1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
1And Jehovah spake unto Moses, saying,
2Iyong salitain kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ito ang iniutos ng Panginoon, na sinasabi,
2Speak unto Aaron, and unto his sons, and unto all the children of Israel, and say unto them: This is the thing which Jehovah hath commanded, saying,
3Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, na pumatay ng baka, o kordero, o kambing sa loob ng kampamento, o pumatay sa labas ng kampamento,
3What man soever there be of the house of Israel, that killeth an ox, or lamb, or goat, in the camp, or that killeth it without the camp,
4At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa kaniyang bayan:
4and hath not brought it unto the door of the tent of meeting, to offer it as an oblation unto Jehovah before the tabernacle of Jehovah: blood shall be imputed unto that man; he hath shed blood; and that man shall be cut off from among his people:
5Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain, na inihahain sa kalawakan ng parang, sa makatuwid baga'y upang kanilang dalhin sa Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote, at ihain sa Panginoon na mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.
5To the end that the children of Israel may bring their sacrifices, which they sacrifice in the open field, even that they may bring them unto Jehovah, unto the door of the tent of meeting, unto the priest, and sacrifice them for sacrifices of peace-offerings unto Jehovah.
6At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
6And the priest shall sprinkle the blood upon the altar of Jehovah at the door of the tent of meeting, and burn the fat for a sweet savor unto Jehovah.
7At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na kanilang pinanaligan. Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa buong panahon ng kanilang lahi.
7And they shall no more sacrifice their sacrifices unto the he-goats, after which they play the harlot. This shall be a statute forever unto them throughout their generations.
8At sasabihin mo sa kanila, Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na naghandog ng handog na susunugin o hain,
8And thou shalt say unto them, Whatsoever man there be of the house of Israel, or of the strangers that sojourn among them, that offereth a burnt-offering or sacrifice,
9At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihain sa Panginoon: ay ihihiwalay nga ang taong yaon sa kaniyang bayan.
9and bringeth it not unto the door of the tent of meeting, to sacrifice it unto Jehovah; that man shall be cut off from his people.
10At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.
10And whatsoever man there be of the house of Israel, or of the strangers that sojourn among them, that eateth any manner of blood, I will set my face against that soul that eateth blood, and will cut him off from among his people.
11Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.
11For the life of the flesh is in the blood; and I have given it to you upon the altar to make atonement for your souls: for it is the blood that maketh atonement by reason of the life.
12Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.
12Therefore I said unto the children of Israel, No soul of you shall eat blood, neither shall any stranger that sojourneth among you eat blood.
13At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.
13And whatsoever man there be of the children of Israel, or of the strangers that sojourn among them, who taketh in hunting any beast or bird that may be eaten; he shall pour out the blood thereof, and cover it with dust.
14Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.
14For as to the life of all flesh, the blood thereof is [all one] with the life thereof: therefore I said unto the children of Israel, Ye shall eat the blood of no manner of flesh; for the life of all flesh is the blood thereof: whosoever eateth it shall be cut off.
15At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: kung magkagayon ay magiging malinis.
15And every soul that eateth that which dieth of itself, or that which is torn of beasts, whether he be home-born or a sojourner, he shall wash his clothes, and bathe himself in water, and be unclean until the even: then shall he be clean.
16Datapuwa't kung di niya labhan, ni paliguan ang kaniyang laman, ay tataglayin nga niya ang kaniyang kasamaan.
16But if he wash them not, nor bathe his flesh, then he shall bear his iniquity.