Tagalog 1905

American Standard Version

Lamentations

3

1Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.
1I am the man that hath seen affliction by the rod of his wrath.
2Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
2He hath led me and caused me to walk in darkness, and not in light.
3Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.
3Surely against me he turneth his hand again and again all the day.
4Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.
4My flesh and my skin hath he made old; he hath broken my bones.
5Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
5He hath builded against me, and compassed me with gall and travail.
6Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.
6He hath made me to dwell in dark places, as those that have been long dead.
7Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
7He hath walled me about, that I cannot go forth; he hath made my chain heavy.
8Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
8Yea, when I cry, and call for help, he shutteth out my prayer.
9Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
9He hath walled up my ways with hewn stone; he hath made my paths crooked.
10Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
10He is unto me as a bear lying in wait, as a lion in secret places.
11Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
11He hath turned aside my ways, and pulled me in pieces; he hath made me desolate.
12Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana.
12He hath bent his bow, and set me as a mark for the arrow.
13Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
13He hath caused the shafts of his quiver to enter into my reins.
14Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw.
14I am become a derision to all my people, and their song all the day.
15Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
15He hath filled me with bitterness, he hath sated me with wormwood.
16Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
16He hath also broken my teeth with gravel stones; he hath covered me with ashes.
17At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
17And thou hast removed my soul far off from peace; I forgat prosperity.
18At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.
18And I said, My strength is perished, and mine expectation from Jehovah.
19Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
19Remember mine affliction and my misery, the wormwood and the gall.
20Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
20My soul hath them still in remembrance, and is bowed down within me.
21Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako.
21This I recall to my mind; therefore have I hope.
22Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
22[It is of] Jehovah's lovingkindnesses that we are not consumed, because his compassions fail not.
23Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.
23They are new every morning; great is thy faithfulness.
24Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
24Jehovah is my portion, saith my soul; therefore will I hope in him.
25Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
25Jehovah is good unto them that wait for him, to the soul that seeketh him.
26Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
26It is good that a man should hope and quietly wait for the salvation of Jehovah.
27Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
27It is good for a man that he bear the yoke in his youth.
28Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
28Let him sit alone and keep silence, because he hath laid it upon him.
29Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
29Let him put his mouth in the dust, if so be there may be hope.
30Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
30Let him give his cheek to him that smiteth him; let him be filled full with reproach.
31Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
31For the Lord will not cast off for ever.
32Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
32For though he cause grief, yet will he have compassion according to the multitude of his lovingkindnesses.
33Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
33For he doth not afflict willingly, nor grieve the children of men.
34Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
34To crush under foot all the prisoners of the earth,
35Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
35To turn aside the right of a man before the face of the Most High,
36Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
36To subvert a man in his cause, the Lord approveth not.
37Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
37Who is he that saith, and it cometh to pass, when the Lord commandeth it not?
38Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
38Out of the mouth of the Most High cometh there not evil and good?
39Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
39Wherefore doth a living man complain, a man for the punishment of his sins?
40Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
40Let us search and try our ways, and turn again to Jehovah.
41Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
41Let us lift up our heart with our hands unto God in the heavens.
42Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
42We have transgressed and have rebelled; thou hast not pardoned.
43Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
43Thou hast covered with anger and pursued us; thou hast slain, thou hast not pitied.
44Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
44Thou hast covered thyself with a cloud, so that no prayer can pass through.
45Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
45Thou hast made us an off-scouring and refuse in the midst of the peoples.
46Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
46All our enemies have opened their mouth wide against us.
47Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
47Fear and the pit are come upon us, devastation and destruction.
48Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
48Mine eye runneth down with streams of water, for the destruction of the daughter of my people.
49Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
49Mine eye poureth down, and ceaseth not, without any intermission,
50Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
50Till Jehovah look down, and behold from heaven.
51Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
51Mine eye affecteth my soul, because of all the daughters of my city.
52Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.
52They have chased me sore like a bird, they that are mine enemies without cause.
53Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.
53They have cut off my life in the dungeon, and have cast a stone upon me.
54Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
54Waters flowed over my head; I said, I am cut off.
55Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
55I called upon thy name, O Jehovah, out of the lowest dungeon.
56Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
56Thou heardest my voice; hide not thine ear at my breathing, at my cry.
57Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
57Thou drewest near in the day that I called upon thee; thou saidst, Fear not.
58Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
58O Lord, thou hast pleaded the causes of my soul; thou hast redeemed my life.
59Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.
59O Jehovah, thou hast seen my wrong; judge thou my cause.
60Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin.
60Thou hast seen all their vengeance and all their devices against me.
61Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
61Thou hast heard their reproach, O Jehovah, and all their devices against me,
62Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
62The lips of those that rose up against me, and their device against me all the day.
63Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit.
63Behold thou their sitting down, and their rising up; I am their song.
64Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
64Thou wilt render unto them a recompense, O Jehovah, according to the work of their hands.
65Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
65Thou wilt give them hardness of heart, thy curse unto them.
66Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.
66Thou wilt pursue them in anger, and destroy them from under the heavens of Jehovah.