Tagalog 1905

Croatian

Exodus

29

1At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.
1"Ovo je obred koji ćeš obaviti na njima da ih posvetiš za moje svećenike: Uzmi jednog junca i dva ovna bez mane;
2At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo.
2onda beskvasnoga kruha, beskvasnih kolača zamiješenih u ulju i beskvasnih prevrta uljem namazanih. Napravi ih od bijeloga pšeničnog brašna.
3At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake.
3Naslaži ih u košaricu i u košarici prinesi ih s juncem i oba ovna."
4At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong huhugasan sila ng tubig.
4"Dovedi Arona i njegove sinove k ulazu u Šator sastanka i operi ih u vodi.
5At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod:
5Zatim uzmi odijelo i obuci Arona u košulju; stavi na nj ogrtač oplećka, oplećak i naprsnik i opaši ga tkanicom oplećka.
6At iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra.
6Ustakni mu mitru na glavu; na mitru stavi sveti vijenac.
7Saka mo kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya.
7Uzmi zatim ulja za pomazanje; izlij na njegovu glavu i pomaži ga.
8At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila.
8Onda dovedi njegove sinove; obuci ih u košulje;
9At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo: at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.
9opaši ih u pasove i obvij im turbane. Svećeništvo neka im pripada vječnom uredbom. Tako posveti Arona i njegove sinove!"
10At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.
10"Dovedi zatim junca pred Šator sastanka, pa neka Aron i njegovi sinovi stave ruke juncu na glavu.
11At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
11Onda pred Jahvom, na ulazu u Šator sastanka, junca zakolji.
12At kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.
12Uzmi junčeve krvi i svojim je prstom stavi na rogove žrtvenika. Ostatak krvi izlij podno žrtvenika.
13At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.
13Uzmi sav loj oko droba, privjesak na jetri i oba bubrega s lojem oko njih, pa spali na žrtveniku.
14Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.
14Meso od junca, njegovu kožu i njegovu nečist spali na vatri izvan taborišta. To je žrtva okajnica.
15Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.
15Poslije toga uzmi jednoga ovna, pa neka Aron i njegovi sinovi stave na njegovu glavu svoje ruke.
16At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.
16Onda ovna zakolji, uhvati mu krvi i zapljusni njome žrtvenik sa svih strana.
17At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.
17Isijeci zatim ovna u komade, operi mu drobinu i noge i položi ih na njegove ostale dijelove i glavu.
18At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
18I onda cijeloga ovna spali na žrtveniku. Žrtva je to paljenica u čast Jahvi, miris ugodan, žrtva ognjena.
19At kukunin mo ang isang tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.
19Uzmi onda drugoga ovna, pa neka Aron i njegovi sinovi stave svoje ruke ovnu na glavu.
20Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot.
20Sad ovna zakolji; uzmi mu krvi i njome namaži resicu desnoga Aronova uha, resicu desnog uha njegovim sinovima, palac na njihovoj desnoj ruci pa palac na njihovoj desnoj nozi. Ostatkom krvi zapljusni žrtvenik naokolo.
21At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.
21Uzmi onda krvi što je ostala na žrtveniku i ulja za pomazanje i poškropi Arona i njegovo odijelo, njegove sinove i njihova odijela. Tako će biti posvećen on i njegovo odijelo, njegovi sinovi i odijela njegovih sinova."
22Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na itinalaga),
22"Poslije toga uzmi s ovna loj, pretili rep, loj oko droba, privjesak s jetre, oba bubrega i loj oko njih; desno pleće - jer je to ovan prinesen za svećeničko posvećenje -
23At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon:
23zatim jedan okrugli kruh, jedan kolač na ulju i jednu prevrtu iz košarice beskvasnoga kruha što je pred Jahvom.
24At iyong ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon.
24Sve to stavi na ruke Arona i njegovih sinova i prinesi žrtvu prikaznicu pred Jahvom.
25At iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
