Tagalog 1905

Darby's Translation

Acts

21

1At nang mangyaring kami'y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa'y ang Rodas, at buhat doo'y ang Patara:
1And when, having got away from them, we at last sailed away, we came by a direct course to Cos, and on the morrow to Rhodes, and thence to Patara.
2At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag.
2And having found a ship passing over into Phoenicia, we went on board and sailed;
3At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.
3and having sighted Cyprus, and left it on the left hand, we sailed to Syria, and made the land at Tyre, for there the ship was to discharge her cargo.
4At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.
4And having found out the disciples, we remained there seven days; who said to Paul by the Spirit not to go up to Jerusalem.
5At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;
5But when we had completed the days, we set out and took our journey, all of them accompanying us, with wives and children, till [we were] out of the city. And kneeling down upon the shore we prayed.
6At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.
6And having embraced one another, we went on board ship, and they returned home.
7At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw.
7And we, having completed the voyage, arrived from Tyre at Ptolemais, and having saluted the brethren, we remained one day with them.
8At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya.
8And leaving on the morrow, we came to Caesarea; and entering into the house of Philip the evangelist, who was of the seven, we abode with him.
9Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, na nagsisipanghula.
9Now this man had four virgin daughters who prophesied.
10At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang Agabo.
10And as we stayed there many days, a certain man, by name Agabus, a prophet, came down from Judaea,
11At paglapit sa amin, at pagkakuha ng pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil.
11and coming to us and taking the girdle of Paul, and having bound his own hands and feet, said, Thus saith the Holy Spirit, The man whose this girdle is shall the Jews thus bind in Jerusalem, and deliver him up into the hands of [the] Gentiles.
12At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem.
12And when we heard these things, both we and those of the place besought [him] not to go up to Jerusalem.
13Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.
13But Paul answered, What do ye, weeping and breaking my heart? for *I* am ready not only to be bound, but also to die at Jerusalem for the name of the Lord Jesus.
14At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon.
14And when he would not be persuaded, we were silent, saying, The will of the Lord be done.
15At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem.
15And after these days, having got our effects ready, we went up to Jerusalem.
16At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad, at kanilang isinama ang isang Mnason, na taga Chipre, isa sa mga kaunaunahang alagad, na sa kaniya kami magsisipanuluyan.
16And [some] of the disciples from Caesarea went with us, bringing [with them] a certain Mnason, a Cyprian, an old disciple, with whom we were to lodge.
17At nang magsidating kami sa Jerusalem, ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan.
17And when we arrived at Jerusalem the brethren gladly received us.
18At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay Santiago; at ang lahat ng mga matanda ay nangaroroon.
18And on the morrow Paul went in with us to James, and all the elders came there.
19At nang sila'y mangabati na niya, ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio.
19And having saluted them, he related one by one the things which God had wrought among the nations by his ministry.
20At sila, nang kanilang marinig yaon, ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya'y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan.
20And they having heard [it] glorified God, and said to him, Thou seest, brother, how many myriads there are of the Jews who have believed, and all are zealous of the law.
21At nabalitaan nila tungkol sa iyo, na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises, na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian.
21And they have been informed concerning thee, that thou teachest all the Jews among the nations apostasy from Moses, saying that they should not circumcise their children, nor walk in the customs.
22Ano nga baga ito? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka.
22What is it then? a multitude must necessarily come together, for they will hear that thou art come.
23Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili;
23This do therefore that we say to thee: We have four men who have a vow on them;
24Isama mo sila, maglinis kang kasama nila, at pagbayaran mo ang kanilang magugugol, upang sila'y mangagpaahit ng kanilang mga ulo: at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.
24take these and be purified with them, and pay their expenses, that they may have their heads shaved; and all will know that [of those things] of which they have been informed about thee nothing is [true]; but that thou thyself also walkest orderly, keeping the law.
25Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.
25But concerning [those of] the nations who have believed, we have written, deciding that they should [observe no such thing, only to] keep themselves both from things offered to idols, and from blood, and from things strangled, and from fornication.
26Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila ay pumasok sa templo, na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis, hanggang sa ihain ang haing patungkol sa bawa't isa sa kanila.
26Then Paul, taking the men, on the next day, having been purified, entered with them into the temple, signifying the time the days of the purification would be fulfilled, until the offering was offered for every one of them.
27At nang halos tapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga Asia, nang siya'y makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siya'y kanilang dinakip,
27And when the seven days were nearly completed, the Jews from Asia, having seen him in the temple, set all the crowd in a tumult, and laid hands upon him,
28Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at dinungisan itong dakong banal.
28crying, Israelites, help! this is the man who teaches all everywhere against the people, and the law, and this place, and has brought Greeks too into the temple, and profaned this holy place.
29Sapagka't nakita muna nila na kasama niya sa bayan si Trofimo taga Efeso, na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo.
29For they had before seen Trophimus the Ephesian with him in the city, whom they supposed that Paul had brought into the temple.
30At ang buong bayan ay napakilos, at ang mga tao'y samasamang nagsipanakbuhan; at kanilang sinunggaban si Pablo, at siya'y kinaladkad na inilabas sa templo: at pagdaka'y inilapat ang mga pinto.
30And the whole city was moved, and there was a concourse of the people; and having laid hold on Paul they drew him out of the temple, and immediately the doors were shut.
31At samantalang pinagpipilitan nilang siya'y patayin, ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong, na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan.
31And as they were seeking to kill him, a representation came to the chiliarch of the band that the whole of Jerusalem was in a tumult;
32At pagdaka'y kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo.
32who, taking with him immediately soldiers and centurions, ran down upon them. But they, seeing the chiliarch and the soldiers, ceased beating Paul.
33Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at siya'y ipinagapos ng dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.
33Then the chiliarch came up and laid hold upon him, and commanded [him] to be bound with two chains, and inquired who he might be, and what he had done.
34At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa kuta.
34And different persons cried some different thing in the crowd. But he, not being able to know the certainty on account of the uproar, commanded him to be brought into the fortress.
35At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan;
35But when he got upon the stairs it was so that he was borne by the soldiers on account of the violence of the crowd.
36Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, Alisin siya.
36For the multitude of the people followed, crying, Away with him.
37At nang ipapasok na si Pablo sa kuta, ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan, Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman? At sinabi niya, Marunong ka baga ng Griego?
37But as he was about to be led into the fortress, Paul says to the chiliarch, Is it allowed me to say something to thee? And he said, Dost thou know Greek?
38Hindi nga baga ikaw yaong Egipcio, na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao?
38Thou art not then that Egyptian who before these days raised a sedition and led out into the wilderness the four thousand men of the assassins?
39Datapuwa't sinabi ni Pablo, Ako'y Judio, na taga Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan: at ipinamamanhik ko sa iyo, na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan.
39But Paul said, *I* am a Jew of Tarsus, citizen of no insignificant city of Cilicia, and I beseech of thee, allow me to speak to the people.
40At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi,
40And when he had allowed him, Paul, standing on the stairs, beckoned with his hand to the people; and a great silence having been made, he addressed them in the Hebrew tongue, saying,