1Huwag mong makikitang naliligaw ang baka ng iyong kapatid o ang kaniyang tupa, at ikaw ay magkukubli sa mga yaon: iyo ngang ibabalik sa iyong kapatid.
1Når du ser din Broders Okse eller Får løbe løse om, må du ikke undlade at tage dig af dem, men du skal bringe dem tilbage til din Broder.
2At kung ang iyong kapatid ay hindi malapit sa iyo, o kung hindi mo siya nakikilala, ay iyo ngang iuuwi sa iyong bahay, at mapapasaiyo hanggang sa hanapin ng iyong kapatid, at iyong isasauli sa kaniya.
2Og hvis din Broder ikke bor i Nærheden af dig, eller du ikke ved, hvis byret er, skal du tage det ind i dit Hus, og det skal være hos dig, indtil din Broder spørger efter det; så skal du give ham det tilbage.
3At gayon ang iyong gagawin sa kaniyang asno; at gayon ang iyong gagawin sa kaniyang damit, at gayon ang iyong gagawin sa bawa't nawalang bagay ng iyong kapatid, na nawala sa kaniya at iyong nasumpungan: huwag kang magkukubli.
3På samme Måde skal du forholde dig med hans Æsel, med hans Klæder og med alt, hvad der bliver borte for din Broder, når du finder det. Du må ikke undlade at tage dig af det.
4Huwag mong makikitang napahiga sa daan ang asno ng iyong kapatid o ang kaniyang baka at ikaw ay magkukubli sa mga yaon; iyo ngang tutulungan siya upang itindig sila uli.
4Når du ser din Broders Okse eller Æsel styrte på Vejen, må du ikke undlade at tage dig af dem, men du skal hjælpe ham med at få dem op.
5Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
5En kvinde må ikke bære Mandsdragt, og en Mand må ikke iføre sig Kvindeklæder; thi enhver, der gør det, er HERREN din Gud en Vederstyggelighed.
6Kung ang isang pugad ng ibon ay magkataong masumpungan mo sa daan, sa anomang punong kahoy, o sa lupa, na may mga inakay, o mga itlog at humahalimhim ang inahin sa mga inakay, o sa mga itlog, ay huwag mong kukunin ang inahin na kasama ng mga inakay:
6Når du på din Vej træffer på en Fuglerede i et Træ eller på Jorden med Unger eller Æg, og Moderen ligger på Ungerne eller Æggene, må du ikke tage Moderen sammen med Ungerne;
7Sa anomang paraan, ay iyong pawawalan ang inahin, nguni't ang inakay ay makukuha mong sa iyo; upang ikabuti mo at upang tumagal ang iyong mga araw.
7Ungerne kan du tage, men Moderen skal du lade flyve, for at det må gå dig vel og du må få et langt Liv.
8Pagka ikaw ay magtatayo ng isang bagong bahay, ay igagawa mo nga ng isang halang ang iyong bubungan, upang huwag kang magtaglay ng sala ng dugo sa iyong bahay, kung ang sinomang tao ay mahulog mula roon.
8Når du bygger et nyt Hus, skal du sætte Rækværk om Taget, for at du ikke skal bringe Blodskyld over dit Hus, hvis nogen falder ned derfra.
9Huwag mong tatamnan ang iyong ubasan ng dalawang magkaibang binhi: baka ang buong bunga ay masira, ang binhi na iyong inihasik at ang bunga ng ubasan.
9Dut må ikke så to Slags Sæd i din Vingård, ellers hjemfalder det hele til Helligdommen, både Sæden, du såede, og Udbyttet af Vingården.
10Huwag kang mag-aararo na may isang baka at isang asno na magkatuwang.
10Du må ikke pløje med en Okse og et Æsel sammen.
11Huwag kang magbibihis ng magkahalong kayo, ng lana at lino na magkasama.
11Du må ikke bære Tøj, som er vævet både af Uld og Hør.
12Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na ipinangbabalabal mo sa iyo.
12Du skal sætte Kvaster i de fire Hjørner af din Kappe, som du hyller dig i.
13Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at kaniyang kapootan siya,
13Når en Mand efter at have ægtet en Kvinde og søgt Samkvem med hende får Uvilje imod hende
14At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya:
14og siger hende skammelige Ting på og udspreder ondt Rygte om hende, idet han siger: "Jeg tog denne Kvinde til Ægte, men da jeg havde Samkvem med hende, fandt jeg ikke hos hende Tegnet på, at hun var Jomfru!"
15Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan;
15så skal den unge Kvindes Forældre bringe Jomfrutegnet hen til Byens Ældste i Byporten;
16At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya;
16og Pigens Fader skal sige til de Ældste: "Jeg gav denne Mand min Datter til Hustru, men han har fået Uvilje imod hende,
17At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan.
