1At nagsalita si Saul kay Jonathan na kaniyang anak, at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, na kanilang patayin si David. Nguni't si Jonathan na anak ni Saul ay naliligayang mainam kay David.
1And Saul spoke to Jonathan his son, and to all his servants, that they should slay David.
2At isinaysay ni Jonathan kay David, na sinasabi, Pinagsisikapan ni Saul na aking ama na patayin ka: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na magingat ka sa kinaumagahan, at manatili sa isang lihim na dako, at magtago ka:
2But Jonathan Saul's son delighted much in David. And Jonathan told David, saying, Saul my father seeks to kill thee; and now, I pray thee, take heed to thyself in the morning, and abide in a secret place and hide thyself;
3At ako'y lalabas at tatayo sa siping ng aking ama sa parang na iyong kinaroroonan, at ako'y makikipagusap sa aking ama ng tungkol sa iyo; at kung may makita akong anoman, ay aking sasaysayin sa iyo.
3and I will go out and stand beside my father in the field where thou art, and will speak of thee with my father: and see what it is, and tell thee.
4At nagsalita si Jonathan kay Saul na kaniyang ama, ng mabuti tungkol kay David, at sinabi sa kaniya, Huwag magkasala ang hari laban sa kaniyang lingkod na si David; sapagka't hindi siya nagkasala laban sa iyo; at sapagka't ang kaniyang mga gawa ay naging mabuti sa iyo:
4And Jonathan spoke good of David to Saul his father, and said to him, Let not the king sin against his servant, against David, because he has not sinned against thee; for also what he did was very advantageous to thee;
5Sapagka't kaniyang ipinain ang kaniyang buhay, at sinaktan ang Filisteo, at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel: nakita mo at nagalak ka; bakit nga magkakasala ka laban sa walang salang dugo, na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan?
5for he put his life in hand, and smote the Philistine, and Jehovah wrought a great salvation for all Israel: thou didst see [it], and didst rejoice; why then wilt thou sin against innocent blood, in slaying David without cause?
6At dininig ni Saul ang tinig ni Jonathan; at sumumpa si Saul: Buhay ang Panginoon, siya'y hindi papatayin.
6And Saul hearkened to the voice of Jonathan, and Saul swore, [As] Jehovah liveth, he shall not be put to death!
7At tinawag ni Jonathan si David, at isinaysay ni Jonathan sa kaniya ang lahat ng mga bagay na yaon. At dinala ni Jonathan si David kay Saul, at siya'y lumagay sa kaniyang harap, na gaya ng dati.
7Then Jonathan called David, and Jonathan declared to him all those things. And Jonathan brought David to Saul, and he was in his presence as previously.
8At nagkaroong muli ng digma: at lumabas si David, at nakipaglaban sa mga Filisteo, at pumatay sa kanila ng malaking pagpatay; at sila'y tumakas sa harap niya.
8And there was war again; and David went forth and fought with the Philistines, and smote them with a great slaughter; and they fled before him.
9At isang espiritung masama na mula sa Panginoon ay suma kay Saul, nang siya'y nakaupo sa kaniyang bahay na tangan niya ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay; at tumugtog si David sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
9And an evil spirit from Jehovah was upon Saul. And he sat in his house with his spear in his hand; and David played with his hand.
10At pinagsikapan ni Saul na tuhugin ng sibat si David sa dinding; nguni't siya'y nakatakas sa harap ni Saul at ang kaniyang tinuhog ng sibat ay ang dinding: at tumakas si David at tumanan ng gabing yaon.
10And Saul sought to smite David and the wall with the spear; but he slipped away out of Saul's presence, and he smote the spear into the wall. And David fled, and escaped that night.
11At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David, upang siya'y bantayan, at siya'y patayin sa kinaumagahan: at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David, na sinasabi, Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka.
11And Saul sent messengers to David's house, to watch him, and to slay him in the morning; and Michal David's wife told him, saying, If thou save not thy life to-night, to-morrow thou wilt be put to death.
