1At nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at sa Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,
1Og da de nærme sig Jerusalem til Bethfage og Betania ved Oliebjerget, udsender han to af sine Disciple og siger til dem:
2At sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno, na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao; inyong kalagin siya, at dalhin ninyo siya rito.
2"Går hen til den Landsby, som ligger lige for eder, og straks, når I komme ind i den, skulle I finde et Føl bundet, på hvilket der endnu aldrig har siddet noget Menneske; løser det og fører det hid!
3At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya rito.
3Og dersom nogen siger til eder: Hvorfor gøre I dette? da siger: Herren har Brug for det, og han sender det straks herhen igen."
4At sila'y nagsiyaon, at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan; at siya'y kanilang kinalag.
4Og de gik hen og fandt Føllet bundet ved Døren udenfor ved Gyden, og de løse det.
5At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila, Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno?
5Og nogle af dem, som stode der, sagde til dem: "Hvad gøre I, at I løse Føllet?"
6At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus: at pinabayaan nilang sila'y magsialis.
6Men de sagde til dem, ligesom Jesus havde sagt, og de tilstedte dem det.
7At dinala nila ang batang asno kay Jesus, at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit; at ito'y sinakyan ni Jesus.
7Og de føre Føllet til Jesus og lægge deres Klæder på det, og han satte sig på det.
8At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan; at ang mga iba'y ng mga sanga, na kanilang pinutol sa mga parang.
8Og mange bredte deres Klæder på Vejen, andre Kviste, som de afskare på Markerne.
9At ang nangasa unahan, at ang nagsisisunod, ay nangagsisigawan, Hosanna; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon:
9Og de, som gik foran, og de, som fulgte efter, råbte: "Hosanna! velsignet være den, som kommer, i Herrens Navn!
10Mapalad ang kahariang pumaparito, ang kaharian ng ating amang si David: Hosanna sa kataastaasan.
10Velsignet være vor Fader Davids Rige, som kommer, Hosanna i det højeste!"
11At pumasok siya sa Jerusalem, sa templo; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay, at palibhasa'y hapon na, ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa.
11Og han gik ind i Jerusalem, i Helligdommen, og da han havde beset alt, gik han, da det allerede var Aftenstid, ud til Bethania med de tolv.
12At sa kinabukasan, pagkaalis nila sa Betania, ay nagutom siya.
12Og den følgende Dag; da de gik ud fra Bethania, blev han hungrig.
13At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos.
13Og da han så et Figentræ langt borte, som havde Blade, gik han derhen, om han måske kunde finde noget derpå, og da han kom til det, fandt han intet uden Blade; thi det var ikke Figentid.
14At sumagot si Jesus at sinabi rito, Sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. At ito'y narinig ng kaniyang mga alagad.
14Og han tog til Orde og sagde til det: "Aldrig i Evighed skal nogen mere spise Frugt af dig!" Og hans Disciple hørte det.
15At nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati;
15Og de komme til Jerusalem; og han gik ind i Helligdommen og begyndte at uddrive dem, som solgte og købte i Helligdommen, og han væltede Vekselerernes Borde og Duekræmmernes Stole.
16At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo.
16Og han tilstedte ikke, at nogen bar nogen Ting igennem Helligdommen.
17At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
17Og han lærte og sagde til dem: "Er der ikke skrevet, at mit Hus skal kaldes et Bedehus for alle Folkeslagene? Men I have gjort det til en Røverkule."
18At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral.
18Og Ypperstepræsterne og de skriftkloge hørte det, og de søgte, hvorledes de kunde slå ham ihjel; thi de frygtede for ham, eftersom hele Skaren blev slagen af, Forundring over hans Lære.
19At gabi-gabi'y lumalabas siya sa bayan.
19Og da det blev Aften, gik han uden for Staden.
20At sa pagdaraan nila pagka umaga, ay nakita nila na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat.
20Og da de om Morgenen gik forbi, så de, at Figentræet var visnet fra Roden af.
21At sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya, Rabi, narito, ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo.
21Og Peter kom det i Hu og siger til ham; "Rabbi! se, Figentræet, som du forbandede, er visnet."
22At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios.
22Og Jesus svarede og siger til dem: "Haver Tro til Gud!
23Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang magsabi sa bundok na ito, Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso, kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya; ay kakamtin niya yaon.
23Sandelig, siger jeg eder, den, som siger til dette Bjerg: Løft dig op og; kast dig i Havet, og ikke tvivler i sit Hjerte, men tror, at det sker, som han siger, ham skal det ske.
24Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.
24Derfor siger jeg eder: Alt, hvad I bede om og begære, tror, at I have fået det, så skal det ske eder.
25At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.
25Og når I stå og bede, da forlader, dersom I have noget imod nogen, for at også eders Fader, som er i Himlene, må forlade eder eders Overtrædelser.
26Datapuwa't kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit.
26Men dersom I ikke forlade, skal eders Fader, som er i Himlene, ej heller forlade eders Overtrædelser"
27At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda;
27Og de komme atter til Jerusalem; og medens han gik omkring i Helligdommen, komme Ypperstepræsterne og de skriftkloge og de Ældste hen til ham.
28At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito?
28Og de sagde til ham: "Af hvad Magt gør du disse Ting? eller hvem har givet dig denne Magt til at gøre disse Ting?"
29At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
29Men Jesus sagde til dem: "Jeg vil spørge eder om een Ting, og svarer mig derpå, så vil jeg sige eder, af hvad Magt jeg gør disse Ting.
30Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako.
30Johannes's Dåb, var den fra Himmelen eller fra Mennesker? Svarer mig!"
31At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
31Og de tænkte ved sig selv og sagde: "Sige vi: Fra Himmelen, da vil han sige, hvorfor troede I ham da ikke?
32Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao-ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta.
32Men sige vi: Fra Mennesker" så frygtede de for Folket; thi alle holdt for, at Johannes virkelig var en Profet.
33At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
33Og de svare og sige til Jesus: "Vi vide det ikke." Og Jesus siger til dem: "Så siger jeg eder ikke heller, af hvad Magt jeg gør disse Ting."