Tagalog 1905

Cebuano

1 Corinthians

13

1Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
1Kong ako magasulti sa mga dila sa mga tawo ug sa mga manolonda apan walay gugma, mahimo ako nga tumbaga nga nagatunog, kun piyangpiyang nga nagatagingting.
2At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.
2Ug kong ako may hiyas sa pagpanagna, ug makahibalo sa tanang mga tinago ug sa tanang kaalam; ug kong ako makabaton sa tanang pagtoo, sa pagkaagi nga mabalhin ko ang mga bukid, apan walay gugma, wala akoy kapuslanan.
3At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
3Ug kong ako magabahinbahin sa tanan ko nga mga bahandi sa pagpakaon sa mga kabus; ug kong ako magatugyan sa akong lawas, aron pagasunogon, apan walay gugma, wala akoy kapuslanan.
4Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
4Ang gugma mapailubon, ug mapuanguron; ang gugma dili masina; ang gugma dili andakan sa iyang kaugalingon, ang gugma dili moburot;
5Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
5Ang gugma dili magagawi ug kalaw-ayan, dili magapangita sa iyang kaugalingon, dili masuk-anon, dili magtagad sa dautan.
6Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
6Ang gugma dili magakalipay sa pagkadilimatarung, kondili nagakalipay uban sa kamatuoran;
7Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
7Nagapas-an sa tanang mga butang; nagatoo sa tanang mga butang; nagalaum sa tanang mga butang; nagaantus sa tanang mga butang.
8Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
8Ang gugma dili gayud mapakyas; apan kong adunay mga pagtagna, kini sila mangahanaw; kong adunay mga sinultihan, kini sila mangatapus; kong adunay kaalam; kini mahanaw.
9Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;
9Kay bahin lamang ang atong hibaloan, ug bahin ang atong matagna.
10Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.
10Apan kong moabut na kadtong hingpit, kadto nga sa bahin, mahanaw.
11Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
11Sa bata pa ako, nagsulti ako nga daw bata, mibati ako nga daw bata, ug nagahunahuna ako nga daw bata; karon nga daku na ako nga tawo, gibiyaan ko ang mga butang binata.
12Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
12Kay karon nagatan-aw kita sa kangitngit sa usa ka salamin; apan unya sa nawong ug nawong: karon bahin lamang ang naila ko, apan unya makaila ako sa tanan bisan sama nga ako usab nailhan pag-ayo.
13Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
13Apan karon magapabilin ang pagtoo, ang paglaum, ang gugma, kining totolo; ug ang labing daku niini mao ang gugma.