1At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.
1And now, Israel, hearken to the statutes and to the ordinances which I teach you, to do [them], that ye may live, and go in and possess the land which Jehovah the God of your fathers giveth you.
2Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.
2Ye shall not add to the word which I command you, neither shall ye take from it, that ye may keep the commandments of Jehovah your God which I command you.
3Nakita ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon tungkol kay Baal-peor, sapagka't lahat ng mga tao na sumunod kay Baal-peor, ay nilipol ng Panginoon mong Dios sa gitna mo.
3Your eyes have seen what Jehovah did because of Baal-Peor; for all the men that followed Baal-Peor, Jehovah thy God hath destroyed them from among you;
4Nguni't kayong umayon sa Panginoon ninyong Dios ay nangabubuhay pa ang bawa't isa sa inyo sa araw na ito.
4but ye that did cleave to Jehovah your God are alive every one of you this day.
5Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin.
5See, I have taught you statutes and ordinances, even as Jehovah my God commanded me, that ye may do so in the land into which ye enter to possess it.
6Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.
6And ye shall keep and do them; for that will be your wisdom and your understanding before the eyes of the peoples that shall hear all these statutes, and say, Verily this great nation is a wise and understanding people.
7Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?
7For what great nation is there that hath God near to them as Jehovah our God is in everything we call upon him for?
8At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?
8And what great nation is there that hath righteous statutes and ordinances, as all this law which I set before you this day?
9Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;
9Only take heed to thyself, and keep thy soul diligently, lest thou forget the things that thine eyes have seen (and lest they depart from thy heart all the days of thy life; but thou shalt make them known to thy sons and to thy sons' sons),
10Yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.
10the day that thou stoodest before Jehovah thy God in Horeb, when Jehovah said to me, Gather me the people together, that I may cause them to hear my words, that they may learn them, and fear me all the days that they live upon the earth, and teach them to their children.
11At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman.
11And ye came near and stood under the mountain; and the mountain burned with fire to the heart of heaven, with darkness, clouds, and obscurity.
12At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni't wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig.
12And Jehovah spoke to you from the midst of the fire: ye heard the voice of the words, but ye saw no form; only [ye heard] a voice.
13At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.
13And he declared to you his covenant, which he commanded you to do, the ten words; and he wrote them on two tables of stone.
14At iniutos sa akin ng Panginoon nang panahong yaon, na turuan ko kayo ng mga palatuntunan at mga kahatulan, upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin.
14And Jehovah commanded me at that time to teach you statutes and ordinances, that ye might do them in the land whither ye are passing over to possess it.
15Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:
15And take great heed to your souls (for ye saw no form on the day that Jehovah spoke to you in Horeb from the midst of the fire),
16Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,
16lest ye corrupt yourselves, and make you a graven image, the form of any figure, the pattern of male or female,
17Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,
17the pattern of any beast that is on the earth, the pattern of any winged fowl that flieth in the heaven,
18Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa:
18the pattern of anything that creepeth on the ground, the pattern of any fish that is in the waters under the earth;
19At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.
19and lest thou lift up thine eyes to the heavens, and see the sun, and the moon, and the stars, the whole host of heaven, and be drawn away and bow down to them and serve them, which Jehovah thy God hath assigned unto all peoples under the whole heaven.
20Nguni't kinuha kayo ng Panginoon, at hinango kayo sa hurnong bakal, sa Egipto, upang kayo'y maging sa kaniya'y isang bayang mana, gaya sa araw na ito.
20But you hath Jehovah taken, and hath brought you forth out of the iron furnace, out of Egypt, that ye might be to him a people of inheritance, as it is this day.
21Bukod dito'y nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyo, at sumumpa na ako'y hindi tatawid sa Jordan, at hindi ako papasok sa mabuting lupaing yaon, na ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyo na pinakamana:
21And Jehovah was angry with me on your account, and swore that I should not go over the Jordan, and that I should not enter in to that good land which Jehovah thy God giveth thee [for] an inheritance;
22Kundi ako'y nararapat mamatay sa lupaing ito, ako'y hindi nararapat tumawid sa Jordan: nguni't kayo'y tatawid, at inyong aariin ang mabuting lupaing yaon.
22for I shall die in this land, I shall not go over the Jordan; but ye shall go over, and possess this good land.
23Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.
23Take heed to yourselves lest ye forget the covenant of Jehovah your God, which he made with you, and make yourselves a graven image, the form of anything which Jehovah thy God hath forbidden thee.
24Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga.
24For Jehovah thy God is a consuming fire, a jealous ùGod.
25Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay, at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios, upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan:
25When thou begettest sons, and sons' sons, and ye have remained long in the land, and shall corrupt yourselves, and make a graven image, the form of anything, and do evil in the sight of Jehovah thy God, to provoke him to anger,
26Ay aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan, upang ariin: hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw, kundi kayo'y lubos na malilipol.
26I call heaven and earth to witness against you this day, that ye shall soon utterly perish from off the land whereunto ye pass over the Jordan to possess it: ye shall not prolong your days on it, but shall be utterly destroyed.
