Tagalog 1905

Danish

Matthew

21

1At nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad,
1Og da de nærmede sig Jerusalem og kom til Bethfage ved Oliebjerget, da udsendte Jesus to Disciple og sagde til dem:
2Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin.
2"Går hen i den Landsby, som ligger lige for eder; og straks skulle I finde en Aseninde bunden og et Føl hos hende; løser dem og fører dem til mig!
3At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila.
3Og dersom nogen siger noget til eder, da siger, at Herren har Brug for dem, så skal han straks sende dem."
4Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
4Men dette er sket, for at det skulde opfyldes, der er talt ved Profeten, som siger:
5Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, Na maamo, at nakasakay sa isang asno, At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.
5"Siger til Zions Datter: Se, din Konge kommer til dig, sagtmodig og ridende på et Asen og på et Trældyrs Føl."
6At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila,
6Men Disciplene gik hen og gjorde, som Jesus befalede dem;
7At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay.
7og de hentede Aseninden og Føllet og lagde deres Klæder på dem, og han satte sig derpå.
8At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan.
8Men de fleste af Folkeskaren bredte deres Klæder på Vejen, andre huggede Grene af Træerne og strøede dem på Vejen.
9At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.
9Men Skarerne, som gik foran ham og fulgte efter, råbte og sagde: "Hosanna Davids Søn! velsignet være den, som kommer, i Herrens Navn! Hosanna i det højeste!"
10At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito?
10Og da han drog ind i Jerusalem, kom hele Staden i Bevægelse og sagde: "Hvem er denne?"
11At sinabi ng mga karamihan, Ito'y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.
11Men Skarerne sagde: "Det er Profeten Jesus fra Nazareth i Galilæa."
12At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati;
12Og Jesus gik ind i Guds Helligdom og uddrev alle dem, som solgte og købte i Helligdommen, og han væltede Vekselerernes Borde og Duekræmmernes Stole.
13At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.
13Og han siger til dem: "Der er skrevet: Mit Hus skal kaldes et Bedehus; men I gøre det til en Røverkule."
14At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kaniyang pinagaling.
14Og der kom blinde og lamme til ham i Helligdommen, og han helbredte dem.
15Datapuwa't nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga katakatakang bagay na kaniyang ginawa, at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nangagsasabi, Hosana sa Anak ni David; ay nangagalit sila,
15Men da Ypperstepræsterne og de skriftkloge så de Undergerninger, som han gjorde, og Børnene, som råbte i Helligdommen og sagde: "Hosanna Davids Søn!" bleve de vrede og sagde til ham:
16At sinabi nila sa kaniya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni Jesus, Oo: kailan man baga'y hindi ninyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri?
16"Hører du, hvad disse sige?" Men Jesus siger til dem: "Ja! have I aldrig læst: Af umyndiges og diendes Mund har du beredt dig Lovsang?"
17At sila'y kaniyang iniwan, at pumaroon sa labas ng bayan sa Betania, at nakipanuluyan doon.
17Og han forlod dem og gik uden for Staden til Bethania og overnattede der.
18Pagka umaga nga nang siya'y bumabalik sa bayan, nagutom siya.
18Men da han om Morgenen igen gik ind til Staden, blev hen hungrig.
19At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos.
19Og han så et Figentræ ved Vejen og gik hen til det, og han fandt intet derpå uden Blade alene. Og han siger til det: "Aldrig i Evighed skal der vokse Frugt mere på dig!" Og Figentræet visnede straks.
20At nang makita ito ng mga alagad, ay nangagtaka sila, na nangagsasabi, Ano't pagdaka'y natuyo ang puno ng igos?
20Og da Disciplene så det, forundrede de sig og sagde: "Hvorledes kunde Figentræet straks visne?"
21At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y may pananampalataya, at di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari.
21Men Jesus svarede og sagde til dem: "Sandelig, siger jeg eder, dersom I have Tro og ikke tvivle, da skulle I ikke alene kunne gøre det med Figentræet, men dersom I endog sige til dette Bjerg: Løft dig op og kast dig i Havet, da skal det ske.
22At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.
22Og alt, hvad I begære i Bønnen troende, det skulle I få."
23At pagpasok niya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan, samantalang siya'y nagtuturo, at nangagsabi, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito?
23Og da han kom ind i Helligdommen, kom Ypperstepræsterne og Folkets Ældste hen til ham, medens han lærte, og de sagde: "Af hvad Magt gør du disse Ting, og hvem har givet dig denne Magt?"
