1Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari sa Juda, at ang mga buto ng kaniyang mga prinsipe, at ang mga buto ng mga saserdote, at ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem, mula sa kanilang mga libingan;
1Niadtong panahona, nagaingon si Jehova, pagadad-on nila ang mga bukog sa mga hari sa Juda, ug ang mga bukog sa iyang mga principe, ug ang mga bukog sa mga sacerdote, ug ang mga bukog sa mga manalagna, ug ang mga bukog sa mga pumoluyo sa Jerusalem gikan sa ilang lubnganan;
2At kanilang ikakalat sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, at siya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at siyang kanilang sinamba: hindi mangapipisan, o mangalilibing man, sila'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.
2Ug ilang ipangatag sila sa atubangan sa adlaw, ug sa bulan, ug sa tanang panon sa langit nga ilang gihigugma, ug ilang gialagaran, ug ilang gisunod, ug ilang gipangita, ug ilang giampoan: dili sila pagatigumon, ni igalubong; sila mahimong kinalibang sa ibabaw sa nawong sa yuta.
3At ang kamatayan ay pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan, na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
3Ug labi kay sa kinabuhi ang kamatayon maoy pagapilion sa tanang mga nanghibilin niining dautang panimalay, nga nanghibilin sa tanang mga dapit diin didto giabog ko sila, nagaingon si Jehova sa mga panon.
4Bukod dito'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon. Mangabubuwal baga ang mga tao, at hindi magsisibangon uli? maliligaw baga ang isa, at hindi babalik?
4Labut pa, umingon ikaw kanila: Mao kini ang giingon ni Jehova: Mangapukan ba ang mga tawo, ug dili managpamangon pag-usab? motalikod ba ang usa, ug dili mobalik?
5Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod? sila'y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan, sila'y nagsisitangging bumalik.
5Nan ngano man nga kining katawohan sa Jerusalem nanghidalin-as sa pagkasayup nga walay paghunong? sila minghunit sa limbong, ug nanagdumili sa pagbalik.
6Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.
6Ako nagpatalinghug ug nakadungog, apan sila wala managpamulong sa matul-id: walay tawo nga naghinulsol sa iyang pagkadautan, sa pag-ingon: Unsa bay akong nabuhat? ang tagsatagsa nagapadayon sa iyang ginalaktan, ingon sa kabayo nga midasmag sa gubat.
7Oo, nalalaman ng ciguena sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng Panginoon.
7Oo, ang talabong sa mga langit nahibalo sa iyang mga tinudlong panahon; ug ang salampati, ug ang sayaw ug ang lapay nanagbantay sa panahon sa ilang pag-abut: apan ang akong katawohan wala manghibalo sa Kasugoan ni Jehova.
8Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin? Nguni't, narito, ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan.
8Unsaon ninyo pag-ingon: Kami mga manggialamon, ug ang Kasugoan ni Jehova ania kanamo? Apan ania karon, ang bakakon nga dagang sa mga escriba nanagbuhat ug bakak.
9Ang mga pantas ay nangapapahiya, sila'y nanganglulupaypay at nangahuhuli: narito, kanilang itinakuwil ang salita ng Panginoon: at anong uri ng karunungan ang nasa kanila?
9Ang mga tawong manggialamon gipakaulawan, sila napunawan ug hingdakpan: ania karon, sila nanagsalikway sa pulong ni Jehova; ug unsang kinaiyaha sa kaalam nga anaa kanila?
10Kaya't ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba, at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon: sapagka't bawa't isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan, ay ibinigay sa kasakiman; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.
10Busa ihatag ko sa lain ang ilang mga asawa, ug ang ilang mga uma kanila nga manag-iya niini: kay ang tagsatagsa gikan sa labing diyutay bisan ngadto sa labing dagku gitugyan na sa kailibgon; gikan sa manalagna bisan ngadto sa sacerdote, ang tagsatagsa nagalimbong.
11At kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.
