1Ah, ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia:
1Ha! land shadowing with wings, which art beyond the rivers of Cush,
2Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
2that sendest ambassadors over the sea, and in vessels of papyrus upon the waters, [saying,] Go, swift messengers, to a nation scattered and ravaged, to a people terrible from their existence and thenceforth; to a nation of continued waiting and of treading down, whose land the rivers have spoiled!
3Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.
3All ye inhabitants of the world, and dwellers on the earth, when a banner is lifted up on the mountains, see ye, and when a trumpet is blown, hear ye!
4Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani.
4For thus hath Jehovah said unto me: I will take my rest, and I will observe from my dwelling-place like clear heat upon herbs, like a cloud of dew in the heat of harvest.
5Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin.
5For before the harvest, when the blossoming is over, and the flower becometh a ripening grape, he shall both cut off the sprigs with pruning-knives, and take away [and] cut down the branches.
6Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa.
6They shall be left together unto the mountain birds of prey, and to the beasts of the earth; and the birds of prey shall summer upon them, and all the beasts of the earth shall winter upon them.
7Sa panahong yao'y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.
7In that time shall a present be brought unto Jehovah of hosts of a people scattered and ravaged, -- and from a people terrible from their existence and thenceforth, a nation of continued waiting and of treading down, whose land the rivers have spoiled, ... to the place of the name of Jehovah of hosts, the mount Zion.