27At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.
27And Jehovah will scatter you among the peoples, and ye shall be left a small company among the nations to which Jehovah will lead you.
28At doo'y maglilingkod kayo sa mga dios, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy.
28And ye shall there serve gods, the work of men's hands, wood and stone, which neither see, nor hear, nor eat, nor smell.
29Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa.
29And from thence ye shall seek Jehovah thy God, and thou shalt find him, if thou shalt seek him with thy whole heart and with thy whole soul.
30Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo sa mga huling araw, ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios, at iyong didinggin ang kaniyang tinig.
30In thy tribulation, and when all these things shall come upon thee, at the end of days, thou shalt return to Jehovah thy God, and shalt hearken to his voice,
31Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay maawaing Dios; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila.
31-- for Jehovah thy God is a merciful ùGod, -- he will not forsake thee, neither destroy thee, nor forget the covenant of thy fathers which he swore unto them.
32Sapagka't ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito?
32For ask now of the days that are past, which were before thee, since the day that God created man on the earth, and from one end of the heavens to the other end of the heavens, whether there hath been anything as this great thing is, or if anything hath been heard like it?
33Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabuhay?
33Did [ever] people hear the voice of God speaking from the midst of the fire, as thou hast heard, and live?
34O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga tukso, ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata?
34Or hath God essayed to come to take him a nation from the midst of a nation, by trials, by signs, and by wonders, and by war, and by a powerful hand, and by a stretched-out arm, and by great terrors, according to all that Jehovah your God did for you in Egypt before your eyes?
35Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.
35Unto thee it was shewn, that thou mightest know that Jehovah, he is God -- there is none other besides him.
36Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kaniyang tinig, upang kaniyang turuan ka; at sa ibabaw ng lupa ay kaniyang ipinakita sa iyo ang kaniyang dakilang apoy, at iyong narinig ang kaniyang mga salita sa gitna ng apoy.
36From the heavens he made thee hear his voice, that he might instruct thee; and on the earth he shewed thee his great fire; and thou heardest his words from the midst of the fire.
37At sapagka't kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
37And because he loved thy fathers, and chose their seed after them, he brought thee out with his countenance, with his great power, out of Egypt,
38Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito.
38to dispossess nations from before thee greater and mightier than thou art, to bring thee in, to give thee their land for an inheritance, as it is this day.
39Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.
39Thou shalt know therefore this day, and consider it in thy heart, that Jehovah, he is God in the heavens above, and on the earth beneath: [there is] none else.
40At iyong iingatan ang kaniyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, at upang iyong mapalaon ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing yaon, na ibinigay sa iyo magpakailan man ng Panginoon mong Dios.
40And thou shalt keep his statutes, and his commandments, which I command thee this day, that it may be well with thee and with thy sons after thee, and that thou mayest prolong thy days on the land which Jehovah thy God giveth thee, for ever.
41Nang magkagayo'y inihiwalay ni Moises ang tatlong bayan sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;
41Then Moses separated three cities on this side the Jordan toward the sun-rising,
42Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon, na nakamatay sa kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan; at sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya:
42that the manslayer might flee thither, who should kill his neighbour unawares, and hated him not previously, that fleeing to one of these cities, he might live:
43Sa makatuwid baga'y sa Beser, sa ilang, sa kapatagang lupa, na ukol sa mga Rubenita; at sa Ramoth sa Galaad, na ukol sa mga Gadita; at sa Golan sa Basan, na ukol sa mga Manasita.
43Bezer in the wilderness, in the plateau, of the Reubenites, and Ramoth in Gilead, of the Gadites, and Golan in Bashan, of the Manassites.
44At ito ang kautusang sinalaysay ni Moises sa harap ng mga anak ni Israel:
44And this is the law which Moses set before the children of Israel:
45Ito ang mga patotoo, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa Egipto;
45these are the testimonies, and the statutes, and the ordinances that Moses declared to the children of Israel, when they came out of Egypt,
46Sa dako pa roon ng Jordan, sa libis na nasa tapat ng Beth-peor, sa lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na tumatahan sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises at ng mga anak ni Israel, nang sila'y umalis sa Egipto;
46on this side the Jordan, in the valley opposite to Beth-Peor, in the land of Sihon the king of the Amorites, who dwelt in Heshbon, whom Moses and the children of Israel smote when they came out of Egypt;
47At kanilang sinakop ang kaniyang lupain na pinakaari, at ang lupain ni Og na hari sa Basan, ang dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;
47and they took possession of his land, and the land of Og the king of Bashan, two kings of the Amorites, who were on this side the Jordan, toward the sun-rising;
48Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon, hanggang sa bundok ng Sion (na siya ring Hermon),
48from Aroer, which is on the bank of the river Arnon, as far as mount Sion, which is Hermon,
49At ang buong Araba sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan, hanggang sa dagat ng Araba sa ibaba ng gulod ng Pisga.
49and all the plain on this side the Jordan, eastward, and as far as the sea of the plain, under the slopes of Pisgah.