1Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya'y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya'y maipapatay.
1Now the passover and the [feast of] unleavened bread was after two days. And the chief priests and the scribes were seeking how they might seize him by subtlety and kill him.
2Sapagka't sinasabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang bayan.
2For they said, Not in the feast, lest perhaps there be a tumult of the people.
3At samantalang siya'y nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain, ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga; at binasag niya ang sisidlan, at ibinuhos sa kaniyang ulo.
3And when he was in Bethany, in the house of Simon the leper, as he lay at table, there came a woman having an alabaster flask of ointment of pure nard, very costly; and having broken the alabaster flask, she poured it out upon his head.
4Datapuwa't may ilan na nangagalit sa kanilang sarili, na nagsipagsabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento?
4And there were some indignant in themselves, and saying, Why has this waste been made of the ointment?
5Sapagka't ang unguentong ito'y maipagbibili ng mahigit sa tatlong daang denario, at maibibigay sa mga dukha. At inupasalaan nila ang babae.
5for this ointment could have been sold for more than three hundred denarii and given to the poor. And they spoke very angrily at her.
6Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo siya; bakit ninyo siya binabagabag? mabuting gawa ang ginawa niya sa akin.
6But Jesus said, Let her alone; why do ye trouble her? she has wrought a good work as to me;
7Sapagka't laging nasa inyo ang mga dukha, at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling: datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo.
7for ye have the poor always with you, and whenever ye would ye can do them good; but me ye have not always.
8Ginawa niya ang kaniyang nakaya; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin.
8What *she* could she has done. She has beforehand anointed my body for the burial.
9At katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangelio sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.
9And verily I say unto you, Wheresoever these glad tidings may be preached in the whole world, what this [woman] has done shall be also spoken of for a memorial of her.
10At si Judas Iscariote, na isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila.
10And Judas Iscariote, one of the twelve, went away to the chief priests that he might deliver him up to them;
11At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan.
11and they, when they heard it, rejoiced, and promised him to give money. And he sought how he could opportunely deliver him up.
12At nang unang araw ng mga tinapay na walang lebadura, nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua?
12And the first day of unleavened bread, when they slew the passover, his disciples say to him, Where wilt thou that we go and prepare, that thou mayest eat the passover?
13At sinugo ang dalawa sa kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa bayan, at doo'y masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig: sundan ninyo siya;
13And he sends two of his disciples, and says to them, Go into the city, and a man shall meet you carrying a pitcher of water; follow him.
14At saan man siya pumasok, ay sabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro, Saan naroon ang aking tuluyan, na makakanan ko ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?
14And wheresoever he enters, say to the master of the house, The Teacher says, Where is my guest-chamber where I may eat the passover with my disciples?
15At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan at handa na: at ipaghanda ninyo roon tayo.
15and *he* will shew you a large upper room furnished ready. There make ready for us.
16At nagsiyaon ang mga alagad, at nagsipasok sa bayan, at nasumpungan ang ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua.
16And his disciples went away and came into the city, and found as he had said to them; and they made ready the passover.
17At nang gumabi na ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa.
17And when evening was come, he comes with the twelve.
18At samantalang sila'y nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako.
18And as they lay at table and were eating, Jesus said, Verily I say to you, One of you shall deliver me up; he who is eating with me.
19Sila'y nagpasimulang nangamanglaw, at isaisang nagsabi sa kaniya, Ako baga?
19And they began to be grieved, and to say to him, one by one, Is it *I*? [and another, Is it *I*?]
20At sinabi niya sa kanila, Isa nga sa labingdalawa, yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan.
20But he answered and said to them, One of the twelve, he who dips with me in the dish.
21Sapagka't papanaw ang Anak ng tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.
21The Son of man goes indeed as it is written concerning him, but woe to that man by whom the Son of man is delivered up; [it were] good for that man if he had not been born.
22At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan.
22And as they were eating, Jesus, having taken bread, when he had blessed, broke [it], and gave [it] to them, and said, Take [this]: this is my body.