25Uzmi ih onda s njihovih ruku i spali na žrtveniku, povrh žrtve paljenice, da bude Jahvi na ugodan miris. To je paljena žrtva u čast Jahvi.
26At kukunin mo ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi.
26Zatim uzmi grudi ovna prinesena za Aronovo posvećenje i prinesi ih kao žrtvu prikaznicu pred Jahvom. Neka to bude tvoj dio.
27At iyong ihihiwalay ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak;
27Posveti grudi što su bile prinesene kao žrtva prikaznica i pleće što je bilo prineseno kao žrtva podizanica od ovna prinesena za posvećenje Arona i njegovih sinova.
28At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.
28Neka to bude pristojba Aronu i njegovim potomcima od Izraelaca za sva vremena. TÓa to je ujam koji će Izraelci davati od svojih pričesnica - ujam koji Jahvi pripada.
29At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon.
29Aronova posvećena odijela neka pripadnu njegovim sinovima poslije njega da u njima budu pomazani i posvećeni.
30Pitong araw na isusuot ng anak na magiging saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal.
30Sin koji postane svećenikom mjesto njega, kad uđe u Šator sastanka da vrši službu u Svetištu, neka ih nosi sedam dana."
31At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal.
31"Uzmi onda ovna za posvećenje i skuhaj njegovo meso na posvećenome mjestu.
32At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
32Aron i njegovi sinovi neka blaguju meso od toga ovna i kruh iz košarice na ulazu u Šator sastanka.
33At kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.
33Neka jedu od onoga što je poslužilo za njihovo očišćenje, da im se ruke ispune vlašću i da budu posvećeni. Nijedan svjetovnjak neka ne jede od toga jer je posvećeno.
34At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.
34Ako bi ostalo što mesa od svećeničkog posvećenja ili što od onoga kruha do ujutro, spali na vatri. Ne smije se pojesti jer je posvećeno."
35At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: pitong araw na iyong itatalaga sila.
35"Točno tako učini Aronu i njegovim sinovima kako sam ti naredio. Posvećuj ih sedam dana.
36At araw-araw ay maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.
36Svakoga dana prinesi jednoga junca kao žrtvu okajnicu - za pomirenje. I prinesi žrtvu okajnicu za pomirenje oltara, zatim ga pomaži da bude posvećen.
37Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; anomang masagi sa dambana ay magiging banal.
37Sedam dana prinosi žrtvu pomirnicu za žrtvenik i posvećuj ga. Tako će žrtvenik postati presvet, i sve što se žrtvenika dotakne bit će posvećeno."
38Ito nga ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon araw-araw na palagi.
38"A ovo treba da prinosiš na žrtveniku: dva janjca godinu dana stara, svaki dan bez prijekida.
39Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon:
39Jedno janje žrtvuj ujutro, a drugo uvečer.
40At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.
40Prinesi s prvim janjetom jednu desetinu efe bijeloga brašna zamiješena u četvrtini hina istupanog ulja i žrtvu ljevanicu od četvrtine hina vina.
41At ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
41Drugo janje prinesi u suton. S njim prinesi žrtvu prinosnicu s njezinom žrtvom ljevanicom kao i izjutra - na ugodan miris, žrtvu u čast Jahvi paljenu.
42Magiging isang palaging handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo.
42Neka to bude trajna žrtva paljenica od koljena do koljena - na ulazu u Šator sastanka, pred Jahvom. Tu ću se ja s tobom sastajati da ti govorim.
43At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.
43I s Izraelcima ću se tu sastajati, i moja će ih slava posvećivati.
44At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
44Ja ću posvetiti Šator sastanka i žrtvenik; posvetit ću Arona i njegove sinove da mi služe kao svećenici.
45At ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.
45Ja ću prebivati među Izraelcima i biti njihov Bog.
46At kanilang makikilala, na ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.
46Upoznat će oni tada da sam to ja, Jahve, Bog njihov koji ih je izbavio iz zemlje egipatske da prebivam među njima - ja, Jahve, Bog njihov."