Tagalog 1905

Darby's Translation

Ezekiel

33

1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
1And the word of Jehovah came unto me, saying,
2Anak ng tao, salitain mo sa mga anak ng iyong bayan, at sabihin mo sa kanila, Pagka aking dinala ang tabak sa lupain, kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila, at ilagay na pinakabantay nila;
2Son of man, speak to the children of thy people, and say unto them, When I bring the sword upon a land, and the people of the land take one man from among them all, and set him for their watchman:
3Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kaniyang hipan ang pakakak, at magbigay alam sa bayan;
3if he see the sword coming upon the land, and blow the trumpet, and warn the people;
4Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.
4then whosoever heareth the sound of the trumpet, and taketh not warning, if the sword come and take him away, his blood shall be upon his own head.
5Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.
5He heard the sound of the trumpet, and took not warning; his blood is upon him: whereas had he taken warning, he would have delivered his soul.
6Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay.
6But if the watchman see the sword coming, and blow not the trumpet, and the people be not warned, if the sword come and take a person from among them, he is taken away in his iniquity; but his blood will I require at the watchman's hand.
7Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya't dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin.
7So thou, son of man, I have set thee a watchman unto the house of Israel; and thou shalt hear the word from my mouth, and warn them from me.
8Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad: ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay.
8When I say unto the wicked, Wicked [man], thou shalt certainly die; and thou speakest not to warn the wicked from his way, that wicked [man] shall die in his iniquity; but his blood will I require at thy hand.
9Gayon ma'y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay, at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan, nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa.
9But if thou warn the wicked of his way to turn from it, and he do not turn from his way, he shall die in his iniquity; but thou hast delivered thy soul.
10At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay?
10And thou, son of man, say unto the house of Israel, Thus ye speak, saying, Our transgressions and our sins are upon us, and we waste away in them, how then should we live?
11Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?
11Say unto them, As I live, saith the Lord Jehovah, I have no pleasure in the death of the wicked; but that the wicked turn from his way and live. Turn ye, turn ye from your evil ways; for why will ye die, O house of Israel?
12At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang; at tungkol sa kasamaan ng masama, hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya'y magkasala.
12And thou, son of man, say unto the children of thy people, The righteousness of the righteous shall not deliver him in the day of his transgression; and as for the wickedness of the wicked, he shall not fall thereby in the day that he turneth from his wickedness; neither shall the righteous be able to live thereby in the day that he sinneth.
13Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya'y walang pagsalang mabubuhay; kung siya'y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay.
13When I say to the righteous that he shall certainly live, and he trusteth to his righteousness and doeth what is wrong, none of his righteous acts shall be remembered; but in his unrighteousness which he hath done, in it shall he die.
14Muli, pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan, at gawin ang tapat at matuwid;
14And when I say unto the wicked, Thou shalt certainly die, and he turneth from his sin, and doeth judgment and justice;
15Kung isauli ng masama ang sanla, ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
15if the wicked restore the pledge, give again that he had taken by robbery, walk in the statutes of life, doing nothing that is wrong; he shall certainly live, he shall not die.
16Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay.
16None of his sins which he hath committed shall be remembered against him: he hath done judgment and justice; he shall certainly live.
17Gayon ma'y sinabi ng mga anak ng iyong bayan, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid: nguni't tungkol sa kanila, ay hindi matuwid ang kanilang lakad.
17Yet the children of thy people say, The way of the Lord is not equal: but as for them, their way is not equal.
18Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon.
18When the righteous turneth from his righteousness, and doeth what is wrong, then he shall die therein.
19At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon.
19And when the wicked turneth from his wickedness, and doeth judgment and justice, he shall live for these things.
20Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, aking hahatulan kayo bawa't isa, ayon sa kaniyang mga lakad.
20Yet ye say, The way of the Lord is not equal. O house of Israel, I will judge you every one after his ways.
21At nangyari, nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, Ang bayan ay nasaktan.
21And it came to pass in the twelfth year of our captivity, in the tenth [month], on the fifth of the month, that one who had escaped out of Jerusalem came unto me, saying, The city is smitten!
22Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi.
22Now the hand of Jehovah had been upon me in the evening, before he that had escaped came; and he had opened my mouth against his coming to me in the morning; and my mouth was opened, and I was no more dumb.
23At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
23And the word of Jehovah came unto me, saying,
24Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana.
24Son of man, they that inhabit those waste places in the land of Israel speak, saying, Abraham was one, and he inherited this land, and we are many: the land is given us for a possession.
25Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain?
25Therefore say unto them, Thus saith the Lord Jehovah: Ye eat with the blood, and lift up your eyes toward your idols, and shed blood; and shall ye possess the land?
26Kayo'y nagsisitayo sa inyong tabak, kayo'y nagsisigawa ng kasuklamsuklam, at nanirang puri bawa't isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa: at inyo bagang aariin ang lupain?
26Ye stand upon your sword, ye work abomination, and ye defile every one his neighbour's wife; and shall ye possess the land?
27Sabihin mong ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Buhay ako, walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin, at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot.
27Say thou thus unto them, Thus saith the Lord Jehovah: [As] I live, verily they that are in the waste places shall fall by the sword, and him that is in the open field will I give to the beasts to be devoured, and they that are in the strongholds and in the caves shall die of the pestilence.
28At aking gagawing sira ang lupain at katigilan; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira, na walang dadaan.
28And I will make the land a desolation and an astonishment, and the pride of her strength shall cease; and the mountains of Israel shall be desolated, so that none shall pass through.
29Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain, dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa.
29And they shall know that I [am] Jehovah, when I have made the land a desolation and an astonishment because of all their abominations which they have committed.
30At tungkol sa iyo, anak ng tao, pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, at nangagsasalitaan na bawa't isa'y sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Pumarito ka, isinasamo ko sa iyo, at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon.
30And as for thee, son of man, the children of thy people keep talking of thee by the walls and in the doors of the houses, and speak one to another, every one to his brother, saying, Come, I pray you, and hear what is the word that cometh forth from Jehovah.
31At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.
31And they come unto thee as a people cometh, and they sit before thee [as] my people, and they hear thy words, but they do them not; for with their mouth they shew much love, [but] their heart goeth after their dishonest gain.
32At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa.
32And behold, thou art unto them as a lovely song, a pleasant voice, and one that playeth well on an instrument; and they hear thy words, but they do them not.
33At pagka ito'y nangyari, (narito, nangyayari,) kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila.
33And when this cometh to pass (behold, it will come), then shall they know that a prophet hath been among them.