1At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
1And at that time shall Michael stand up, the great prince who standeth for the children of thy people; and there shall be a time of distress, such as never was since there was a nation until that time. And at that time thy people shall be delivered, every one that is found written in the book.
2At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
2And many of them that sleep in the dust of the earth shall awake, some to everlasting life, and some to shame, to everlasting contempt.
3At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.
3And they that are wise shall shine as the brightness of the expanse; and they that turn the many to righteousness as the stars, for ever and ever.
4Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
4And thou, Daniel, close the words, and seal the book, till the time of the end. Many shall run to and fro, and knowledge shall be increased.
5Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon.
5And I Daniel looked, and behold, there stood other two, the one on this side, on the bank of the river, and the other on that side, on the bank of the river.
6At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito?
6And he said to the man clothed in linen, who was above the waters of the river, How long [is it to] the end of these wonders?
7At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.
7And I heard the man clothed in linen, who was above the waters of the river; and he held up his right hand and his left hand unto the heavens, and swore by him that liveth for ever that it is for a time, times, and a half; and when the scattering of the power of the holy people shall be accomplished, all these things shall be finished.
8At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?
8And I heard, but I understood not. And I said, My lord, what shall be the end of these things?
9At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.
9And he said, Go thy way, Daniel; for these words are closed and sealed till the time of the end.
10Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.
10Many shall be purified, and be made white, and be refined; but the wicked shall do wickedly: and none of the wicked shall understand; but the wise shall understand.
11At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.
11And from the time that the continual [sacrifice] is taken away, and the abomination that maketh desolate set up, [there shall be] a thousand, two hundred, and ninety days.
12Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.
12Blessed is he that waiteth, and cometh to the thousand three hundred and thirty-five days!
13Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw.
13But do thou go thy way until the end; and thou shalt rest, and stand in thy lot at the end of the days.