1At sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; isang araw ngang sa inyo'y paghihip ng mga pakakak.
1And in the seventh month, on the first of the month, ye shall have a holy convocation: no manner of servile work shall ye do; a day of blowing the trumpets shall it be unto you.
2At kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, ng isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;
2And ye shall offer a burnt-offering for a sweet odour to Jehovah: one young bullock, one ram, seven yearling lambs without blemish;
3At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa lalaking tupa,
3and their oblation of fine flour mingled with oil, three tenth parts for the bullock, two tenth parts for the ram,
4At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:
4and one tenth part for each lamb of the seven lambs;
5At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo:
5and one buck of the goats for a sin-offering, to make atonement for you,
6Bukod pa sa handog na susunugin sa bagong buwan, at sa handog na harina niyaon, at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, ayon sa kanilang palatuntunan, na pinakamasarap na amoy, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
6-- besides the monthly burnt-offering and its oblation, and the continual burnt-offering and its oblation, and their drink-offerings, according to their ordinance, for a sweet odour, an offering by fire to Jehovah.
7At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa; huwag kayong gagawa ng anomang gawa:
7And on the tenth of this seventh month ye shall have a holy convocation; and ye shall afflict your souls; no manner of work shall ye do.
8Kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy; isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan sa inyo:
8And ye shall present a burnt-offering to Jehovah for a sweet odour: one young bullock, one ram, seven yearling lambs (without blemish shall they be unto you);
9At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,
9and their oblation of fine flour mingled with oil, three tenth parts for the bullock, two tenth parts for the ram,
10Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:
10one tenth part for each lamb, of the seven lambs;
11Isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, bukod pa sa handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.
11[and] one buck of the goats for a sin-offering, -- besides the sin-offering of atonement, and the continual burnt-offering and its oblation, and their drink-offerings.
12At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod, at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon:
12And on the fifteenth day of the seventh month ye shall have a holy convocation: no manner of servile work shall ye do; and ye shall celebrate a feast to Jehovah seven days;
13At maghahandog kayo ng isang handog na susunugin, na pinakahandog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: labing tatlong guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan:
13and ye shall present a burnt-offering, an offering by fire for a sweet odour to Jehovah: thirteen young bullocks, two rams, fourteen yearling lambs (they shall be without blemish);
14At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa't toro sa labing tatlong toro, dalawang ikasangpung bahagi sa bawa't tupang lalake sa dalawang tupang lalake,
14and their oblation of fine flour mingled with oil: three tenth parts for each bullock of the thirteen bullocks, two tenth parts for each ram of the two rams,
15At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa labing apat na kordero
15and one tenth part for each lamb of the fourteen lambs;
16At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon.
16and one buck of the goats for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering, its oblation and its drink-offering.
17At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
17And on the second day, [ye shall present] twelve young bullocks, two rams, fourteen yearling lambs without blemish;
18At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon, alinsunod sa palatuntunan:
18and their oblation and their drink-offerings for the bullocks, for the rams, and for the lambs, by their number, according to the ordinance;
19At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.
19and one buck of the goats for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering and its oblation, and their drink-offerings.
20At sa ikatlong araw ay labing isang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;
20And on the third day, eleven bullocks, two rams, fourteen yearling lambs without blemish;
21At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan.
21and their oblation and their drink-offerings for the bullocks, for the rams, and for the lambs, by their number, according to the ordinance;
22At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
22and one he-goat for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering and its oblation and its drink-offering.
23At sa ikaapat na araw ay sangpung toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
23And on the fourth day, ten bullocks, two rams, fourteen yearling lambs without blemish;
24Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
24their oblation and their drink-offerings for the bullocks, for the rams, and for the lambs, by their number, according to the ordinance;
25At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
25and one buck of the goats for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering, its oblation and its drink-offering.
26At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
26And on the fifth day, nine bullocks, two rams, fourteen yearling lambs without blemish;
27At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
27and their oblation and their drink-offerings for the bullocks, for the rams, and for the lambs, by their number, according to the ordinance;
28At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa handog na inumin niyaon.
28and one he-goat for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering and its oblation and its drink-offering.
29At sa ikaanim na araw, ay walong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
29And on the sixth day, eight bullocks, two rams, fourteen yearling lambs without blemish;
30At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
30and their oblation and their drink-offerings for the bullocks, for the rams, and for the lambs, by their number, according to the ordinance;
31At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon,
31and one he-goat for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering, its oblation and its drink-offerings.
32At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
32And on the seventh day, seven bullocks, two rams, fourteen yearling lambs without blemish;
33At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
33and their oblation and their drink-offerings for the bullocks, for the rams, and for the lambs, by their number, according to their ordinance;
34At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
34and one he-goat for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering, its oblation and its drink-offering.
35Sa ikawalong araw, ay magkakaroon kayo ng isang takdang pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod;
35On the eighth day ye shall have a solemn assembly: no manner of servile work shall ye do.
36Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: isang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan:
36And ye shall present a burnt-offering, an offering by fire of a sweet odour to Jehovah: one bullock, one ram, seven yearling lambs without blemish;
37Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan:
37their oblation and their drink-offerings for the bullock, for the ram, and for the lambs, by their number, according to the ordinance;
38At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
38and one he-goat for a sin-offering, -- besides the continual burnt-offering and its oblation and its drink-offering.
39Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.
39These shall ye offer to Jehovah in your set feasts, besides your vows, and your voluntary-offerings, for your burnt-offerings, and for your oblations, and for your drink-offerings, and for your peace-offerings.
40At isinaysay ni Moises sa mga anak ni Israel, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40And Moses told the children of Israel according to all that Jehovah had commanded Moses.