23At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat.
23And having taken [the] cup, when he had given thanks, he gave [it] to them, and they all drank out of it.
24At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.
24And he said to them, This is my blood, that of the [new] covenant, that shed for many.
25Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios.
25Verily I say to you, I will no more drink at all of the fruit of the vine, until that day when I drink it new in the kingdom of God.
26At pagkaawit nila ng isang imno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.
26And having sung a hymn, they went out to the mount of Olives.
27At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa.
27And Jesus says to them, All ye shall be offended, for it is written, I will smite the shepherd, and the sheep shall be scattered abroad.
28Gayon ma'y pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.
28But after I am risen, I will go before you into Galilee.
29Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bagama't mangatitisod ang lahat, nguni't ako'y hindi.
29But Peter said to him, Even if all should be offended, yet not *I*.
30At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.
30And Jesus says to him, Verily I say to thee, that thou to-day, in this night, before [the] cock shall crow twice, thou shalt thrice deny me.
31Datapuwa't lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima't kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din.
31But he said [so much] exceedingly the more, If I should have to die with thee, I will in no wise deny thee. And likewise said they all too.
32At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin.
32And they come to a place of which the name [is] Gethsemane, and he says to his disciples, Sit here while I shall pray.
33At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan, at nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam.
33And he takes with him Peter and James and John, and he began to be amazed and oppressed in spirit.
34At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat.
34And he says to them, My soul is full of grief even unto death; abide here and watch.
35At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras.
35And, going forward a little, he fell upon the earth; and he prayed that, if it were possible, the hour might pass away from him.
36At kaniyang sinabi, Abba, Ama, may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
36And he said, Abba, Father, all things are possible to thee: take away this cup from me; but not what *I* will, but what *thou* [wilt].
37At siya'y lumapit, at naratnang sila'y nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Simon, natutulog ka baga? hindi ka makapagpuyat ng isang oras?
37And he comes and finds them sleeping. And he says to Peter, Simon, dost thou sleep? Hast thou not been able to watch one hour?
38Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
38Watch and pray, that ye enter not into temptation. The spirit indeed [is] willing, but the flesh weak.
39At muli siyang umalis, at nanalangin, na sinabi ang gayon ding mga salita.
39And going away, he prayed again, saying the same thing.
40At muli siyang nagbalik, at naratnang sila'y nangatutulog, sapagka't nangabibigatang totoo ang kanilang mga mata; at wala silang maalamang sa kaniya'y isagot.
40And returning, he found them again sleeping, for their eyes were heavy; and they knew not what they should answer him.
41At lumapit siyang bilang ikatlo, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: sukat na; dumating na ang oras; narito, ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
41And he comes the third time and says to them, Sleep on now, and take your rest. It is enough; the hour is come; behold, the Son of man is delivered up into the hands of sinners.
42Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.
42Arise, let us go; behold, he that delivers me up has drawn nigh.
43At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda.
43And immediately, while he was yet speaking, Judas comes up, [being] one of the twelve, and with him a great crowd, with swords and sticks, from the chief priests and the scribes and the elders.
44Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat.
44Now he that delivered him up had given them a sign between them, saying, Whomsoever I shall kiss, that is he; seize him, and lead [him] away safely.
45At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan.
45And being come, straightway coming up to him, he says, Rabbi, Rabbi; and he covered him with kisses.
46At siya'y sinunggaban nila, at siya'y kanilang dinakip.
46And they laid their hands upon him and seized him.
47Datapuwa't isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kaniyang tainga.
47But a certain one of those who stood by, having drawn his sword, struck the bondman of the high priest, and took off his ear.
48At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako?
48And Jesus answering said to them, Are ye come out as against a robber, with swords and sticks to take me?
49Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan.
49I was daily with you teaching in the temple, and ye did not seize me; but [it is] that the scriptures may be fulfilled.
50At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas.
50And all left him and fled.
