1Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
1For the Chief Musician, set to Shoshanim Eduth.. A Psalm of Asaph. Give ear, O Shepherd of Israel, Thou that leadest Joseph like a flock; Thou that sittest [above] the cherubim, shine forth.
2Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami.
2Before Ephraim and Benjamin and Manasseh, stir up thy might, And come to save us.
3Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
3Turn us again, O God; And cause thy face to shine, and we shall be saved.
4Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
4O Jehovah God of hosts, How long wilt thou be angry against the prayer of thy people?
5Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
5Thou hast fed them with the bread of tears, And given them tears to drink in large measure.
6Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
6Thou makest us a strife unto our neighbors; And our enemies laugh among themselves.
7Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
7Turn us again, O God of hosts; And cause thy face to shine, and we shall be saved.
8Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
8Thou broughtest a vine out of Egypt: Thou didst drive out the nations, and plantedst it.
9Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
9Thou preparedst [room] before it, And it took deep root, and filled the land.
10Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
10The mountains were covered with the shadow of it, And the boughs thereof were [like] cedars of God.
11Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog.
11It sent out its branches unto the sea, And its shoots unto the River.
12Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
12Why hast thou broken down its walls, So that all they that pass by the way do pluck it?
13Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
13The boar out of the wood doth ravage it, And the wild beasts of the field feed on it.
14Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
14Turn again, we beseech thee, O God of hosts: Look down from heaven, and behold, and visit this vine,
15At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
15And the stock which thy right hand planted, And the branch that thou madest strong for thyself.
16Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
16It is burned with fire, it is cut down: They perish at the rebuke of thy countenance.
17Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
17Let thy hand be upon the man of thy right hand, Upon the son of man whom thou madest strong for thyself.
18Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
18So shall we not go back from thee: Quicken thou us, and we will call upon thy name.
19Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.
19Turn us again, O Jehovah God of hosts; Cause thy face to shine, and we shall be saved.