12Kaya inihugos ni Michal si David sa isang dungawan, at siya'y yumaon, at tumakas, at tumanan.
12And Michal let David down through a window; and he went, and fled and escaped.
13At kinuha ni Michal ang mga terap, at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing, at tinakpan ng mga kumot.
13And Michal took the image, and laid it in the bed, and put the net of goats' [hair] at its head, and covered it with the coverlet.
14At nang magsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David, kaniyang sinabi, Siya'y may sakit.
14And Saul sent messengers to take David, and she said, He is sick.
15At nagsugo si Saul ng mga sugo upang tingnan si David, na sinasabi, Ipanhik ninyo siya sa akin na nasa kaniyang higaan, upang aking patayin siya.
15And Saul sent the messengers to see David, saying, Bring him up to me in the bed, that I may put him to death.
16At nang pumasok ang mga sugo, narito, ang mga terap at nasa higaan, pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon.
16And the messengers came in, and behold, the image was in the bed, and the net of goats' [hair] at its head.
17At sinabi ni Saul kay Michal, Bakit mo ako dinaya ng ganiyan, at iyong pinaalis ang aking kaaway, na anopa't siya'y nakatanan? At sumagot si Michal kay Saul, Kaniyang sinabi sa akin: Bayaan mo akong yumaon: bakit kita papatayin?
17Then Saul said to Michal, Why hast thou deceived me so, and sent away mine enemy, that he is escaped? And Michal said to Saul, He said to me, Let me go; why should I slay thee?
18Si David nga ay tumakas, at tumanan, at naparoon kay Samuel sa Rama, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya. At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth.
18And David fled, and escaped, and came to Samuel to Ramah, and told him all that Saul had done to him. And he and Samuel went and dwelt in Naioth.
19At nasaysay kay Saul na sinasabi, Narito si David ay nasa Najoth sa Rama.
19And it was told Saul, saying, Behold, David is at Naioth by Ramah.
20At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David: at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula, at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila, ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul, at sila naman ay nanganghula.
20Then Saul sent messengers to take David; and they saw a company of prophets prophesying, and Samuel standing as president over them; and the Spirit of God came upon the messengers of Saul, and they also prophesied.
21At nang maisaysay kay Saul, siya'y nagsugo ng ibang mga sugo, at sila man ay nanganghula. At si Saul ay nagsugo uli ng mga sugo na ikaitlo, at sila man ay nanganghula.
21And it was told Saul, and he sent other messengers, and they also prophesied. And Saul sent messengers again the third time, and they also prophesied.
22Nang magkagayo'y naparoon din naman siya sa Rama, at dumating sa dakilang balon na nasa Socho: at siya'y tumanong, at nagsabi, Saan naroon si Samuel at si David? At sinabi ng isa, Narito, sila'y nasa Najoth sa Rama.
22Then went he also to Ramah, and came to the great well that is in Sechu; and he asked and said, Where are Samuel and David? And one said, Behold, at Naioth by Ramah.
23At siya'y naparoon doon sa Najoth sa Rama: at ang Espiritu ng Dios ay dumating din sa kaniya, at siya'y nagpatuloy, at nanghula hanggang sa siya'y dumating sa Najoth sa Rama.
23And he went thither to Naioth by Ramah; and the Spirit of God came upon him also, and he went on, and prophesied, until he came to Naioth by Ramah.
24At siya rin nama'y naghubad ng kaniyang mga suot, at siya man ay nanghula sa harap ni Samuel, at nahigang hubad sa buong araw na yaon at sa buong gabing yaon. Kaya't kanilang sinasabi, Pati ba si Saul ay nasa gitna ng mga propeta?
24And he himself also stripped off his clothes, and prophesied, himself also, before Samuel, and lay down naked all that day and all that night. Wherefore they say, Is Saul also among the prophets?