1At nangyari, nang matanda na si Isaac, at malabo na ang kaniyang mga mata, na ano pa't hindi na siya makakita, ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay, at sinabi sa kaniya, Anak ko: at kaniyang sinabi, Narito ako.
1Da Isak var blevet gammel og hans Syn sløvet, så han ikke kunde se, kaldte han sin ældste Søn Esau til sig og sagde til ham: "Min Søn!" Han svarede: "Her er jeg!"
2At sinabi niya, Narito, ako'y matanda, at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan.
2Da sagde han: "Se, jeg er nu gammel og ved ikke, hvad Dag Døden kommer
3Ngayon nga'y kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo, ang iyong almas, ang iyong lalagyan ng pana, at ang iyong busog, at lumabas ka sa parang, at ihuli mo ako ng usa;
3tag derfor dine Jagtredskaber, dit Pilekogger og din Bue og gå ud på Marken og skyd mig et Stykke Vildt;
4At igawa mo ako ng masarap na pagkain, na aking ibig, at dalhin mo rito sa akin, upang ako'y kumain; upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay.
4lav mig en lækker Ret Mad efter min Smag og bring mig den, at jeg kan spise, før at min Sjæl kan velsigne dig, før jeg dør!"
5At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak. At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa, at upang madala.
5Men Rebekka havde lyttet, medens Isak talte til sin Søn Esau, og da, Esau var gået ud på Marken for at skyde et Stykke Vildt til sin Fader,
6At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi, Narito, narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid, na sinasabi,
6sagde hun til sin yngste Søn Jakob; "Se, jeg hørte din Fader sige til din Broder Esau:
7Dalhan mo ako ng usa, at igawa mo ako ng pagkaing masarap, upang ako'y kumain, at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon, bago ako mamatay,
7Hent mig et Stykke Vildt og lav mig en lækker Ret Mad, at jeg kan spise, før at jeg kan velsigne dig for HERRENs Åsyn før min Død.
8Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig, ayon sa iniutos ko sa iyo.
8Adlyd mig nu, min Søn, og gør, hvad jeg pålægger dig:
9Pumaroon ka ngayon sa kawan, at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama, ayon sa kaniyang ibig.
9Gå ud til Hjorden og hent mig to gode Gedekid; så laver jeg af dem en lækker Ret Mad til din Fader efter hans Smag;
10At dadalhin mo sa iyong ama, upang kumain, ano pa't ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay.
10bring så den ind til din Fader, at han kan spise, for at han kan velsigne dig før sin Død!"
11At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina, Narito, si Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo, at ako'y taong makinis.
11Men Jakob sagde til sin Moder Rebekka: "Se, min Broder Esau er håret, jeg derimod glat;
12Marahil ay hihipuin ako ng aking ama, at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya; at ang aking mahihita ay sumpa at hindi basbas.
12sæt nu, at min Fader føler på mig, så står jeg for ham som en Bedrager og henter mig en Forbandelse og ingen Velsignelse!"
13At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo, anak ko: sundin mo lamang ang aking tinig, at yumaon ka, na dalhin mo sa akin.
13Men hans Moder svarede: "Den Forbandelse tager jeg på mig, min Søn, adlyd mig blot og gå hen og hent mig dem!"
14At siya'y yumaon at dinala sa kaniyang ina: at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain, na ibig ng kaniyang ama.
14Så gik han hen og hentede dem og bragte sin Moder dem, og hun tillavede en lækker Ret Mad efter hans Faders Smag.
15At kinuha ni Rebeca ang mainam na damit ni Esau, na kaniyang anak na panganay, na nasa kaniya sa bahay, at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak:
15Derpå tog Rebekka sin ældste Søn Esaus Festklæder, som hun havde hos sig i Huset, og gav sin yngste Søn Jakob dem på;
16At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay, at sa kinis ng kaniyang leeg.
16Skindene af Gedekiddene lagde hun om hans Hænder og om det glatte på hans Hals,
17At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap, at ang tinapay na kaniyang inihanda, sa kamay ni Jacob na kaniyang anak.
17og så gav hun sin Søn Jakob Maden og Brødet, som hun havde tillavet.
