1At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;
1And it came to pass when all the kings who were on this side the Jordan, in the hill-country, and in the lowland, and along all the coast of the great sea as far as opposite to Lebanon, the Hittite, and the Amorite, the Canaanite, the Perizzite, the Hivite, and the Jebusite, heard [of it],
2Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.
2that they assembled together, to fight with Joshua and with Israel, with one accord.
3Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
3And when the inhabitants of Gibeon heard what Joshua had done to Jericho and to Ai,
4Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;
4then they also acted with craft, and they went prepared as on a journey, and took old sacks upon their asses, and wine-flasks, old and rent and tied up;
5At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.
5and old and patched sandals upon their feet, and old garments upon them; and all the bread of their provision was dry [and] mouldy.
6At sila'y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.
6And they went to Joshua unto the camp at Gilgal, and said to him, and to the men of Israel, From a far country are we come; and now make a covenant with us.
7At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?
7And the men of Israel said to the Hivite, Perhaps thou dwellest in the midst of us, and how should I make a covenant with thee?
8At kanilang sinabi kay Josue, Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?
8And they said unto Joshua, We are thy servants. And Joshua said to them, Who are ye? and from whence come ye?
9At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,
9And they said to him, From a very far country are thy servants come, because of the name of Jehovah thy God; for we have heard the fame of him, and all that he did in Egypt,
10At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.
10and all that he did to the two kings of the Amorites that were beyond Jordan, to Sihon the king of Heshbon, and to Og the king of Bashan, who was at Ashtaroth.
11At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.
11And our elders and all the inhabitants of our country spoke to us, saying, Take victuals in your hand for the way, and go to meet them, and say to them, We are your servants, and now make a covenant with us.
12Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:
12This our bread we took warm for our provision out of our houses on the day we came forth to go unto you; and now, behold, it is dry, and is become mouldy.
13At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.
13And these flasks of wine which we filled new, behold, they are rent; and these our garments and our sandals are become old by reason of the very long journey.
14At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.
14And the men took of their victuals, but they did not inquire at the mouth of Jehovah.
15At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.
15And Joshua made peace with them, and made a covenant with them, to let them live; and the princes of the assembly swore unto them.
16At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.
16And it came to pass at the end of three days after they had made a covenant with them, that they heard that they were their neighbours, and that they dwelt in their midst.
17At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at Kiriath-jearim.
17And the children of Israel journeyed, and came to their cities on the third day; and their cities were Gibeon, and Chephirah, and Beeroth, and Kirjath-jearim.
18At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.
18And the children of Israel did not smite them, because the princes of the assembly had sworn unto them by Jehovah the God of Israel. Then all the assembly murmured against the princes.
19Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.
19And all the princes said to all the assembly, We have sworn unto them by Jehovah the God of Israel, and now we may not touch them.
20Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.
20This we will do to them, and let them live, lest wrath come upon us, because of the oath which we swore unto them.
21At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.
21And the princes said to them, Let them live. And they were hewers of wood and drawers of water for all the assembly; as the princes had said to them.
22At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?
22And Joshua called for them, and he spoke to them, saying, Why have ye deceived us, saying, We are very far from you; whereas ye dwell in our midst?
23Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.
23And now ye are cursed, and ye shall never cease to be bondmen, and hewers of wood, and drawers of water for the house of my God.
24At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.
24And they answered Joshua and said, Because it was certainly told thy servants how that Jehovah thy God commanded his servant Moses to give you all the land, and to destroy all the inhabitants of the land from before you; and we feared greatly for our lives because of you, and did this thing.
25At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.
25And now behold, we are in thy hand: as it is good and right in thine eyes to do to us, do.
26At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.
26And he did so to them, and delivered them out of the hand of the children of Israel, and they did not slay them.
27At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin.
27And Joshua made them that day hewers of wood and drawers of water for the assembly, and for the altar of Jehovah, to this day, in the place which he should choose.