Tagalog 1905

Darby's Translation

Numbers

14

1At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon.
1And the whole assembly lifted up their voice, and cried; and the people wept that night.
2At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!
2And all the children of Israel murmured against Moses and against Aaron; and the whole assembly said to them, Would that we had died in the land of Egypt! or in this wilderness would that we had died!
3At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto?
3And why is Jehovah bringing us to this land that we may fall by the sword, that our wives and our little ones may become a prey? Is it not better for us to return to Egypt?
4At nag-sangusapan sila, Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y magbalik sa Egipto.
4And they said one to another, Let us make a captain, and let us return to Egypt.
5Nang magkagayon, si Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel.
5Then Moses and Aaron fell upon their faces before the whole congregation of the assembly of the children of Israel.
6At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot:
6And Joshua the son of Nun, and Caleb the son of Jephunneh, of them that searched out the land, rent their garments.
7At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain.
7And they spoke to the whole assembly of the children of Israel, saying, The land, which we passed through to search it out, is a very, very good land.
8Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
8If Jehovah delight in us, he will bring us into this land, and give it us, a land that flows with milk and honey;
9Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.
9only rebel not against Jehovah; and fear not the people of the land; for they shall be our food. Their defence is departed from them, and Jehovah is with us: fear them not.
10Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.
10And the whole assembly said that they should be stoned with stones. And the glory of Jehovah appeared in the tent of meeting to all the children of Israel.
11At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?
11And Jehovah said to Moses, How long will this people despise me? and how long will they not believe me, for all the signs which I have done among them?
12Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila.
12I will smite them with the pestilence, and destroy them, and will make of thee a nation greater and mightier than they.
13At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila;
13And Moses said to Jehovah, Then the Egyptians will hear it; for in thy might thou broughtest up this people from the midst of them;
14At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.
14and they will tell it to the inhabitants of this land, [who] have heard that thou, Jehovah, art in the midst of this people, that thou, Jehovah, lettest thyself be seen eye to eye, and that thy cloud standeth over them, and that thou goest before them, in a pillar of cloud by day, and in a pillar of fire by night;
15Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin,
15if thou now slayest this people as one man, then the nations that have heard thy fame will speak, saying,
16Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang.
16Because Jehovah was not able to bring this people into the land that he had sworn unto them, he has therefore slain them in the wilderness.
17At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi,
17And now, I beseech thee, let the power of the Lord be great, according as thou hast spoken, saying,
18Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi.
18Jehovah is slow to anger, and abundant in goodness, forgiving iniquity and transgression, but by no means clearing [the guilty], visiting the iniquity of the fathers upon the children, upon the third and fourth [generation].
19Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon.
19Pardon, I beseech thee, the iniquity of this people according to the greatness of thy loving-kindness, and as thou hast forgiven this people, from Egypt even until now.
20At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad ayon sa iyong salita:
20And Jehovah said, I have pardoned according to thy word.
21Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buhay at kung paanong mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa:
21But as surely as I live, all the earth shall be filled with the glory of Jehovah!
22Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig;
22for all those men who have seen my glory, and my signs, which I did in Egypt and in the wilderness, and have tempted me these ten times, and have not hearkened to my voice,
23Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita:
23shall in no wise see the land which I did swear unto their fathers: none of them that despised me shall see it.
24Kundi ang aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.
24But my servant Caleb, because he hath another spirit in him, and hath followed me fully, him will I bring into the land whereinto he came; and his seed shall possess it.
25Ngayon nga'y ang mga Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.
25(Now the Amalekites and the Canaanites dwell in the valley.) To-morrow turn you, and take your journey into the wilderness, on the way to the Red sea.
26At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
26And Jehovah spoke to Moses and to Aaron, saying,
27Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin.
27How long [shall I bear] with this evil assembly, which murmur against me? I have heard the murmurings of the children of Israel, which they murmur against me.
28Sabihin mo sa kanila, Ako'y buhay, sabi ng Panginoon, tunay na kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:
28Say unto them, As surely as I live, saith Jehovah, if I do not do unto you as ye have spoken in mine ears!
29Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,
29In this wilderness shall your carcases fall; and all that were numbered of you, according to your whole number from twenty years old and upwards, who have murmured against me,
30Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.
30shall in no wise come into the land, concerning which I have lifted up my hand to make you dwell in it; save Caleb the son of Jephunneh, and Joshua the son of Nun.
31Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil.
31But your little ones, of whom ye said they should be a prey, them will I bring in, and they shall know the land that ye have despised.
32Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito.
32And as to you, your carcases shall fall in this wilderness.
33At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na apat na pung taon, at kanilang tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang.
33And your children shall wander in the wilderness forty years, and bear your whoredoms, until your carcases be wasted in the wilderness.
34Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan.
34After the number of the days in which ye have searched out the land, forty days, each day for a year shall ye bear your iniquities forty years, and ye shall know mine estrangement [from you].
35Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay.
35I Jehovah have spoken; I will surely do it unto all this evil assembly which have gathered together against me! in this wilderness they shall be consumed, and there they shall die.
36At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain,
36And the men whom Moses had sent to search out the land, who returned, and made the whole assembly to murmur against him, by bringing up an evil report upon the land,
37Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon.
37even those men who had brought up an evil report upon the land, died by a plague before Jehovah.
38Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buhay sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain.
38But Joshua the son of Nun, and Caleb the son of Jephunneh, lived still of the men that had gone to search out the land.
39At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at ang bayan ay tumaghoy na mainam.
39And Moses told all these sayings to all the children of Israel; then the people mourned greatly.
40At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.
40And they rose up early in the morning, and went up to the hill-top, saying, Here are we, and we will go up to the place of which Jehovah has spoken; for we have sinned.
41At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong?
41And Moses said, Why now do ye transgress the commandment of Jehovah? but it shall not prosper!
42Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway.
42Go not up, for Jehovah is not among you; that ye be not smitten before your enemies;
43Sapagka't nandoon ang mga Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo.
43for the Amalekites and the Canaanites are there before you, and ye shall fall by the sword; for as ye have turned away from Jehovah, Jehovah will not be with you.
44Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento.
44Yet they presumed to go up to the hill-top; but the ark of the covenant of Jehovah, and Moses, did not depart from the midst of the camp.
45Nang magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa Horma.
45And the Amalekites and the Canaanites who dwelt on that hill, came down and smote them, and cut them to pieces, as far as Hormah.