto the truth.
34Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas.
34But the witness which I receive is not from man: howbeit I say these things, that ye may be saved.
35Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag.
35He was the lamp that burneth and shineth; and ye were willing to rejoice for a season in his light.
36Datapuwa't ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagka't ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama.
36But the witness which I have is greater than [that of] John; for the works which the Father hath given me to accomplish, the very works that I do, bear witness of me, that the Father hath sent me.
37At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.
37And the Father that sent me, he hath borne witness of me. Ye have neither heard his voice at any time, nor seen his form.
38At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo.
38And ye have not his word abiding in you: for whom he sent, him ye believe not.
39Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.
39Ye search the scriptures, because ye think that in them ye have eternal life; and these are they which bear witness of me;
40At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.
40and ye will not come to me, that ye may have life.
41Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao.
41I receive not glory from men.
42Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.
42But I know you, that ye have not the love of God in yourselves.
43Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.
43I am come in my Father's name, and ye receive me not: if another shall come in his own name, him ye will receive.
44Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?
44How can ye believe, who receive glory one of another, and the glory that [cometh] from the only God ye seek not?
45Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.
45Think not that I will accuse you to the Father: there is one that accuseth you, [even] Moses, on whom ye have set your hope.
46Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.
46For if ye believed Moses, ye would believe me; for he wrote of me.
47Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?
47But if ye believe not his writings, how shall ye believe my words?