1Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,
1But Saul, still breathing out threatenings and slaughter against the disciples of the Lord, came to the high priest
2At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.
2and asked of him letters to Damascus, to the synagogues, so that if he found any who were of the way, both men and women, he might bring [them] bound to Jerusalem.
3At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:
3But as he was journeying, it came to pass that he drew near to Damascus; and suddenly there shone round about him a light out of heaven,
4At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
4and falling on the earth he heard a voice saying to him, Saul, Saul, why dost thou persecute me?
5At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:
5And he said, Who art thou, Lord? And he [said], *I* am Jesus, whom *thou* persecutest.
6Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.
6But rise up and enter into the city, and it shall be told thee what thou must do.
7At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.
7But the men who were travelling with him stood speechless, hearing the voice but beholding no one.
8At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.
8And Saul rose up from the earth, and his eyes being opened he saw no one. But leading [him] by the hand they brought him into Damascus.
9At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.
9And he was three days without seeing, and neither ate nor drank.
10Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.
10And there was a certain disciple in Damascus by name Ananias. And the Lord said to him in a vision, Ananias. And he said, Behold, [here am] I, Lord.
11At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;
11And the Lord [said] to him, Rise up and go into the street which is called Straight, and seek in the house of Judas one by name Saul, [he is] of Tarsus: for, behold, he is praying,
12At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.
12and has seen [in a vision] a man by name Ananias coming in and putting his hand on him, so that he should see.
13Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem:
13And Ananias answered, Lord, I have heard from many concerning this man how much evil he has done to thy saints at Jerusalem;
14At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.
14and here he has authority from the chief priests to bind all who call upon thy name.
15Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:
15And the Lord said to him, Go, for this [man] is an elect vessel to me, to bear my name before both nations and kings and [the] sons of Israel:
16Sapagka't sa kaniya'y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.
16for *I* will shew to him how much he must suffer for my name.
17At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo.
17And Ananias went and entered into the house; and laying his hands upon him he said, Saul, brother, the Lord has sent me, Jesus that appeared to thee in the way in which thou camest, that thou mightest see, and be filled with [the] Holy Spirit.
18At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan;
18And straightway there fell from his eyes as it were scales, and he saw, and rising up was baptised;
19At siya'y kumain at lumakas. At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.
19and, having received food, got strength. And he was with the disciples who [were] in Damascus certain days.
20At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.
20And straightway in the synagogues he preached Jesus that *he* is the Son of God.
21At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay naparito siya, upang sila'y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote.
21And all who heard were astonished and said, Is not this *he* who destroyed in Jerusalem those who called on this name, and here was come for this purpose, that he might bring them bound to the chief priests?
22Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
22But Saul increased the more in power, and confounded the Jews who dwelt in Damascus, proving that this is the Christ.
23At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:
23Now when many days were fulfilled, the Jews consulted together to kill him.
24Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:
24But their plot became known to Saul. And they watched also the gates both day and night, that they might kill him;
25Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.
25but the disciples took him by night and let him down through the wall, lowering him in a basket.
26At nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad,
26And having arrived at Jerusalem he essayed to join himself to the disciples, and all were afraid of him, not believing that he was a disciple.
27Datapuwa't kinuha siya ni Bernabe, at siya'y iniharap sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.
27But Barnabas took him and brought him to the apostles, and related to them how he had seen the Lord in the way, and that he had spoken to him, and how in Damascus he had spoken boldly in the name of Jesus.
28At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem,
28And he was with them coming in and going out at Jerusalem,
29Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.
29and speaking boldly in the name of the Lord. And he spoke and discussed with the Hellenists; but they sought to kill him.
30At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa Cesarea, at siya'y sinugo nila sa Tarso.
30And the brethren knowing it, brought him down to Caesarea and sent him away to Tarsus.
31Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.
31The assemblies then throughout the whole of Judaea and Galilee and Samaria had peace, being edified and walking in the fear of the Lord, and were increased through the comfort of the Holy Spirit.
32At nangyari, na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako, siya'y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda.
32Now it came to pass that Peter, passing through all [quarters], descended also to the saints who inhabited Lydda.
33At doo'y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas, na walo nang taong sumasabanig; sapagka't siya'y lumpo.
33And he found there a certain man, Aeneas by name, who had been lying for eight years upon a couch, who was paralysed.
34At sinabi sa kaniya ni Pedro, Eneas, pinagagaling ka ni Jesucristo: magtindig ka, at husayin mo ang iyong higaan. At pagdaka'y nagtindig siya.
34And Peter said to him, Aeneas, Jesus, the Christ, heals thee: rise up, and make thy couch for thyself. And straightway he rose up.
35At siya'y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila'y nangagbalik-loob sa Panginoon.
35And all who inhabited Lydda and the Saron saw him, who turned to the Lord.
36Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang babaing ito'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa.
36And in Joppa there was a certain female disciple, by name Tabitha, which being interpreted means Dorcas. She was full of good works and alms-deeds which she did.
37At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.
37And it came to pass in those days that she grew sick and died; and, having washed her, they put her in [the] upper room.
38At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.
38But Lydda being near to Joppa, the disciples having heard that Peter was there, sent two men to him, beseeching him, Thou must not delay coming to us.
39At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.
39And Peter rising up went with them, whom, when arrived, they brought up into the upper chamber; and all the widows stood by him weeping and shewing him the body-coats and garments which Dorcas had made while she was with them.
40Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.
40But Peter, putting them all out, and kneeling down, prayed. And, turning to the body, he said, Tabitha, arise. And she opened her eyes, and, seeing Peter, sat up.
41At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay.
41And having given her [his] hand, he raised her up, and having called the saints and the widows, presented her living.
42At ito'y nabansag sa buong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon.
42And it became known throughout the whole of Joppa, and many believed on the Lord.
43At nangyari, na siya'y nanahang maraming mga araw sa Joppe, na kasama ni Simong mangluluto ng balat.
43And it came to pass that he remained many days in Joppa with a certain Simon, a tanner.