1Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua.
1Now the feast of unleavened bread drew nigh, which is called the Passover.
2At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya; sapagka't nangatatakot sila sa bayan.
2And the chief priests and the scribes sought how they might put him to death; for they feared the people.
3At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.
3And Satan entered into Judas who was called Iscariot, being of the number of the twelve.
4At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.
4And he went away, and communed with the chief priests and captains, how he might deliver him unto them.
5At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.
5And they were glad, and covenanted to give him money.
6At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, nang hindi kaharap ang karamihan.
6And he consented, and sought opportunity to deliver him unto them in the absence of the multitude.
7At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kinakailangang ihain ang paskua.
7And the day of unleavened bread came, on which the passover must be sacrificed.
8At sinugo niya si Pedro at si Juan, na sinasabi, Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin, upang tayo'y magsikain.
8And he sent Peter and John, saying, Go and make ready for us the passover, that we may eat.
9At kanilang sinabi sa kaniya, Saan mo ibig na aming ihanda?
9And they said unto him, Where wilt thou that we make ready?
10At kaniyang sinabi sa kanila, Narito, pagpasok ninyo sa bayan, ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan.
10And he said unto them, Behold, when ye are entered into the city, there shall meet you a man bearing a pitcher of water; follow him into the house whereinto he goeth.
11At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro sa iyo, Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?
11And ye shall say unto the master of the house, The Teacher saith unto thee, Where is the guestchamber, where I shall eat the passover with my disciples?
12At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan: doon ninyo ihanda.
12And he will show you a large upper room furnished: there make ready.
13At nagsiparoon sila, at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua.
13And they went, and found as he had said unto them: and they made ready the passover.
14At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya.
14And when the hour was come, he sat down, and the apostles with him.
15At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap:
15And he said unto them, With desire I have desired to eat this passover with you before I suffer:
16Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, hanggang sa ito'y maganap sa kaharian ng Dios.
16for I say unto you, I shall not eat it, until it be fulfilled in the kingdom of God.
17At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin:
17And he received a cup, and when he had given thanks, he said, Take this, and divide it among yourselves:
18Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios.
18for I say unto you, I shall not drink from henceforth of the fruit of the vine, until the kingdom of God shall come.
19At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
19And he took bread, and when he had given thanks, he brake it, and gave to them, saying, This is my body which is given for you: this do in remembrance of me.
20Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.
20And the cup in like manner after supper, saying, This cup is the new covenant in my blood, [even] that which is poured out for you.
21Datapuwa't narito, ang kamay ng nagkakanulo sa akin, ay kasalo ko sa dulang.
21But behold, the hand of him that betrayeth me is with me on the table.
22Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya!
22For the Son of man indeed goeth, as it hath been determined: but woe unto that man through whom he is betrayed!
23At sila'y nagpasimulang nangagtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
23And they began to question among themselves, which of them it was that should do this thing.
24At nagkaroon naman ng isang pagtatalotalo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila.
24And there arose also a contention among them, which of them was accounted to be greatest.
25At kaniyang sinabi sa kanila, Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila; at ang mga may kapamahalaan sa kanila'y tinatawag na mga Tagapagpala.
25And he said unto them, The kings of the Gentiles have lordship over them; and they that have authority over them are called Benefactors.
26Datapuwa't sa inyo'y hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod.
26But ye [shall] not [be] so: but he that is the greater among you, let him become as the younger; and he that is chief, as he that doth serve.
27Sapagka't alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa't ako'y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod.
27For which is greater, he that sitteth at meat, or he that serveth? is not he that sitteth at meat? but I am in the midst of you as he that serveth.
28Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin;
28But ye are they that have continued with me in my temptations;
29At kayo'y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,
29and I appoint unto you a kingdom, even as my Father appointed unto me,
30Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.
30that ye may eat and drink at my table in my kingdom; and ye shall sit on thrones judging the twelve tribes of Israel.
31Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:
31Simon, Simon, behold, Satan asked to have you, that he might sift you as wheat:
32Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.
32but I made supplication for thee, that thy faith fail not; and do thou, when once thou hast turned again, establish thy brethren.
33At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.
33And he said unto him, Lord, with thee I am ready to go both to prison and to death.
34At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.
