Tagalog 1905

American Standard Version

Zechariah

2

1At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.
1And I lifted up mine eyes, and saw, and, behold, a man with a measuring line in his hand.
2Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.
2Then said I, Whither goest thou? And he said unto me, To measure Jerusalem, to see what is the breadth thereof, and what is the length thereof.
3At, narito, ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,
3And, behold, the angel that talked with me went forth, and another angel went out to meet him,
4At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na walang mga kuta, dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.
4and said unto him, Run, speak to this young man, saying, Jerusalem shall be inhabited as villages without walls, by reason of the multitude of men and cattle therein.
5Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
5For I, saith Jehovah, will be unto her a wall of fire round about, and I will be the glory in the midst of her.
6Oy, oy, magsitakas kayo mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.
6Ho, ho, flee from the land of the north, saith Jehovah; for I have spread you abroad as the four winds of the heavens, saith Jehovah.
7Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.
7Ho Zion, escape, thou that dwellest with the daughter of Babylon.
8Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
8For thus saith Jehovah of hosts: After glory hath he sent me unto the nations which plundered you; for he that toucheth you toucheth the apple of his eye.
9Sapagka't narito, aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
9For, behold, I will shake my hand over them, and they shall be a spoil to those that served them; and ye shall know that Jehovah of hosts hath sent me.
10Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
10Sing and rejoice, O daughter of Zion; for, lo, I come, and I will dwell in the midst of thee, saith Jehovah.
11At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.
11And many nations shall join themselves to Jehovah in that day, and shall be my people; and I will dwell in the midst of thee, and thou shalt know that Jehovah of hosts has sent me unto thee.
12At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem.
12And Jehovah shall inherit Judah as his portion in the holy land, and shall yet choose Jerusalem.
13Tumahimik ang lahat na tao, sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.
13Be silent, all flesh, before Jehovah; for he is waked up out of his holy habitation.