51At sinundan siya ng isang binata, na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo't hubad: at hinawakan nila siya;
51And a certain young man followed him with a linen cloth cast about his naked [body]; and [the young men] seize him;
52Datapuwa't kaniyang binitiwan ang kumot, at tumakas na hubo't hubad.
52but he, leaving the linen cloth behind [him], fled from them naked.
53At dinala nila si Jesus sa dakilang saserdote: at nangagpipisan sa kaniya ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba.
53And they led away Jesus to the high priest. And there come together to him all the chief priests and the elders and the scribes.
54At si Pedro ay sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa loob ng looban ng dakilang saserdote; at nakiumpok siya sa mga punong kawal, at nagpapainit sa ningas ng apoy.
54And Peter followed him at a distance, till [he was] within the court of the high priest's palace; and he was sitting with the officers and warming himself in the light [of the fire].
55Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya'y ipapatay; at hindi nangasumpungan.
55And the chief priests and the whole sanhedrim sought testimony against Jesus to cause him to be put to death, and did not find [any].
56Sapagka't marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma.
56For many bore false witness against him, and their testimony did not agree.
57At nagsipagtindig ang ilan, at nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, na sinasabi,
57And certain persons rose up and bore false witness against him, saying,
58Narinig naming sinabi niya, Aking igigiba ang templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay.
58*We* heard him saying, *I* will destroy this temple which is made with hands, and in the course of three days I will build another not made with hands.
59At kahit sa papagayon man ay hindi rin nangagkatugma ang patotoo nila.
59And neither thus did their testimony agree.
60At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote, at tinanong si Jesus na sinabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
60And the high priest, rising up before them all, asked Jesus, saying, Answerest thou nothing? What do these testify against thee?
61Datapuwa't siya'y hindi umiimik, at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Ikaw baga ang Cristo, ang Anak ng Mapalad?
61But he was silent, and answered nothing. Again the high priest asked him, and says to him, *Thou* art the Christ, the Son of the Blessed?
62At sinabi ni Jesus, Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit.
62And Jesus said, *I* am, and ye shall see the Son of man sitting at the right hand of power, and coming with the clouds of heaven.
63At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, at nagsabi, Ano pang kailangan natin ng mga saksi?
63And the high priest, having rent his clothes, says, What need have we any more of witnesses?
64Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo? At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay.
64Ye have heard the blasphemy; what think ye? And they all condemned him to be guilty of death.
65At pinasimulang luraan siya ng ilan, at tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal.
65And some began to spit upon him, and cover up his face, and buffet him, and say to him, Prophesy; and the officers struck him with the palms of their hands.
66At samantalang nasa ibaba si Pedro, sa looban, ay lumapit ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote;
66And Peter being below in the palace-court, there comes one of the maids of the high priest,
67At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit, ay tinitigan niya siya, at sinabi, Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno, na si Jesus.
67and seeing Peter warming himself, having looked at him, says, And *thou* wast with the Nazarene, Jesus.
68Datapuwa't siya'y kumaila, na sinasabi, Hindi ko nalalaman, ni nauunawa man ang sinasabi mo: at lumabas siya sa portiko; at tumilaok ang manok.
68But he denied, saying, I know not nor understand what thou sayest. And he went out into the vestibule; and a cock crew.
69At nakita siya ng alilang babae, at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon, Ito ay isa sa kanila.
69And the maid, seeing him, again began to say to those that stood by, This is [one] of them.
70Datapuwa't muling ikinaila niya. At hindi nalaon, at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro. Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila; sapagka't ikaw ay Galileo.
70And he again denied. And again, after a little, those that stood by said to Peter, Truly thou art [one] of them, for also thou art a Galilean.
71Datapuwa't siya'y nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi.
71But he began to curse and to swear, I know not this man of whom ye speak.
72At pagdaka, bilang pangalawa'y tumilaok ang manok. At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. At nang maisip niya ito, ay tumangis siya.
72And the second time a cock crew. And Peter remembered the word that Jesus said to him, Before [the] cock crow twice, thou shalt deny me thrice; and when he thought thereon he wept.