18At siya'y lumapit sa kaniyang ama, at nagsabi, Ama ko; at sinabi niya: Narito ako; sino ka, anak ko?
18Så bragte han det ind til sin Fader og sagde: "Fader!" Han svarede: "Ja! Hvem er du, min Søn?"
19At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama, Ako'y si Esau na iyong panganay; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin: bumangon ka, ipinamamanhik ko sa iyo, maupo ka at kumain ka ng aking usa, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.
19Da svarede Jakob sin Fader: "Jeg er Esau, din førstefødte; jeg har gjort, som du bød mig; sæt dig nu op og spis af mit Vildt, for at din Sjæl kan velsigne mig!"
20At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak, Ano't kay dali mong nakasumpong, anak ko? At sinabi niya, Sapagka't binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios.
20Men Isak sagde til sin Søn: "Hvor har du så hurtigt kunnet finde noget, min Søn?" Han svarede: "Jo, HERREN din Gud sendte mig det i Møde!"
21At sinabi ni Isaac kay Jacob, Lumapit ka rito, ipinamamanhik ko sa iyo upang hipuin kita, anak ko, kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi.
21Men Isak sagde til Jakob: "Kom hen til mig, min Søn, så jeg kan føle på dig, om du er min Søn Esau eller ej!"
22At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama: at hinipo siya, at sinabi, Ang tinig ay tinig ni Jacob, nguni't ang mga kamay ay mga kamay ni Esau.
22Da trådte Jakob hen til sin Fader, og efter at have følt på ham sagde Isak: "Røsten er Jakobs, men Hænderne Esaus!"
23At hindi siya nakilala, sapagka't ang kaniyang kamay ay mabalahibo, gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid: at sa gayo'y binasbasan siya.
23Og han kendte ham ikke, fordi hans Hænder var hårede som hans Broder Esaus. Så velsignede han ham.
24At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga.
24Og han sagde: "Du er altså virkelig min Søn Esau?" Han svarede: "Ja, jeg er!"
25At kaniyang sinabi, Ilapit mo sa akin, at kakain ako ng usa ng aking anak, upang basbasan ka ng aking kaluluwa. At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya: at siya'y dinalhan niya ng alak, at uminom.
25Da sagde han: "Bring mig det, at jeg kan spise af min Søns Vildt, for at min Sjæl kan velsigne dig!" Så bragte han ham det, og han spiste, og han bragte ham Vin, og han drak.
26At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama, Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin, anak ko.
26Derpå sagde hans Fader Isak til ham: "Kom hen til mig og kys mig, min Søn!"
27At siya'y lumapit at humalik siya sa kaniya: at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot, at siya'y binasbasan, na sinabi, Narito, ang amoy ng aking anak Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon:
27Og da, han kom hen til ham og kyssede ham, mærkede han Duften af hans Klæder. Så velsignede han ham og sagde: "Se, Duften af min Søn er som Duften af en Mark, HERREN har velsignet!
28At bigyan ka ng Dios ng hamog ng langit, At ng taba ng lupa, At ng saganang trigo at alak:
28Gud give dig af Himmelens Væde og Jordens Fedme, Korn og Most i Overflod!
29Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo. At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo: Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid, At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina: Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo. At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo.
29Måtte Folkeslag tjene dig og Folkefærd bøje sig til Jorden for dig! Bliv Hersker over dine Brødre, og din Moders Sønner bøje sig til Jorden for dig! Forbandet, hvo dig forbander; velsignet, hvo dig velsigner!"
30At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli.
30Da Isak var færdig med at velsigne Jakob, og lige som Jakob var gået fra sin Fader Isak, vendte hans Broder Esau hjem fra Jagten;
31At siya ma'y gumawa ng masarap na pagkain, at dinala niya sa kaniyang ama; at sinabi niya sa kaniyang ama, Bumangon ang ama ko, at kumain ng usa ng kaniyang anak, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.
31også han lavede en lækker Ret Mad, bragte den til sin Fader og sagde: "Vil min Fader sætte sig op og spise af sin Søns Vildt, for at din Sjæl kan velsigne mig!"
32At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya, Sino ka? At kaniyang sinabi, Ako ang iyong anak, ang iyong panganay na si Esau.