34And he said, I tell thee, Peter, the cock shall not crow this day, until thou shalt thrice deny that thou knowest me.
35At sinabi niya sa kanila, Nang kayo'y suguin ko na walang supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi.
35And he said unto them, When I sent you forth without purse, and wallet, and shoes, lacked ye anything? And they said, Nothing.
36At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak.
36And he said unto them, But now, he that hath a purse, let him take it, and likewise a wallet; and he that hath none, let him sell his cloak, and buy a sword.
37Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may katuparan.
37For I say unto you, that this which is written must be fulfilled in me, And he was reckoned with transgressors: for that which concerneth me hath fulfilment.
38At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.
38And they said, Lord, behold, here are two swords. And he said unto them, It is enough.
39At siya'y lumabas, at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.
39And he came out, and went, as his custom was, unto the mount of Olives; and the disciples also followed him.
40At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.
40And when he was at the place, he said unto them, Pray that ye enter not into temptation.
41At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,
41And he was parted from them about a stone's cast; and he kneeled down and prayed,
42Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.
42saying, Father, if thou be willing, remove this cup from me: nevertheless not my will, but thine, be done.
43At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.
43And there appeared unto him an angel from heaven, strengthening him.
44At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.
44And being in an agony he prayed more earnestly; and his sweat became as it were great drops of blood falling down upon the ground.
45At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,
45And when he rose up from his prayer, he came unto the disciples, and found them sleeping for sorrow,
46At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.
46and said unto them, Why sleep ye? rise and pray, that ye enter not into temptation.
47Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.
47While he yet spake, behold, a multitude, and he that was called Judas, one of the twelve, went before them; and he drew near unto Jesus to kiss him.
48Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?
48But Jesus said unto him, Judas, betrayest thou the Son of man with a kiss?
49At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami ng tabak?
49And when they that were about him saw what would follow, they said, Lord, shall we smite with the sword?
50At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.
50And a certain one of them smote the servant of the high priest, and struck off his right ear.
51Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggang dito. At hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.
51But Jesus answered and said, Suffer ye [them] thus far. And he touched his ear, and healed him.
52At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?
52And Jesus said unto the chief priests, and captains of the temple, and elders, that were come against him, Are ye come out, as against a robber, with swords and staves?
53Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman.
53When I was daily with you in the temple, ye stretched not forth your hands against me: but this is your hour, and the power of darkness.
54At kanilang dinakip siya, at dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro.
54And they seized him, and led him [away], and brought him into the high priest's house. But Peter followed afar off.
55At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila.
55And when they had kindled a fire in the midst of the court, and had sat down together, Peter sat in the midst of them.
56At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya.
56And a certain maid seeing him as he sat in the light [of the fire], and looking stedfastly upon him, said, This man also was with him.
57Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala.
57But he denied, saying, Woman, I know him not.
58At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.
58And after a little while another saw him, and said, Thou also art [one] of them. But Peter said, Man, I am not.
59At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo.
59And after the space of about one hour another confidently affirmed, saying, Of a truth this man also was with him; for he is a Galilaean.
60Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok.
60But Peter said, Man, I know not what thou sayest. And immediately, while he yet spake, the cock crew.
61At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.
61And the Lord turned, and looked upon Peter. And Peter remembered the word of the Lord, how that he said unto him, Before the cock crow this day thou shalt deny me thrice.
62At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.
62And he went out, and wept bitterly.
63At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay.
63And the men that held [Jesus] mocked him, and beat him.
64At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas?
64And they blindfolded him, and asked him, saying, Prophesy: who is he that struck thee?
65At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.
65And many other things spake they against him, reviling him.
66At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,
66And as soon as it was day, the assembly of the elders of the people was gathered together, both chief priests and scribes; and they led him away into their council, saying,
67Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:
67If thou art the Christ, tell us. But he said unto them, If I tell you, ye will not believe:
68At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.
68and if I ask [you], ye will not answer.
69Datapuwa't magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.
69But from henceforth shall the Son of man be seated at the right hand of the power of God.
70At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga.
70And they all said, Art thou then the Son of God? And he said unto them, Ye say that I am.
71At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.
71And they said, What further need have we of witness? for we ourselves have heard from his own mouth.