1Si Judas, na alipin ni Jesucristo, at kapatid ni Santiago, sa mga tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at iniingatang para kay Jesucristo:
1Jude, bondman of Jesus Christ, and brother of James, to the called ones beloved in God [the] Father and preserved in Jesus Christ:
2Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin.
2Mercy to you, and peace, and love be multiplied.
3Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.
3Beloved, using all diligence to write to you of our common salvation, I have been obliged to write to you exhorting [you] to contend earnestly for the faith once delivered to the saints.
4Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.
4For certain men have got in unnoticed, they who of old were marked out beforehand to this sentence, ungodly [persons], turning the grace of our God into dissoluteness, and denying our only Master and Lord Jesus Christ.
5Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.
5But I would put you in remembrance, you who once knew all things, that the Lord, having saved a people out of [the] land of Egypt, in the second place destroyed those who had not believed.
6At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.
6And angels who had not kept their own original state, but had abandoned their own dwelling, he keeps in eternal chains under gloomy darkness, to [the] judgment of [the] great day;
7Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.
7as Sodom and Gomorrha, and the cities around them, committing greedily fornication, in like manner with them, and going after other flesh, lie there as an example, undergoing the judgment of eternal fire.
8Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.
8Yet in like manner these dreamers also defile [the] flesh, and despise lordship, and speak railingly against dignities.
9Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.
9But Michael the archangel, when disputing with the devil he reasoned about the body of Moses, did not dare to bring a railing judgment against [him], but said, [The] Lord rebuke thee.
10Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.
10But these, whatever things they know not, they speak railingly against; but what even, as the irrational animals, they understand by mere nature, in these things they corrupt themselves.
11Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core.
11Woe to them! because they have gone in the way of Cain, and given themselves up to the error of Balaam for reward, and perished in the gainsaying of Core.
12Ang mga ito'y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;
12These are spots in your love-feasts, feasting together [with you] without fear, pasturing themselves; clouds without water, carried along by [the] winds; autumnal trees, without fruit, twice dead, rooted up;
13Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.
13raging waves of the sea, foaming out their own shames; wandering stars, to whom has been reserved the gloom of darkness for eternity.
14At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal,
14And Enoch, [the] seventh from Adam, prophesied also as to these, saying, Behold, [the] Lord has come amidst his holy myriads,
15Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.
15to execute judgment against all; and to convict all the ungodly of them of all their works of ungodliness, which they have wrought ungodlily, and of all the hard [things] which ungodly sinners have spoken against him.
16Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
16These are murmurers, complainers, walking after their lusts; and their mouth speaks swelling words, admiring persons for the sake of profit.
17Nguni't kayo, mga minamahal, ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;
17But *ye*, beloved, remember the words spoken before by the apostles of our Lord Jesus Christ,
18Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.
18that they said to you, that at [the] end of the time there should be mockers, walking after their own lusts of ungodlinesses.
19Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, malalayaw, na walang taglay na Espiritu.
19These are they who set [themselves] apart, natural [men], not having [the] Spirit.
20Nguni't kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo,
20But *ye*, beloved, building yourselves up on your most holy faith, praying in the Holy Spirit,
21Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.
21keep yourselves in the love of God, awaiting the mercy of our Lord Jesus Christ unto eternal life.
22At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;
22And of some have compassion, making a difference,
23At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.
23but others save with fear, snatching [them] out of the fire; hating even the garment spotted by the flesh.
24Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.
24But to him that is able to keep you without stumbling, and to set [you] with exultation blameless before his glory,
25Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
25to the only God our Saviour, through Jesus Christ our Lord, [be] glory, majesty, might, and authority, from before the whole age, and now, and to all the ages. Amen.