Tagalog 1905

Darby's Translation

Numbers

1

1At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
1And Jehovah spoke to Moses in the wilderness of Sinai in the tent of meeting, on the first of the second month, in the second year after their departure from the land of Egypt, saying,
2Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila;
2Take the sum of the whole assembly of the children of Israel, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, every male, according to their polls;
3Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.
3from twenty years and upward, all that go forth to military service in Israel: ye shall number them according to their hosts, thou and Aaron.
4At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.
4And with you there shall be a man for every tribe, a man who is the head of his father's house.
5At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.
5And these are the names of the men that shall stand with you: for Reuben, Elizur the son of Shedeur;
6Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
6for Simeon, Shelumiel the son of Zurishaddai;
7Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.
7for Judah, Nahshon the son of Amminadab;
8Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.
8for Issachar, Nethaneel the son of Zuar;
9Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.
9for Zebulun, Eliab the son of Helon;
10Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.
10for the children of Joseph: for Ephraim, Elishama the son of Ammihud; for Manasseh, Gamaliel the son of Pedahzur;
11Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.
11for Benjamin, Abidan the son of Gideoni;
12Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
12for Dan, Ahiezer the son of Ammishaddai;
13Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.
13for Asher, Pagiel the son of Ocran;
14Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.
14for Gad, Eliasaph the son of Deuel;
15Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.
15for Naphtali, Ahira the son of Enan.
16Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.
16These were those summoned of the assembly, princes of the tribes of their fathers, the heads of the thousands of Israel.
17At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan:
17And Moses and Aaron took these men who are expressed by their names,
18At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila.
18and gathered the whole assembly together on the first of the second month. And they declared their pedigrees after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, according to their polls.
19Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.
19As Jehovah had commanded Moses, so he numbered them in the wilderness of Sinai.
20At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
20And the sons of Reuben, Israel's eldest son, their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, according to their polls, every male from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
21Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Ruben, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.
21those that were numbered of them, of the tribe of Reuben, were forty-six thousand five hundred.
22Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
22Of the sons of Simeon: their generations, after their families, according to their fathers' houses, those that were numbered of them, by the number of the names, according to their polls, every male from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
23Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan.
23those that were numbered of them, of the tribe of Simeon, were fifty-nine thousand three hundred.
24Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka,
24Of the sons of Gad: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
25Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Gad, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.
25those that were numbered of them, of the tribe of Gad, were forty-five thousand six hundred and fifty.
26Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
26Of the sons of Judah: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
27Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Juda, ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.
27those that were numbered of them, of the tribe of Judah, were seventy-four thousand six hundred.
28Sa mga anak ni Issachar, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
28Of the sons of Issachar: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
29Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan.
29those that were numbered of them, of the tribe of Issachar, were fifty-four thousand four hundred.
30Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
30Of the sons of Zebulun: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
31Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.
31those that were numbered of them, of the tribe of Zebulun, were fifty-seven thousand four hundred.
32Sa mga anak ni Jose, sa mga anak ni Ephraim, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
32Of the sons of Joseph: of the children of Ephraim: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
33Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim, ay apat na pung libo at limang daan.
33those that were numbered of them, of the tribe of Ephraim, were forty thousand five hundred.
34Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
34Of the children of Manasseh: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
35Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Manases, ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan.
35those that were numbered of them, of the tribe of Manasseh, were thirty-two thousand two hundred.
36Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
36Of the sons of Benjamin: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
37Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Benjamin, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.
37those that were numbered of them, of the tribe of Benjamin, were thirty-five thousand four hundred.
38Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
38Of the sons of Dan: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
39Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Dan, ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.
39those that were numbered of them, of the tribe of Dan, were sixty-two thousand seven hundred.
40Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
40Of the sons of Asher: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
41Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Aser, ay apat na pu't isang libo at limang daan.
41those that were numbered of them, of the tribe of Asher, were forty-one thousand five hundred.
42Sa mga anak ni Nephtali, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
42Of the sons of Naphtali: their generations, after their families, according to their fathers' houses, by the number of the names, from twenty years old and upward, all that went forth to military service:
43Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Nephtali, ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.
43those that were numbered of them, of the tribe of Naphtali, were fifty-three thousand four hundred.
44Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake, na mga pangulo sa Israel: na bawa't isa sa kanila'y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang.
44These are those that were numbered, whom Moses and Aaron numbered, and the princes of Israel, the twelve men: each one was for the house of his fathers.
45Kaya't lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka:
45And all those that were numbered of the children of Israel, according to their fathers' houses, from twenty years old and upward, all that went forth to military service in Israel,
46Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.
46all they that were numbered were six hundred and three thousand five hundred and fifty.
47Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.
47But the Levites after the tribe of their fathers were not numbered among them.
48Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
48For Jehovah had spoken to Moses, saying,
49Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel:
49Only thou shalt not number the tribe of Levi, neither take the sum of them among the children of Israel.
50Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.
50But thou, appoint the Levites over the tabernacle of testimony, and over all the vessels thereof, and over all things that belong to it: they shall bear the tabernacle, and all its vessels; and they shall serve it, and round about the tabernacle shall they encamp;
51At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
51and when the tabernacle setteth forward, the Levites shall take it down; and when the tabernacle encampeth, the Levites shall set it up; and the stranger that cometh near shall be put to death.
52At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo.
52And the children of Israel shall encamp every man in his camp, and every man by his own standard, according to their hosts;
53Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.
53but the Levites shall encamp round about the tabernacle of testimony, that there come not wrath upon the assembly of the children of Israel; and the Levites shall keep the charge of the tabernacle of testimony.
54Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa.
54And the children of Israel did so; according to all that Jehovah had commanded Moses, so did they.