32Så sagde hans Fader Isak: "Hvem er du?" Og han svarede: "Jeg er Esau, din førstefødte!"
33At nangilabot na mainam si Isaac, at sinabi, Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin, at ako'y kumain niyaon bago ka dumating, at aking binasbasan siya? oo, at siya'y magiging mapalad!
33Da blev Isak højlig forfærdet og sagde: "Men hvem var da han. der bragte mig et Stykke Vildt, som han havde skudt? Og jeg spiste, før du kom, og jeg velsignede ham og nu er og bliver han velsignet!"
34Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan: at sinabi sa kaniyang ama. Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko.
34Da Esau hørte sin Faders Ord: udstødte han et højt og hjerteskærende Skrig og sagde: "Velsign dog også mig, Fader!"
35At kaniyang sinabi, Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya, at kinuha ang basbas sa iyo.
35Men han sagde: "Din Broder kom med Svig og tog din Velsignelse!"
36At kaniyang sinabi, Hindi ba matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas.
36Da sagde han: "Har man kaldt ham Jakob, fordi han skulde overliste mig? Nu har han gjort det to Gange: Han tog min Førstefødselsret, og nu har han også taget min Velsignelse!" Og han sagde: "Har du ingen Velsignelse tilbage til mig?"
37At sumagot si Isaac, at sinabi kay Esau. Narito, inilagay ko siyang panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid; at sa trigo at sa bagong alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko?
37Men Isak svarede: "Se, jeg har sat ham til Hersker over dig, og alle hans Brødre har jeg gjort til hans Trælle, med Horn og Most. har jeg betænkt ham hvad kan jeg da gøre for dig, min Søn?"
38At sinabi ni Esau sa kaniyang ama, Wala ka ba, kundi isa lamang basbas, ama ko? Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. At humiyaw si Esau at umiyak.
38Da sagde Esau til sin Fader: "Har du kun den ene Velsignelse. Fader? Velsign også mig, Fader!" Og Esau opløftede sin Røst og græd.
39At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya, Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan, At sa hamog ng langit mula sa itaas;
39Så tog hans Fader Isak til Orde og sagde til ham: "Se, fjern fra Jordens Fedme skal din Bolig være og fjern fra Himmelens Væde ovenfra;
40At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka; At mangyayari na pagka nakalaya ka, Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya.
40af dit Sværd skal du leve, og din Broder skal du tjene; men når du samler din Kraft, skal du sprænge hans Åg af din Hals!"
41At kinapootan ni Esau si Jacob, dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama; at sinasabi ni Esau sa sarili, Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; kung magkagayo'y papatayin ko si Jacob na aking kapatid.
41Men Esau pønsede på ondt mod Jakob for den Velsignelse, hans Fader havde givet ham, og Esau sagde ved sig selv: "Der er ikke længe til, at vi skal holde Sorg over min Fader, så vil jeg slå min Broder Jakob ihjel!"
42At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob, na kaniyang bunso at sa kaniya'y sinabi, Narito, ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo, na inaakalang patayin ka.
42Da nu Rebekka fik Nys om sin ældste Søn Esaus Ord, sendte hun Bud efter sin yngste Søn Jakob og sagde til ham: "Din Broder Esau vil hævne sig på dig og slå dig ihjel;
43Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig; at bumangon ka, at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid, sa Haran;
43adlyd nu mig min Søn: Flygt til min Broder Laban i Karan
44At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid.
44og bliv så hos ham en Tid, til din Broders Harme lægger sig,
45Hanggang ang galit sa iyo, ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya: kung magkagayo'y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon: bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw?
45til din Broders Vrede vender sig fra dig, og han glemmer, hvad du har gjort ham; så skal jeg sende Bud og hente dig hjem. Hvorfor skal jeg miste eder begge på een Dag!"
46At sinabi ni Rebeca kay Isaac, Ako'y yamot na sa aking buhay, dahil sa mga anak na babae ni Heth: kung si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito, ng mga anak ng lupaing ito, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay?
46Men Rebekka sagde til Isak: "Jeg er led ved Livet for Hets Døtres Skyld; hvis Jakob tager sig sådan en hetitisk Kvinde, en af Landets Døtre, til Hustru, hvad skal jeg da med Livet!"