1At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan.
1And the ark of Jehovah was in the country of the Philistines seven months.
2At tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako.
2And the Philistines called for the priests and the diviners, saying, What shall we do with the ark of Jehovah? tell us wherewith we shall send it to its place.
3At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay huwag ninyong ipadalang walang laman; kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.
3And they said, If ye send away the ark of the God of Israel, send it not empty; ye must at any rate return him a trespass-offering: then ye shall be healed, and it shall be known to you why his hand is not removed from you.
4Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.
4Then they said, What is the trespass-offering which we shall return to him? And they said, Five golden hemorrhoids, and five golden mice, the number of the lords of the Philistines; for one plague is upon them all, and upon your lords.
5Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na sumira ng lupain, at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain.
5And ye shall make images of your hemorrhoids, and images of your mice that destroy the land, and give glory to the God of Israel: perhaps he will lighten his hand from off you, and from off your gods, and from off your land.
6Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso, na gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila, di ba nila pinayaon ang bayan, at sila'y yumaon?
6And why will ye harden your heart, as the Egyptians and Pharaoh hardened their heart? When he had wrought mightily among them, did they not let them go, and they departed?
7Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo, at dalawang bagong bakang gatasan, na hindi napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo, at iuwi ninyo ang kanilang mga guya.
7And now make a new cart, and take two milch kine, on which there has come no yoke, and tie the kine to the cart, and bring their calves home from them;
8At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, at isilid ninyo sa karo; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at inyong ipadala upang yumaon.
8and take the ark of Jehovah, and lay it upon the cart, and the golden jewels, which ye return him as a trespass-offering, put in the coffer by the side thereof; and send it away that it may go.
9At tingnan ninyo; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa Beth-semes, ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito: nguni't kung hindi, malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin; isang pagkakataong nangyari sa atin.
9And see, if it go up by the way of its own border to Beth-shemesh, it is he who has done us this great evil; if not, then we shall know that it is not his hand that touched us; it was a chance [that] happened to us.
10At ginawang gayon ng mga lalake, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan, at mga ikinabit sa karo, at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay:
10And the men did so, and took two milch kine, and tied them to the cart, and shut up their calves at home.
11At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol.
11And they laid the ark of Jehovah upon the cart, and the coffer with the golden mice and the images of their sores.
12At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes; sila'y nagpatuloy sa lansangan, na umuungal habang yumayaon, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes.
12And the kine went straight forward on the way to Beth-shemesh; they went by the one high way, lowing as they went; and they turned not aside to the right hand or to the left; and the lords of the Philistines went after them as far as the border of Beth-shemesh.
13At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon.
13And [they of] Beth-shemesh were reaping the wheat-harvest in the valley; and they lifted up their eyes and saw the ark, and rejoiced to see it.
14At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita, at tumayo roon, sa kinaroroonan ng isang malaking bato: at kanilang biniyak ang kahoy ng karo, at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin.
14And the cart came into the field of Joshua the Beth-shemeshite, and stood there; and a great stone was there. And they clave the wood of the cart, and offered up the kine as a burnt-offering to Jehovah.
15At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon.
15And the Levites took down the ark of Jehovah, and the coffer that was with it, in which were the golden jewels, and put them on the great stone; and the men of Beth-shemesh offered up burnt-offerings and sacrificed sacrifices the same day to Jehovah.
16At nang makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa Ecron nang araw ding yaon.
16And the five lords of the Philistines saw [it], and returned to Ekron the same day.
17At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: sa Asdod ay isa, sa Gaza ay isa, sa Ascalon ay isa, sa Gath ay isa, sa Ecron ay isa;
17And these are the golden sores which the Philistines returned as a trespass-offering to Jehovah: for Ashdod one, for Gazah one, for Ashkelon one, for Gath one, for Ekron one;
18At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita.
18and the golden mice, [according to] the number of all the cities of the Philistines belonging to the five lords, both fortified cities and villages of the peasantry; [and they brought them] as far as the great [stone of] Abel, whereon they set down the ark of Jehovah, [which] is to this day in the field of Joshua the Beth-shemeshite.
19At sumakit ang Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.
19And he smote among the men of Beth-shemesh, because they had looked into the ark of Jehovah, and smote of the people seventy men; and the people lamented, because Jehovah had smitten the people with a great slaughter.
20At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin?
20And the men of Beth-shemesh said, Who is able to stand before Jehovah, this holy God? and to whom shall he go up from us?
21At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.
21And they sent messengers to the inhabitants of Kirjath-jearim, saying, The Philistines have brought again the ark of Jehovah; come down, fetch it up to you.