Tagalog 1905

Darby's Translation

Matthew

15

1Nang magkagayo'y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi,
1Then the scribes and Pharisees from Jerusalem come up to Jesus, saying,
2Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali't-saling sabi ng matatanda? sapagka't hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay.
2Why do thy disciples transgress what has been delivered by the ancients? for they do not wash their hands when they eat bread.
3At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?
3But he answering said to them, Why do *ye* also transgress the commandment of God on account of your traditional teaching?
4Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
4For God commanded saying, Honour father and mother; and, He that speaks ill of father or mother, let him die the death.
5Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:
5But *ye* say, Whosoever shall say to his father or mother, It is a gift, whatsoever [it be] by which [received] from me thou wouldest be profited:
6Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.
6and he shall in no wise honour his father or his mother; and ye have made void the commandment of God on account of your traditional teaching.
7Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,
7Hypocrites! well has Esaias prophesied about you, saying,
8Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
8This people honour me with the lips, but their heart is far away from me;
9Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.
9but in vain do they worship me, teaching [as] teachings commandments of men.
10At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain.
10And having called to [him] the crowd, he said to them, Hear and understand:
11Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.
11Not what enters into the mouth defiles the man; but what goes forth out of the mouth, this defiles the man.
12Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito?
12Then his disciples, coming up, said to him, Dost thou know that the Pharisees, having heard this word, have been offended?
13Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin.
13But he answering said, Every plant which my heavenly Father has not planted shall be rooted up.
14Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.
14Leave them alone; they are blind leaders of blind: but if blind lead blind, both will fall into a ditch.
15At sumagot si Pedro, at sinabi sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga.
15And Peter answering said to him, Expound to us this parable.
16At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip?
16But he said, Are *ye* also still without intelligence?
17Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi?
17Do ye not yet apprehend, that everything that enters into the mouth finds its way into the belly, and is cast forth into the draught?
18Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
18but the things which go forth out of the mouth come out of the heart, and those defile man.
19Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:
19For out of the heart come forth evil thoughts, murders, adulteries, fornications, thefts, false witnessings, blasphemies;
20Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.
20these are the things which defile man; but the eating with unwashen hands does not defile man.
21At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon.
21And Jesus, going forth from thence, went away into the parts of Tyre and Sidon;
22At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.
22and lo, a Canaanitish woman, coming out from those borders, cried [to him] saying, Have pity on me, Lord, Son of David; my daughter is miserably possessed by a demon.
23Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan.
23But he did not answer her a word. And his disciples came to [him] and asked him, saying, Dismiss her, for she cries after us.
24Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.
24But he answering said, I have not been sent save to the lost sheep of Israel's house.
25Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.
25But she came and did him homage, saying, Lord, help me.
26At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso.
26But he answering said, It is not well to take the bread of the children and cast it to the dogs.
27Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.
27But she said, Yea, Lord; for even the dogs eat of the crumbs which fall from the table of their masters.
28Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.
28Then Jesus answering said to her, O woman, thy faith [is] great. Be it to thee as thou desirest. And her daughter was healed from *that* hour.
29At umalis si Jesus doon, at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
29And Jesus, going away from thence, came towards the sea of Galilee, and he went up into the mountain and sat down there;
30At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:
30and great crowds came to him, having with them lame, blind, dumb, crippled, and many others, and they cast them at his feet, and he healed them:
31Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
31so that the crowds wondered, seeing dumb speaking, crippled sound, lame walking, and blind seeing; and they glorified the God of Israel.
32At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
32But Jesus, having called his disciples to [him], said, I have compassion on the crowd, because they have stayed with me already three days and they have not anything they can eat, and I would not send them away fasting lest they should faint on the way.
33At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
33And his disciples say to him, Whence should we have so many loaves in [the] wilderness as to satisfy so great a crowd?
34At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
34And Jesus says to them, How many loaves have ye? But they said, Seven, and a few small fishes.
35At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
35And he commanded the crowds to lie down on the ground;
36At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
36and having taken the seven loaves and the fishes, having given thanks, he broke [them] and gave [them] to his disciples, and the disciples to the crowd.
37At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
37And all ate and were filled; and they took up what was over and above of the fragments seven baskets full;
38At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
38but they that ate were four thousand men, besides women and children.
39At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng Magdala.
39And, having dismissed the crowds, he went on board ship and came to the borders of Magadan.