11Ug ilang giayo ug diyutay ang samad sa anak nga babaye sa akong katawohan, nga nagaingon: Pakigdait, pakigdait; sa diha nga walay pakigdait.
12Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, ni nangamula man sila: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila, sabi ng Panginoon.
12Nangaulaw ba sila sa diha nga nagbuhat sila ug dulumtanan? wala, sila wala gayud mangaulaw, ni mangahilaw ang ilang nawong: busa sila mangapukan uban niadtong nangapukan; sa panahon sa pagdu-aw kanila, sila igahulog ngadto sa yuta , nagaingon si Jehova.
13Aking lubos na lilipulin sila, sabi ng Panginoon: hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, o ng mga higos man sa mga puno ng higos, at ang dahon ay malalanta; at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila.
13Pagaut-uton ko gayud sila, nagaingon si Jehova: wala na unyay mga bunga ang kaparrasan, ni igos ibabaw sa higuerra, ug ang dahon malawos; ug ang mga butang nga gihatag ko kanila mangahanaw gikan kanila.
14Bakit tayo'y nagsisitigil na nakaupo? kayo'y magkatipon, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan, at tayo'y magsitahimik doon; sapagka't tayo'y pinatahimik ng Panginoon nating Dios, at binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin, sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon.
14Nganong nanaglingkod kita sa hilum? managtigum kamo, ug manulod kita ngadto sa mga kinutaang ciudad, ug managhilum kita didto: kay si Jehova nga atong Dios nagpahilum kanato, ug naghatag kanato ug tubig nga apdo aron pagaimnun tungod kay kita nakasala batok kang Jehova.
15Tayo'y nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang dumating na mabuti; at ng panahon ng kagalingan, at narito panglulupaypay!
15Kita nangita ug pakigdait, apan walay kaayohan nga miabut; ug sa usa ka panahon nangita sa pag-kaayo, ug, ania karon, ang kaguol!
16Ang singasing ng kaniyang mga kabayo ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon.
16Ang kinusmo sa iyang mga kabayo nadungog gikan sa Dan: ang tibook nga yuta mikurog sa bahihi sa iyang mga makusganon; kay sila mingdangat ug minglamoy sa yuta ug sa tanan nga anaa niana; ang ciudad ug kadtong nanagpuyo sa sulod niana.
17Sapagka't, narito, ako'y magsusugo ng mga ahas, ng mga ulupong sa gitna ninyo, na hindi maeenkanto, at kakagatin nila kayo, sabi ng Panginoon.
17Kay, ania karon, ako magapadala ug mga bitin, mga udto-udto sa taliwala ninyo, nga dili malumay sa sumpa, ug sila mopaak kaninyo, nagaingon si Jehova.
18Oh kung ako'y makapagaaliw laban sa kapanglawan! ang puso ko ay nanglulupaypay.
18Oh nga malipay ko unta ang akong kaugalingon gikan sa kasubo! ang akong kasingkasing maluya sa sulod nako.
19Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba?
19Ania karon, ang tingog sa pagtu-aw sa anak nga babaye sa akong katawohan gikan sa yuta nga halayo: Wala ba si Jehova diha sa Sion? wala ba dinhi ang iyang hari? Nganong ilang gihagit ako sa kasuko uban sa ilang mga larawan nga linilok, ug sa ilang mga kakawangan nga lumalangyaw?
20Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas.
20Ang pagpangani miagi na, ug ang ting-init natapus na, ug kita wala mangaluwas.
21Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasasakitan ako; ako'y luksa; ako'y natigilan.
21Tungod sa samad sa anak nga babaye sa akong katawohan, ako nasamad; ako nagbalata; giabut ako sa kalisang.
22Wala bagang balsamo sa Galaad? wala bagang manggagamot doon? bakit nga hindi gumaling ang anak na babae ng aking bayan?
22Wala bay balsamo sa Galaad? wala bay mananambal didto? nan ngano man nga wala hiulii sa maayong panglawas ang anak nga babaye sa akong katawohan?