17og nu siger han hende skammelige Ting på og siger: Jeg har ikke hos din Datter fundet Tegnet på, at hun var Jomfru! Men her er Jomfrutegnet!" Og dermed skal de brede Klædet ud for Byens Ældste.
18At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya;
18Da skal Byens Ældste tage Manden og revse ham;
19At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan.
19og de skal pålægge ham en Bøde på hundrede Sekel Sølv og give den unge Kvindes Fader dem, fordi han udspredte ondt Rygte om en Jomfru i Israel. Og han skal beholde hende som Hustru og har ikke Lov til at skille sig fra hende, så længe han lever.
20Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay hindi masumpungan sa dalaga;
20Men hvis Beskyldningen er sand, hvis den unge kvindes Jomfrutegn ikke findes,
21Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at babatuhin siya ng mga bato, ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: sapagka't nagkasala siya ng kaululan sa Israel, na nagpatutot sa bahay ng kaniyang ama: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
21skal man føre hende hen foran hendes Faders Husdør, og Mændene i hendes By skal stene hende til Døde, fordi hun har begået en Udåd i Israel ved at bedrive Hor i sin Faders Hus. Således skal du udrydde det onde af din Midte.
22Kung ang isang lalake ay masumpungan, na sumisiping sa isang babaing may asawa, ay kapuwa nga sila papatayin, ang lalake na sumiping sa babae, at ang babae: gayon mo aalisin ang kasamaan sa Israel.
22Når en Mand gribes i Samleje med en gift Kvinde, skal de begge dø, både Manden, der lå hos kvinden, og Kvinden selv. Således skal du udrydde det onde af Israel.
23Kung ang isang dalagang magaasawa sa isang lalake, at masumpungan siya ng isang lalake sa bayan, at sumiping sa kaniya;
23Når en Mand inde i Byen træffer en Jomfru, der er trolovet med en anden, og har Samleje med hende,
24Ay inyo ngang ilalabas kapuwa sila sa pintuan ng bayang yaon, at inyong babatuhin sila ng mga bato upang sila'y mamatay; ang babae, sapagka't di siya sumigaw, ay nasa bayan; at ang lalake, sapagka't pinangayupapa ang asawa ng kaniyang kapuwa: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
24skal I føre dem begge ud til Byens Port og stene dem til Døde, Pigen fordi hun ikke skreg om Hjælp i Byen, og Manden, fordi han krænkede sin Næstes Brud. Således skal du udrydde det onde af din Midte.
25Nguni't kung masumpungan sa parang ng lalake ang isang dalagang magaasawa, at dahasin ng lalake siya, at sumiping sa kaniya; ang lalake nga lamang na sumiping sa kaniya ang papatayin:
25Men hvis Manden træffer den trolovede Pige ude i det fri og tiltvinger sig Samleje med hende, skal kun Manden, der havde Samleje med hende, dø.
26Nguni't sa babae ay huwag kang gagawa ng anoman, wala sa babaing yaon ang anomang kasalanang marapat ikamatay: sapagka't gaya ng kung ang isang lalake ay bumabangon laban sa kaniyang kapuwa, at pinapatay niya siya, ay gayon din ang bagay na ito:
26Pigen derimod skal du ikke gøre noget; hun har ikke begået nogen Synd, som fortjener Døden; thi dermed er det, som når en overfalder sin Næste og slår ham ihjel;
27Sapagka't nasumpungan niya siya sa parang, ang dalagang magaasawa ay sumigaw, at walang magligtas sa kaniya.
27han traf hende jo ude i det fri, og den trolovede Pige skreg, men ingen kom hende til Hjælp.
28Kung masumpungan ng isang lalake ang isang dalagang donselya na hindi pa naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya, at sila'y masumpungan;
28Når en Mand træffer en Jomfru, der ikke er trolovet, og tiltvinger sig Samleje med hende, og de gribes på fersk Gerning,
29Ang lalake nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung siklong pilak, at siya'y magiging kaniyang asawa, sapagka't kaniyang pinangayupapa siya; hindi niya mapalalayas sa lahat ng kaniyang kaarawan.
29skal den Mand, der havde Samleje med hende, give Pigens Fader halvtredsindstyve Sekel Sølv og tage hende til Ægte, fordi han krænkede hende; og han har ikke Ret til at skille sig fra hende, så længe han lever.
30Huwag kukunin ng isang lalake ang asawa ng kaniyang ama, at huwag ililitaw ang balabal ng kaniyang ama.
30Ingen må ægte sin Faders Hustru eller løfte sin Faders Tæppe.