Tagalog 1905

Czech BKR

Ecclesiastes

8

1Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.
1Moudrost člověka osvěcuje oblíčej jeho, a nestydatost tváři jeho proměňuje.
2Ipinapayo ko sa iyo, ingatan mo ang utos ng hari, at siya'y dahil sa sumpa ng Dios.
2Jáť radím: Výpovědi královské ostříhej, a však podlé přísahy Boží.
3Huwag kang magmadaling umalis sa kaniyang harapan; huwag kang mamalagi sa masamang bagay: sapagka't kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan.
3Nepospíchej odjíti od tváři jeho, aniž trvej v zpouře; nebo cožť by koli chtěl, učinil by.
4Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan; at sinong makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?
4Nebo kde slovo královské, tu i moc jeho, a kdo dí jemu: Co děláš?
5Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan:
5Kdo ostříhá přikázaní, nezví o ničem zlém. I čas i příčiny zná srdce moudrého.
6Sapagka't sa bawa't panukala ay may kapanahunan at kahatulan; sapagka't ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya:
6Nebo všeliké předsevzetí má čas a příčiny. Ale i to neštěstí veliké člověka se přídrží,
7Sapagka't hindi niya nalalaman ang mangyayari; sapagka't sinong makapagsasaysay sa kaniya, kung paanong mangyayari?
7Že neví, co budoucího jest. Nebo jak se stane, kdo mu oznámí?
8Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya.
8Není člověka, kterýž by moci měl nad životem, aby zadržel duši, aniž má moc nade dnem smrti; nemá ani braně v tom boji, aniž vysvobodí bezbožnost bezbožného.
9Lahat ng ito ay nakita ko, at inihilig ko ang aking puso sa bawa't gawa, na nagawa sa ilalim ng araw: may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan.
9Ve všem tom viděl jsem, přiloživ mysl svou ke všemu tomu, co se děje pod sluncem, že časem panuje člověk nad člověkem k jeho zlému.
10At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing, at nagsidating sa hukay; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal, at nalimutan sa bayan: ito man ay walang kabuluhan.
10A tehdáž viděl jsem bezbožné pohřbené, že se zase navrátili, ale kteříž z místa svatého odešli, v zapomenutí dáni jsou v městě tom, v kterémž dobře činili. I to také jest marnost.
11Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan.
11Nebo že ne i hned ortel dochází pro skutek zlý, protož vroucí jest k tomu srdce synů lidských, aby činili zlé věci.
12Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan, at humaba ang kaniyang buhay, gayon ma'y tunay, na talastas ko, na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios, na nangatatakot sa harap niya:
12A ačkoli hříšník činí zle na stokrát, a vždy se mu odkládá, já však vím, že dobře bude bojícím se Boha, kteříž se bojí oblíčeje jeho.
13Nguni't hindi ikabubuti ng masama, ni hahaba man ang kaniyang buhay na parang isang anino; sapagka't siya'y hindi natatakot sa harap ng Dios.
13S bezbožným pak nedobře se díti bude, aniž se prodlí dnové jeho; minou jako stín, proto že jest bez bázně před oblíčejem Božím.
14May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan.
14Jest marnost, kteráž se děje na zemi: Že bývají spravedliví, jimž se však vede, jako by činili skutky bezbožných; zase bývají bezbožní, kterýmž se však vede, jako by činili skutky spravedlivých. Protož jsem řekl: I to také jest marnost.
15Nang magkagayo'y pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.
15A tak chválil jsem veselí, proto že nic nemá lepšího člověk pod sluncem, jediné aby jedl a pil, a veselil se, a že to pozůstává jemu z práce jeho ve dnech života jeho, kteréž dal jemu Bůh pod sluncem.
16Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata:)
16A ač jsem se vydal srdcem svým na to, abych moudrost vystihnouti mohl, a vyrozuměti bídě, kteráž bývá na zemi, pro kterouž ani ve dne ani v noci nespí,
17Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan.
17A však viděl jsem při každém skutku Božím, že nemůže člověk vystihnouti skutku dějícího se pod sluncem. O čež pracuje člověk, vyhledati chtěje, ale nenalézá; nýbrž byť i myslil moudrý, že se doví, nebude moci nic najíti.