Tagalog 1905

Darby's Translation

Jeremiah

16

1Ang salita rin naman ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,
1And the word of Jehovah came to me, saying,
2Huwag kang magaasawa, o magkakaroon ka man ng mga anak na lalake o babae sa dakong ito.
2Thou shalt not take thee a wife, and thou shalt not have sons nor daughters in this place.
3Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito, at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila, at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito.
3For thus saith Jehovah concerning the sons and concerning the daughters that are born in this place, and concerning their mothers that bear them, and concerning their fathers that beget them in this land:
4Sila'y mangamamatay ng mga mabigat na pagkamatay: hindi sila pananaghuyan, o ililibing man sila; sila'y magiging parang dumi sa ibabaw ng lupa; at sila'y mangalilipol ng tabak, at ng kagutom; at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
4They shall die of painful deaths; they shall not be lamented, neither shall they be buried; they shall be as dung upon the face of the ground, and they shall be consumed by the sword, and by famine, and their carcases shall be food for the fowl of the heavens and for the beasts of the earth.
5Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan.
5For thus saith Jehovah: Enter not into the house of wailing, neither go to lament or bemoan them; for I have taken away my peace from this people, saith Jehovah, the loving-kindness and the tender mercies.
6Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, o magkukudlit man o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila;
6Both great and small shall die in this land: they shall not be buried; and none shall lament for them, or cut themselves, nor make themselves bald for them.
7O magpuputol man ng tinapay ang mga tao, sa kanila na nananangis, upang aliwin sila dahil sa namatay; hindi man sila paiinumin sa saro ng kaaliwan ng dahil sa kanilang ama o dahil sa kanilang ina.
7Nor shall they break [bread] for them in mourning, to comfort them for the dead; neither shall they give them the cup of consolations to drink for their father or for their mother.
8At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila, na kumain at uminom.
8And thou shalt not go into the house of feasting, to sit with them, to eat and to drink.
9Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking ipatitigil sa dakong ito, sa harap ng iyong mga mata at sa inyong mga kaarawan, ang tinig ng kalayawan, at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae.
9For thus saith Jehovah of hosts, the God of Israel: Behold, I will cause to cease out of this place, before your eyes, and in your days, the voice of mirth and the voice of joy, the voice of the bridegroom and the voice of the bride.
10At mangyayari, pagka iyong ipakikilala sa bayang ito ang lahat ng mga salitang ito, at kanilang sasabihin sa iyo, Bakit sinalita ng Panginoon ang lahat na malaking kasamaang ito laban sa amin? o ano ang aming kasamaan? o ano ang aming kasalanan na aming ginawa laban sa Panginoon naming Dios?
10And it shall come to pass, when thou shalt declare unto this people all these words, and they shall say unto thee, Wherefore hath Jehovah pronounced all this great evil against us? and what is our iniquity? and what is our sin which we have committed against Jehovah our God?
11Kung magkagayo'y iyong sasabihin sa kanila, Sapagka't pinabayaan ako ng inyong mga magulang, sabi ng Panginoon, at nagsisunod sa ibang mga dios, at nangaglingkod sa kanila, at nagsisamba sa kanila, at pinabayaan ako, at hindi iningatan ang aking kautusan;
11then shalt thou say unto them, Because your fathers have forsaken me, saith Jehovah, and have walked after other gods, and have served them, and have worshipped them, and have forsaken me, and have not kept my law;
12At kayo'y nagsigawa ng kasamaan na higit kay sa inyong mga magulang, sapagka't, narito, lumakad bawa't isa sa inyo ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang kalooban, na anopa't hindi ninyo ako dininig:
12and you, ye have done still worse than your fathers; and there ye are walking every one after the stubbornness of his evil heart, not to hearken unto me:
13Kaya't kayo'y itataboy ko sa lupain na hindi ninyo nakilala, ninyo o ng inyong mga magulang man, na mula sa lupaing ito, at doo'y mangaglilingkod kayo sa ibang mga dios araw at gabi, sapagka't hindi ako magpapakita ng kagandahang loob.
13and I will cast you forth out of this land, into a land that ye know not, ye nor your fathers; and there shall ye serve other gods day and night: because I will shew you no favour.
14Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na sasabihin pa, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng angkan ni Israel mula sa lupain ng Egipto;
14Therefore, behold, days are coming, saith Jehovah, that it shall no more be said, [As] Jehovah liveth, who brought up the children of Israel out of the land of Egypt;
15Kundi, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng hilagaan, at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila. At akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang.
15but, [As] Jehovah liveth, who brought up the children of Israel from the land of the north, and from all the lands whither he had driven them. For I will bring them again into their land, which I gave unto their fathers.
16Narito, ipasusundo ko ang maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga bitak ng mga malaking bato.
16Behold, I will send for many fishers, saith Jehovah, and they shall fish them; and afterwards will I send for many hunters, and they shall hunt them, from every mountain, and from every hill, and out of the holes of the rocks.
17Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.
17For mine eyes are upon all their ways; they are not concealed from my face, neither is their iniquity hidden from before mine eyes.
18At akin munang gagantihin ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.
18But first I will recompense their iniquity and their sin double, because they have profaned my land with the carcases of their detestable things, and with their abominations have they filled mine inheritance.
19Oh Panginoon, aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan.
19Jehovah, my strength and my fortress, and my refuge in the day of distress, unto thee shall the nations come from the ends of the earth, and they shall say, Surely our fathers have inherited falsehood [and] vanity; and in these things there is no profit.
20Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios na hindi mga dios?
20Shall a man make gods unto himself, and they are no-gods?
21Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay Jehova.
21Therefore, behold, I will this once cause them to know, I will cause them to know my hand and my might; and they shall know that my name is Jehovah.