Tagalog 1905

Cebuano

Job

41

1Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali?
1Makuha ba nimo ang leviathan sa taga sa isda? Kun magapus ba ang iyang dila sa lubid?
2Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit?
2Matuhog mo ba ug pisi ang iyang ilong? Kun kapalapsan kanimo ang iyang apapangig sa usa ka taga?
3Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
3Maghimo ba siya ug daghanan nga pangamuyo kanimo? Kun mosulti ba siya kanimo ug mga pulong malomo?
4Makikipagtipan ba siya sa iyo, upang ariin mo siyang alipin magpakailan man?
4Magabuhat ba siya ug pakigsaad kanimo, Aron ikaw isipon niya nga sulogoon sa walay katapusan?
5Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga?
5Makigdula ba ikaw kaniya ingon sa usa ka langgam? Kun gapuson ba nimo siya alang sa imong mga kadalagahan?
6Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal?
6Ang katiguman sa mga mangingisda , maghimo ba kaniya nga igbabaligya? Ibahinbahin ba siya nila sa mga magbabaligya?
7Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda?
7Mapalapsan ba nimo ang iyang panit sa mga puthaw nga tinalinsan, Kun mapalapsan ba ang iyang ulo sa salapang?
8Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin.
8Itapion ang imong kamot kaniya; Hinumdumi ang gubat, ug ayaw na kana pagbuhata.
9Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?
9Ania karon, kawang lamang ang paglaum tungod kaniya; Dili ba kita matumba bisan na lamang sa pagtan-aw kaniya?
10Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko?
10Walay bisan kinsa nga mabangis nga mangahas sa pagpalihok kaniya; Nan kinsa man ang makapangatubang kanako?
11Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
11Kinsa ba ang unang nakahatag kanako, aron unta ako magabalus kaniya? Bisan unsang butanga nga ania sa ilalum sa tibook langit, ako man.
12Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis.
12Ako dili magahilum mahitungod sa iyang bukton, Ni sa iyang daku nga kakusog, ni sa iyang matahum nga panagway.
13Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil?
13Kinsa ba ang makakuha sa iyang labing gawas nga saput? Kinsa ba ang mopaduol sa sulod sa iyang mga apapangig?
14Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan.
14Kinsa ba ang makaabli sa mga pultahan sa iyang nawong? Makalilisang ang ginalibutan sa iyang ngipon.
15Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit.
15Ang iyang mabaga nga mga hingbis maoy iyang garbo, Maayong pagkatapot, sama sa sello nga gipapilit.
16Nagkakadikit sa isa't isa, na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon.
16Ang usa ug ang usa haduol kaayo, Sa ingon nga paagi, nga sa taliwala kanila walay hangin nga makasulod.
17Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay.
17Sila ginahiusa ang usa ug usa; Sila nanag-ipon, ug dili na mabulag.
18Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga.
18Sa iyang pagbugwak may kahayag nga mokidlap, Ug ang iyang mga mata ingon sa mga tabontabon sa kabuntagon.
19Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, at mga alipatong apoy ay nagsisilabas.
19Gikan sa iyang baba, mga sulo nga nagadilaab manggula, Ug mga aligato sa kalayo managtulasik.
20Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib.
20Gikan sa iyang ilong may aso nga magagula, Ingon sa kolon nga magabukal, ug mga tangbo nga mangasunog.
21Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig.
21Ang iyang gininhawa makapasiga sa mga uling, Ug usa ka kalayo nagagula gikan sa iyang baba.
22Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya.
22Sa iyang liog nagapuyo ang kusog, Ug sa iyang atubangan ang kahadlok nagasayaw.
23Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw.
23Ang mga bahin sa iyang unod nagatapot: Sila mga malig-on sa ibabaw niya; sila dili magango.
24Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan.
24Ang iyang kasingkasing malig-on sama sa usa ka bato; Oo, malig-on sama sa bato sa galingan nga sa ilalum.
25Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila.
25Sa diha nga siya motindog, ang mga gamhanan mangahadlok: Tungod sa dakung kakugang sila kawad-an sa buot.
26Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man.
26Ang pinuti niadtong motigbas kaniya dili makadulot; Ni makadulot ang bangkaw, kun balaraw kun salapang.
27Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, at ang tanso na parang lapok na kahoy.
27Ginaisip niya ang puthaw ingon sa uhot, Ug ang tumbaga ingon sa kahoy nga gabok.
28Hindi niya mapatakas ng palaso: ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo.
28Ang pana dili makapadalagan kaniya: Kaniya ang mga bato sa lambuyog mabalhin nga mga dagami:
29Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat.
29Ang mga puspus ginaila nga mga tuod sa balili; Ang hinadyong sa bangkaw iyang ginakataw-an.
30Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: lumalaganap na tila saksak sa banlik.
30Ang mga dapit sa ilalum niya ingon sa mga bika nga talinis: Sa ibabaw sa lapok iyang gipahaluna ang mga butang nga tinalinsan.
31Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid.
31Ang kahiladman iyang gipabukal ingon sa usa ka kolon: Ang dagat iyang gihimo nga ingon sa kolon nga haplas.
32Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman.
32Sa iyang likod nagapadan-ag siya ug usa ka dalan; Bisan kinsa makahunahuna nga ang kahiladman sa dagat ubanon.
33Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya, na likhang walang takot.
33Sa ibabaw sa yuta walay mahisama kaniya, Nga usa ka binuhat walay kahadlok.
34Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay: siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.
34Siya nagatan-aw sa bisan unsa nga butang nga hataas: Hari man siya sa mga anak sa mapahitas-on.