1At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi, na anim na siko ang luwang sa isang dako, at anim na siko ang luwang sa kabilang dako, na siyang luwang ng tabernakulo.
1And he brought me to the temple; and he measured the posts, six cubits broad on the one side, and six cubits broad on the other side, the breadth of the tent.
2At ang luwang ng pasukan ay sangpung siko; at ang mga tagiliran ng pasukan ay limang siko sa isang dako, at limang siko sa kabilang dako: at sinukat niya ang haba niyaon na apat na pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko.
2And the breadth of the entry was ten cubits, and the sides of the entry were five cubits on this side, and five cubits on that side; and he measured its length, forty cubits, and the breadth, twenty cubits.
3Nang magkagayo'y pumasok siya sa loob, at sinukat ang bawa't haligi sa pasukan, na dalawang siko; at ang pasukan ay anim na siko; at ang luwang ng pasukan, pitong siko.
3And he went inwards, and measured the post of the entry, two cubits; and the entry, six cubits; and the breadth of the entry, seven cubits.
4At sinukat niya ang haba niyaon, dalawang pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko, sa harap ng templo: at sinabi niya sa akin, Ito ang kabanalbanalang dako.
4And he measured its length, twenty cubits; and the breadth, twenty cubits, before the temple: and he said unto me, This is the most holy [place].
5Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko; at ang luwang ng bawa't tagilirang silid apat na siko, sa palibot ng bahay sa lahat ng dako.
5And he measured the wall of the house, six cubits; and the breadth of the side-chambers, four cubits, round about the house on every side.
6At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay.
6And the side-chambers were three, chamber over chamber, and thirty in order; and they entered into the wall which the house had for the side-chambers round about, that they might have hold; but they had not hold in the wall of the house.
7At ang mga tagilirang silid ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas; sapagka't ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay: kaya't ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas; at sa gayo'y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid, hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid.
7And for the side-chambers there was an enlarging, and it went round about [the house] increasing upward; for the surrounding of the house increased upward round about the house; therefore the house had width upward, and so ascended [from] the lower [story] to the upper, by the middle one.
8Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot: ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay buong tambo na anim na malaking siko ang haba.
8And I saw that the house had an elevation round about: the foundations of the side-chambers, a full reed, six cubits to the joint.
9Ang kapal ng pader, na nasa mga tagilirang silid, sa dakong labas, ay limang siko: at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay.
9The thickness of the wall, which was for the side-chambers without, was five cubits, as also what was left free along the building of the side-chambers that pertained to the house.
10At ang pagitan ng mga silid ay may luwang na dalawang pung siko sa palibot ng bahay sa lahat ng dako.
10And between the cells [and the house] was a width of twenty cubits round about the house on every side.
11At ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay sa dakong naiwan, isang pintuan sa dakong hilagaan, at isang pintuan sa dakong timugan: at ang luwang ng dakong naiwan ay limang siko sa palibot.
11And the entry of the side-chambers was toward what was left free, one entry toward the north, and one entry toward the south; and the width of the space left free was five cubits round about.
12At ang bahay na nasa harapan ng bukod na dako sa tagilirang dakong kalunuran ay pitong pung siko ang luwang; at ang pader ng bahay ay limang siko ang kapal sa palibot, at ang haba niyaon ay siyam na pung siko.
12And the building that was before the separate place at the end toward the west was seventy cubits broad; and the wall of the building was five cubits thick round about; and its length ninety cubits.
13Sa gayo'y sinukat niya ang bahay, na isang daang siko ang haba; at ang bukod na dako, at ang bahay, sangpu ng pader niyaon, isang daang siko ang haba;
13And he measured the house: the length a hundred cubits; and the separate place, and the building, and its walls, the length a hundred cubits;
14Ang luwang naman ng harapan ng bahay, at ng bukod na dako sa dakong silanganan, isang daang siko.
14and the breadth of the front of the house, and of the separate places toward the east, a hundred cubits.
15At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon, at ang mga galeria niyaon sa isang dako, at sa kabilang dako, isang daang siko; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban;
15And he measured the length of the building before the separate place, which was at the back of it, with its galleries on the one side and on the other side, a hundred cubits; and the inner temple, and the porches of the court.
16Ang mga pasukan, at ang mga nasasarang dungawan, at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado, sa tapat ng pasukan, nakikisamihan ng tabla sa palibot, at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan (natatakpan nga ang mga dungawan),
16The thresholds, and the closed windows, and the galleries round about the three of them (opposite the thresholds it was wainscoted with wood round about, and from the ground up to the windows, and the windows were covered),
17Sa pagitan ng itaas ng pintuan, sa lalong loob ng bahay, at sa labas, at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat.
17[and] above, over the entry, even unto the inner house, and without, and by all the wall round about, within and without, [all was] by measure.
18At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha;
18And it was made with cherubim and palm-trees, and a palm-tree was between cherub and cherub; and the cherub had two faces:
19Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot:
19the face of a man was toward the palm-tree on the one side, and the face of a young lion toward the palm-tree on the other side: [so] was it made upon all the house round about.
20Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo.
20From the ground unto above the entry were the cherubim and the palm-trees made, and [on] the wall of the temple.
21Tungkol sa templo, ang mga haligi ng pintuan ay parisukat; at tungkol sa harapan ng santuario, ang anyo niyao'y gaya ng anyo ng templo.
21As for the temple, the door-posts were squared; and the front of the sanctuary had the same appearance.
22Ang dambana ay kahoy, na tatlong siko ang taas, at ang haba niyao'y dalawang siko; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon, at ang mga pader niyaon, ay kahoy: at sinabi niya sa akin, Ito ang dulang na nasa harap ng Panginoon.
22The altar was of wood, three cubits high, and its length two cubits; and its corners, and its length, and its walls were of wood. And he said unto me, This is the table which is before Jehovah.
23At ang templo, at ang santuario ay may dalawang pintuan.
23And the temple and the sanctuary had two doors.
24At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto, dalawang tiklop na pinto, dalawang pinto sa isang pintuan, at dalawang pinto sa kabila.
24And the doors had two leaves, two turning-leaves: two for the one door, and two leaves for the other.
25At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas.
25And there were made on them, on the doors of the temple, cherubim and palm-trees, as there were made upon the walls; and there was a wooden portal in front of the porch without,
26At may nangasasarang dungawan at mga puno ng palma sa isang dako at sa kabilang dako, sa mga tagiliran ng portiko: ganito ang mga tagilirang silid ng bahay, at ang mga pasukan.
26and closed windows and palm-trees on the one side and on the other side, on the sides of the porch and the side chambers of the house and the portals.