24At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong, na kung inyong sasabihin sa akin, ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
24Men Jesus svarede og sagde til dem: "Også jeg vil spørge eder om een Ting, og dersom I sige mig det, vil også jeg sige eder, af hvad Magt jeg gør disse Ting.
25Ang bautismo ni Juan, saan baga nagmula? sa langit o sa mga tao? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Sa langit; sasabihin niya sa atin, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
25Johannes's Dåb, hvorfra var den? Fra Himmelen eller fra Mennesker?" Men de tænkte ved sig selv og sagde: "Sige vi: Fra Himmelen, da vil han sige til os: Hvorfor troede I ham da ikke?
26Datapuwa't kung sasabihin, Sa mga tao; nangatatakot tayo sa karamihan; sapagka't kinikilala ng lahat na propeta si Juan.
26Men sige vi: Fra Mennesker, frygte vi for Mængden; thi de holde alle Johannes for en Profet."
27At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. Kaniyang sinabi naman sa kanila, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
27Og de svarede Jesus og sagde: "Det vide vi ikke." Da sagde også han til dem: "Så siger ikke heller jeg eder, af hvad Magt jeg gør disse Ting.
28Datapuwa't ano sa akala ninyo? Isang taong may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan.
28Men hvad tykkes eder? En Mand havde to Børn; og han gik til den første og sagde: Barn! gå hen, arbejd i Dag i min Vingård!
29At sinagot niya at sinabi, Ayaw ko: datapuwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon.
29Men han svarede og sagde: Nej, jeg vil ikke; men bagefter fortrød han det og gik derhen.
30At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayon din ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon: at hindi naparoon.
30Og han gik til den anden og sagde ligeså. Men han svarede og sagde: Ja, Herre! og gik ikke derhen.
31Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama? Sinabi nila, Ang una. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios.
31Hvem af de to gjorde Faderens Villie?" De sige: "Den første." Jesus siger til dem: "Sandelig, siger jeg eder, at Toldere og Skøger gå forud for eder ind i Guds Rige.
32Sapagka't naparito si Juan sa inyo sa daan ng katuwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapuwa't pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kaniya.
32Thi Johannes kom til eder på Retfærdigheds Vej, og I troede ham ikke, men Toldere og Skøger troede ham; men endskønt I så det, fortrøde I det alligevel ikke bagefter, så I troede ham.
33Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
33Hører en anden Lignelse: Der var en Husbond, som plantede en Vingård og satte et Gærde omkring den og gravede en Perse i den og byggede et Tårn; og han lejede den ud til Vingårdsmænd og drog udenlands.
34At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.
34Men da Frugttiden nærmede sig, sendte han sine Tjenere til Vingårdsmændene for at få dens Frugter.
35At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa'y pinatay, at ang isa'y binato.
35Og Vingårdsmændene grebe hans Tjenere, og en sloge de, en dræbte de, og en stenede de.
36Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.
36Atter sendte han andre Tjenere hen, flere end de første; og de gjorde ligeså med dem.
37Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.
37Men til sidst sendte han sin Søn til dem og sagde: De ville undse sig for min Søn.
38Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.
38Men da Vingårdsmændene så Sønnen, sagde de til hverandre: Det er Arvingen; kommer lader os slå ham ihjel og få hans Arv!
39At siya'y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya.
39Og de grebe ham og kastede ham ud af Vingården og sloge ham ihjel.
40Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?
40Når da Vingårdens Herre kommer, hvad vil han så gøre med disse Vingårdsmænd?"
41Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.
41De sige til ham: "Ilde vil han ødelægge de onde og leje sin Vingård ud til andre Vingårdsmænd, som ville give ham Frugterne i deres Tid."
42Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?
42Jesus siger til dem: "Have I aldrig læst i Skrifterne: Den Sten, som Bygningsmændene forkastede, den er bleven til en Hovedhjørnesten; fra Herren er dette kommet, og det er underligt for vore Øjne.
43Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.
43Derfor siger jeg eder, at Guds Rige skal tages fra eder og gives til et Folk, som bærer dets Frugter.
44At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.
44Og den, som falder på denne Sten, skal slå sig sønder; men hvem den falder på, ham skal den knuse."
45At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan.
45Og da Ypperstepræsterne og Farisæerne hørte hans Lignelser, forstode de, at han talte om dem.
46At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito na siya'y propeta.
46Og de søgte at gribe ham, men frygtede for Skarerne; thi de holdt ham for en Profet.